BABAYLAN - ᜊᜀᜊᜌ᜔ᜎᜈ᜔
Kabanata 3 BUGNA NI MAYA
Maaga pa sa bukang liwayway ay gising na si Maya para simulan ang gawaing pang araw-araw nila sa buhay. Ngayon ay inihahanda nya ang nga gatong na kahoy sa kanilang likod ng kubo at maayos itong isinalansan sa lupa para mainit at matuyo dahil sa tubig na dulot ng hamog, pag tapos nya sa gawain na yun ay tska naman nya kinuha ang isang malaking paso at tinungo ang batis sa loob ng gubat ginawa nya yun hanggang sa mapuno ang mga paso na lalagyan ng tubig.
"Maya"
Napatigil si maya sa kanyang ginagawa nang biglang syang makadinig ng isang bulong Kaya na patingin sya sa paligid at pinakiramdaman ito.
"Maya"
Ang bulong ng isang boses sa kanya sa kanyang pag papakiwari ay Isa itong babae base sa kanyang boses narin "sino Yan?" Ang sagot ni Maya dito ngunit hindi na sya nakatinig pa ng kahit isang bulong ulit kaya I pinag pa tuloy nya nalang ulit ang kanyang gawain.
"magandang umaga ina" Ang bati ni Maya sa kanyang ina nang makita nya itong Lumabas ng kanilang kubo "magandang umaga din anak" sagot ng ina at dahan dahan umopo sa isang papag sa labas linapitan naman ito ni Maya at sinuri ang ina "Ang inyong mga sugat ina kamusta ito?" tanong nya sa kay kuling "ayos naman anak wag mo ang alalahanin pa" sagot ni kuling kay Maya.
Sumikat na ang araw at ang mga tao ay may kanya kanya nang ginagawa sa kanilang sakahan hindi ngayon pumunta so Maya sa kanilang sakahan ng gulay dahil mas minabuti nyang bantayan ang kanyang ama at ina lalo pat may mga natamo ang mga ito kagabi nang sugurin sila ng mga aswang. Napatigil ang mag ina sa kanilang ginagawa nang biglang dumating ang isang babaylan sa kanila kasama ang dalawa nitong alalay na babaylan din "isang magandang umaga sa inyo kuling at Maya" Ang bati ng matandang babaylan sa kanila "magandang umaga din punong babaylan" Ang bating pa balik ni Maya dito "balita ko ay sinugod kayo ng mga aswang dito kagabi" saad ng babaylan "syang tunay punong babaylan ngunit maagap ko naman na silang nagapi" Ang sagot ni Maya dito at isang tango ang naisagot ng matandang babaylan Kay Maya dito tska pinaka titignan si Maya sa Mata at sa mga kamay nito.
"Ang iyong Bugna at nag simula na" saad ng matanda kay Maya na kinataka nito "Ang aking Bugna? Anong mayroon sa aking Bugna punong babaylan" Ang takang tanong ni Maya dito kinuha ng babaylan ang braso ni Maya tska ito sinuri at tinitignan ulit si Maya at kuling na nag tataka rin sa babaylan "ikaw ang Hinirang ni bathala, Isang natatanging bunggaitan sa mga Hinirang" Ang sagot ng punong babaylan "Ano ang inyong ibig sabihin" Ang tanong ulit ni Maya "Isa kang Hinirang" sagot ng babaylan "nais kitang sanayin upang maging isang ganap na bunggaitan" dugtong ng babaylan "may na tatago Kang kakayahan na tanging ikaw lamang ang mayroon nito, malayo ang iyong tatahakin daan upang makamtan ang dulo nito. Dugo, luha at pag hihirap ang nag hihintay saiyo sa tatahakin mong daan upang matupad ang tala ng tadhana para sa iyo" mahabang litanya ng punong babaylan.
Hindi nakasagot si Maya gayun din ang kanyang ina na halos ikinabigla nila ibinababa ng punong babaylan ang kamay ni Maya matapos nitong tignan ang palad nito upang makita ang nag hihintay na kalaparan ni Maya ngunit bigo syang makita ang lahat "sa ikatlong araw pag sapit ng bukang liwayway hihintayin kita sa templo ni libulan" ang punong babaylan tska ito tumalikod at nag lakad palaalis "ina Ano ang aking gagawin" nag aalalang tanong ni Maya sa ina pinauoo sya nito at hinaplos ang malambot at mahaba nitong buhok "sundin mo at tuaprin ang iyong Bugna Maya" nakangiting sagot ni kuling sa anak "Kung susundin ko ang aking kapalaran upang maging babaylan at lisanin ang ating pulo at mag tungo sa templo paano kayo ni itay?" pa tanong na sagot ni Maya sa ina "ayos lang kami dito anak ang mahalaga ay ang magandang nag hihintay saiyo sa hinaharap" sagot ni kuling dito "Kaya bukas na bukas ay mag lalakbay kana patungo sa templo" dugtong pa nito "ina" tanging sagot ni Maya dito.
...............................................................................
Libulan- the God of the moon Patron of Homosexuality
- Ayon sa ibang kwento sinasabing nanakit ng kagandahan ng buwan si Sidapa dyos ng kamatayan kayat niligawan nya ito ng hindi iniisip na pareho ang kanilang kasarian. Sinasabing hanggang ngayon ay mag kasama parin sila at masayang naninirahan sa Mt. Madjaas sa Panay. Sinasabing si libulan ay isang Hermaphrodite o isang cross dresser, nung unang panahon sa Visayas na ang mga lalaking nakasuot ng pang babaeng kasuotan o pang babaeng istilo ay pinahalagahan ng nga barangay.
![](https://img.wattpad.com/cover/300193038-288-k703157.jpg)
BINABASA MO ANG
BABAYLAN (BL HISTORY FICTION NOVEL)
Historische RomaneSi Maya isang anak ng mag asawang mangsasaka sa Bayan ng Panay, nakatira sa isang simple at patak na bukid Kung saan sila nag sasama kasama ang lang mangsasaka sa kabilang pulo. Ngunit dumating ang araw na nasi Maya ay Napili upang maging isang bab...