chapter 5

27 0 0
                                    

Pananaw ni Maya


malapit nako sa templo at subrang pagod na ako paubos narin ang dala kong pagkain para sa pag lalakbay "tulong" isang mahinang boses ang aking naririnig kaya naman ay nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid "tulongan moko pakiusap" nagawi ang aking tingin sa ilalim ng isang puno napatakbo ako ng makita ko ang isang babaeng sugatan at may tama ng pana sa balikat "mahabaging bathala anong nangyare sa iyo ginang?" ang aking naibulalas nang makita ko ang kanyang kalagayan "pakiusap tulungan mo ako" bulong nya at pansin kong balot ng dugo ang kanyang baro't saya hindi kona tinanong pa ang babae sapagkat ano mang oras ay mauubusan na sya ng dugo at maari syang malagutan ng hininga.

agad kong nilabas ang mga gamit ko sa panggagamot at agad syang nilunasan "mahal kong bathala......may lason ang pana na nakatarak sa iyong balikat binibini!" bulalas ko habang nakatingin sa pana at sa kanya "diko mawari kung anong klaseng lason ito ngunit ramdam ko na sinasakop na ng lasong ito ang iyong kalahating katawan" tugtong kopa kita ko naman ang kanyang pag luha "ang anak ko binibini.....ang aking anak" mahina nyang saad habang ito ay lumuluha at tinignan ang lukasyon ng anak nito kaya naman ito ay sinundan ko ng tingin kaya naman tumakbo ako papunta sa gitna ng damuhan at sinuyod ito napahinto ako sa pag lalakad nang makita ko ang isang lampin kaya naman nilapitan ko ito at sinuri ng mabusisi at nang akin itong malapitan ay agad ko itong ay dito ko ko nakita ang isang sanggol na namumutla na kaya naman sinuri ko ang pag hinga nito at tibok ng puso bagsak ang balikat ko nang makabalik ako sa babae at dahan dahan kong ibinigay ang sanggol na wala nang buhay "ang aking anak" mahina nyang saad "paumanhin diko nailigtas ang iyong anak wala na ito nang aking matagpuan sa gitna ng damuhan" saad ko sa babae "hindi.....hindi.... hindi totoo yan buhay ang aking anak buhay ..... buhay si juse buhay sya buhay" sagot nya habangito ay tumatangis "binibini huminahon ka lalong lalala ang iyong sugat" saad ko at tumingin naman sya saakin "wala nang silbi pang mabuhay kinuha nila ang buhay ng aking buong pamilya pati na ang aking asawa at anak"saad nya "maghunos dili ka maraming dahilan para mabuhay alam kong nag dadalamhati ka ngunit ikaw ay mag pakatatag sana" sagot ko dito.


tahimik na tumatangis ang ginang habang ito ay aking ginagamot ngunit kita ko na  ang epekto ng lason sa kanyang katawan hindi kaya ng mga halamanggamot ko ang lason lubhang malakas ang lason na inilagay dito at kakailanganin ko ng malakas na mga halamanggamot "maya...."mahina nyang tawag pangalan ko agad naman ako lumapit sa kanya "binibini akoý iyong tinawag" pag sagot ko sa kanyang pag tawag saakin "iwan mona ako...." bulong nya "nguniti paano ka? hindi kita maaring iwan sa ganitong kalagayan" pag tutulo ko dito "pero kailangan.....kailangan kasi may tadhana kapang kailangan mong tuparin....nakasulat sa mga tala sa kalangitan ang iyong kapalaran kaya't humayo kana at bilisan" sagot nya saakin 

"hindi kita maaring iwan at hayaang mamatay sa ganitong lagay"  saad ko dito habang hawak-hwaka ang kamay ito "thank you" sagot nito gamit ang ibang pananalita na ginagamit ng mga banyaga unti unti syang pumikit at kaninang mahigpit nyang hawak saakin ay ngayon ay hindi unti unti nyang nabibitawan ang kamay ko napatingin ako sa kanyang ukha at nakita ko dun ang kapiraso ng kanyang luha na unti unting dumadaloy sa kanyang mukha "patawad binibini nabigo akong iligtas ka" bulong ko tska ko sya binuhat malapit sa batis at pag tapos ay binuhat ko din ang kanyang sanggol na anak, ibinaba ko ang katawan ng babae sa balsa na aking ginawa at sa tabi nito ang kanyang anak at nang maayos kona ang lagay nila sa balsa ay inalalayan ko ito sa malalim na parteng ilog at tska ko ito hinayaang maanod pag ahon ko ay hinanda ko ang pana na may kasamang apoy at tska ko pinuntirya ang balsa upang mag liyab ito

sa aming bayan ito ang aming tradisyon sa tuwing may katawang mamaalam ay pinapaanod namin ito ay inaapoyan ang apoy ang mag sisilbi nilang liwanang hanggang sa makita sila ni magwayen upang ihatid sila patungo sa kabilang buhay "gabayan ka sana ni bathala" bulong ko dito dinampot kona ang bayong ko at sinimulan na ang mag lakad papunta sa templo ni libulan sa bundok ng madjaas "parating nako punong babaylan" saad ko.


pananaw mula sa mga diwata

"sana ay kayanin ni maya ang bugna na nakaatang sa kanyang balikat" tugon ni magayon habang ito ay nakatingin sa isang balon "naniniwala ako sa mahal na laon naniniwala ako sa sugo na kanyang binabantayan sa langit" sagot naman dalika mata. 

Pananaw ni Maya

Madilim na at amoy na amoy ko ang mga masasangsang na amoy at alam kong mga aswang iyon na nakamasid saakin nag aantay lamang ng takdang oras para ako nila ay kainin inilabas ko naman ang aking kwintas at sinuot ito, ito ay isang perlas at sa loob nito ay niglayan ng isang sampagita gawa ito ng aking ama regalo para saakin, malapit na ako tanaw kona ang tutok ng bundok maliwanag ito at sigurado ako ito na ang templo. 

wala na akong inaksayang oras at agad na tumakbo paakyat ng bundok. Halos hating gabi na ako nakarating dahil sa tarik at dilikadong daan paakyat ng bundok madami din mga patibong na sumalubong saakin pero agad ko din naman ito naiwasan at nalagpasan. Narito ako ngayon sa tapat ng isang malaking batong harang agad akong nag lakad papasok at tinignan ang paligid may iilang mga babayi na naglalakad at may mga dala na mga itak at mga latigo pero ang iba sa kanila ay ginto inikot ko ang paningin ko sa buong paligid "nandito kana pala maya" bungad saakin ng isang matang boses kaya naman liningon ko ito "punong babaylan kadarating ko lamang galing sa pag lalakabay mula sa malayong nayon" sagot ko dito  nag lakad naman ito papalapit saakin at tinignan ako tska nya ako nilagpasan "sumunod ka saakin ituturo ko ang iyong kubo at iyong panunuluyan habang ikaw ay nag sasanay bilang isang babaylan" sabi nito saakin kaya naman nag lakad ako kasunod nya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BABAYLAN (BL HISTORY FICTION NOVEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon