"Welcome to the Philippines, welcome to Batangas Sir. Ma'am." Nanatili akong nakamasid sa paligid habang pinipigilan na hindi mamangha sa tanawin ng asul at napakalinaw na dagat.Sumakay kami sa isang bangka kasama sa isa sa tauhan ng Helio na syang kakausap sa employer ko para sa isang taong kontrata.
Babantayan at proprotektahan sa kahit anong aspeto ang ikokontrata sa akin.
Dinala kami sa isang tagong isla malayo sa bayan. Mula sa Kapital ng Pilipinas ay may tatlong oras na byahe mula sa isang bayan ng probinsya ng Batangas. May kalahating oras na lakbayin ng bangka at mahigit isang oras naman pag sasakyang panlupa ang gagamitin.
Nanatili akong kalmado at alisto sa paligid habang nakasunod sa pag baba ng banka.
"Kayo ba ang pinadala para bantayan si Adriene?" Naging banyaga ang lengwahe nila sa akin. Kailangan ko pang magaral ng ilang bwan para sa misyon na ito.
"Not me, it's this young lady." Sagot ng tauhan ng Helio na kasama ko.
Tinitigan ako ng matanda na para bang nag tataka. Bakit mas bata sa kausap nya ang ipapadala.
"Tonyo! Tonyo! Si Adriene!" Isang matandang babae ang nag mamadaling nag punta sa amin.
"Ano? Anong magyari kay Adriene?"
"Ang batang iyon! Umakyat sa puno ng talisay ay ayaw bumaba o sadyang di makababa!" Agad naman na pinuntahan ng lalaki at sumunod kami.
Sa tabi ng isang dalawang palapag na bahay ay may isnag malaking puno ng talisay.
"Adriene! Bumaba ka riyang bata ka! Jusko! Saan ka ba pinaglihi! Mappagalitan ako ng kapatid mo! Adriene!" Tawag ng lalaki. Tinanaw ko ang batang babae na nakaupo sa isang sanga at nakatanaw sa malayo.
"Adriene! Ikaw na bata ka! Naandito na ang pinadala ng Daddy mo para magbantay sayo! Bumaba ka na riyan!" ang ibig bang sabihin sya ang nasa kontrata ko.
"I want my brother! I don't want them! I want my brother." Sigaw nito at niyuyugyog ang sanga. May tyansa na mahulog sya sa ginagawa nya.
"Agent, I'm done with my part, you are now contracted with that young lady. Buo mong ibigay ang buhay mo sa batang iyan, sa loob ng isang taon." Bulong sa akin ng Tauhan ng Helio. Agad akong tumango.
"Binibini, aba! Marunong ka ba umakyat?" Pag pigil sa akin ng babae. Tumango lang ako sa kanila. At agad na binaba weights na nakakabit sa aking kamay at agad na umaktong aakyat ng puno.
"Ayw koo!" Sigaw ng bata sa akin at agad na lumipat ng sanga. Nakipag habulan ako sa kanya sa bawat sanga kahit malaki ang tyansa na mahulog sya.
"Ahh!" Dumulas ang paa ng bata at agad na nahulog ngunit agad ko rin naabot ang kamay nya. Buong lakas ko syang hinila ngunit di ko nakaya ang kanyang timbang kaya nabulid din ako at nahulog. Agad ko syang niyakap at sinapo ang ulo.
Dinama ng buo kong katawan ang kanyang bigat nang bumagsak kami sa buhangin.
Hindi ko inaasahan na ito ang kontrata na makukuha ko.
Sumilip sa akin ang batang babae.
"Why do you catch me!" Pagalit nyang saad sa akin saka tumayo at naglakad papalayo. Agad syang sinundan ng babae at ako naman ay dinaluhan ng lalaking matanda.
"Ayos ka lang ba, hija?" Tumango ako habang pinapagpagan ang balikat at braso ko na puno ng buhangin.
Agad naman na kinausap ng tauhan ng Helio ang matandang lalaki at naglakad sila papalayo at muling sinakay sa ibang bangka ang tauhan ng Helio at tinangay papaalis.
BINABASA MO ANG
Fix you
Teen FictionTheir eyes won't hide the lies that their mouth speak. Their action won't reciprocate the words that they promised. They betray me. Then they ask forgiveness. They want me to stay, but they let me feel unwanted. How would the Hunter love a wander bl...