KABANATA 6

15 2 0
                                    

"Good morning." Napalingon ako kay Azula na isa isang pinupulot ang mga kahoy na natira sa bonfire kagabi.

Napaupo ako at doon ko naramdaman ang sakit ng ulo dala ng alak na ininom ko kagabi kasama ng hamog na dala ng gabi.

Ang blanket ay nakatabon sa aking katawan.

Ilang pulgada sa aking paa ay ang alon na kinukumutan ang dalampasigan.

"Si Art?" Tanong ko sa kanya at tinuro nya si Art na nag papatong patong ng mga bato.

Lumapit sya sa akin at pinulot ang tatlong bote ng alak na syang naging sanhi ng hang over ko ngayon.

Suminghap ako at napasapo sa ulo ko at ininda ang sakit. Nakita ko ang pag tawa ni Azula dahil sa reaksyon ko.

Tumayo sya at lumayo.

Ako naman ay nagsimula na ring kumilos at tinupi ang blanket.

"Here." Iniabot ni Azula ang tasa ng kape sa akin.

"Tatay Tonyo introduced kapeng barako and i think it taste really good and different. Baka makatulong na mawala ang hang over mo." Sabi nya at inagaw ang blanket sa akin.

Tinalikuran nya ako at pumasok sa huling tent na natitira na nakatayo.

"Kuya, are you okay? Breakfast is ready." Natingin ako kay Art habang humihigop ng kape.

"I'm fine."

"Why did you not sleep beside me? Si ate Azula ang katabi ko kagabi." Nakangusong sumbong nya.

"I'm sorry. I fall asleep here outside." Inakay ko sya sa breakfast namin na hinanda ni itay at inay.

"Alis na lang tayo bago tumirik ang araw. Hija, mag picture kayo ni Adriene sa taas. Sa mga ruins. May sinasabi silang katulad daw iyon ng mga lumang gusali sa— Mape saan nga uli iyon?"

"Ay nako hindi ko alam.."

"Ancient Greece po. Its like ruins and pillars of ancient greece." Sagot ni Azula na naka ngiti.

"Ayun! Tama! Aakyat tayo bago uminit. At pwede rin kayong mag cliff diving ni Luan. Madalas gawin ni Luan iyon tuwing bumibisita." Nagpatuloy ako sa pag kain ng umagahan siguro dahil rin sa hang over kaya ayoko mag salita masyado.

I look at Azula while she's removing the edges of the bread while my sister is eating her removed edges of the bread.

Napangiti ako dahil ang cute nya at ng kapatid ko.

Matapos ang umagahan ay sinimulan namin ni tatay na hakutin ang gamit papunta sa bangka habang nag bibihis si Azula at si Art.

Lumingon ako kay Artemis sa pag hatak nya sa damit ko. Nakasuot sya ng magandang dress.

"Who told you to wear that?"

"Nanay Mape told me to bring nice dress so that i can have a decent pictures with you. This is decent?" Tanong nya sa akin habang nakanguso.

I bend down and face my sister.

"You look really gorgeous, Art. As always. I will take a lots of picture of you. Who did your hair?" Tanong ko sa kanya dahil nakamaayos tirintas ang kanyang hanggang bewang na buhok.

"Ate Azula did. She wear dress too." At tumuro sya. Agad kong sinundan ang lugar na tinuro nya at nakita ko si Azula na suot ang mini floral dress.

And i never imagined that she will pull the dress to well na para bang sya ang modelo ng damit na iyon.

Napatulala ako sa kanya habang nilalagay nya sa lalagyan ang tent.

She's so gorgeous.

"Kuya, do you like ate Azula?" Napalingon akong muli kay Art sa kanyang tanong.

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon