KABANATA 28

13 1 0
                                    

"Mahal nakikita mo ba iyong—" napatigil ako sa pag tawag kay Azula nang may sumabay sa bawat salita ko. Tiningnan ko si Daddy na pababa pa lang ng hagdan habang ako na nasa huling hakbang na.

"Yung relo ko?" sabay din namin na tanong.

"What the Heck, Dad!" Inis na sabi ko. Pumasok ng bahay si Azula at lumapit sa akin. Inabot nya sa akin ang Relo ko.

"Nasa Raptor po." Naningkit ang singkit nyang mata. Hinapit ko ang bewang nya at mabilis na humalik.

"Pa'no pa ang buhay ko pag wala ka." Sabi ko sa kanya at mahina nya namang sinapak ang mukha ko. Tumawa ako sa iritasyon nya. Malamang kasi kaya sya ganyan ay may bwanang dalaw sya. Sanay na sya na pag nasa loob kami ng aking sasakyan o dito sa bahay ay sweet kami.

"Sana all 'no? Sweet?" Saad ni Art na pababa ng hagdan.

"Bawal ka pa!" Sabay naming saad ni Azula at si daddy naman ay,

"You are not allowed, Sweetie!"

"Say it in chorus again! Mommy baka gusto mo na rin pong sumabay sa kanila para full force kayo." Kaswal na saad nya habang nag lalagay ng gamit nya sa upuan ng living room. Tumayo sya at inayos ang necktie nya na may Logo ng Triton.

"I'm not, Art. Ayus lang sa akin na may magpakilala pero hindi sa parte na maging nobyo mo na agad. You are still my baby, sweetie." Sabi ni mommy na kalalabas lang ng dinning area.

"It's the same mom." Tumawa si Mommy at sabay sabay kaming nagpunta sa dinning.

Months past and we are living a normal life. Ako sa District, sa sarili kong kompanya, si Daddy sa Tan+Architects at si mom, sa Sector. All is well.

"Dad? 'Yan na po ang suot mo?"

"Bakit? Do i look ugly? Mag grogrocery lang namn kami ng mommy mo pagkatapos ka naming ihatid sa Triton."

"It's just plain. Hindi po ako sanay, di tulad ni kuya na laging parang i dedate si Ate Azula." Tinuro ako ni Art gamit ang tinidor habang tinatanggalan ko ng edge ang tinapay ni Azula.

"He is a prince, Artemis. He is the figure of our district. He should look presentable all the time." Saad ni mommy.

"Presentable na pati client ng ibang kumpanya ay sa kanya pumupunta." Napalingon ako sa binulong ni Azula.

"Mahal? Hindi naman—"

"Anong hindi, nakita kita kahapon may ka sama kang isang babae sa restaurant. Ang sabi mo may kameeting ka sa office nyo pero may ka kasama ka naman sa restaurant." Mataray na saad nya sa akin na syang ikinangisi ko. I like her this way sometimes. I found it sweet dahil gusto nya na ako lang ang kasama nya. May pang aangkin. Napaka tapang. Ibinaba ko sa plato nya ang tinapay.

"Mahal, organizer ko iyon para sa birthday ko. Di'ba iyon ang gusto mo?" Napatigil sya sa pag lalaro ng bacon at napalingon sya sa akin.

"Dapat ay sinama mo ako."

"Paano kita isasama kung hindi kita maabala sa mga medical mission mo." Hilig nyang sumama sa mga medical mission sa isla ng Amandayo. Hindi naman sila kulang sa serbisyong medical, nangangamba lang sina Azula na baka in terms ng kalamidad ay wala silang magamit at hindi agad makarating sa kabihasnan.

Palibhasa, lagi nyang kasama ngayon si Deianira at ang mapapangasawa nya. Napaka bilis ni Kid. Biruin mo ay ikakasal na talaga sila matapos ang taas baba nilang pag sasama ni Deianira.

Iniisip ko tuloy kung anong mararamdaman ni Ehann gayong naunahan pa sya ng kanyang nakababatang kapatid. May long term relationship naman si Ehann pero hindi parin naiisipang magpakasal. Si Alix ay kasal na, maging si Prince Lucian. Sya na lang ang hindi sa kaedad nya.

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon