Nagulat ako nang sa paglabas ko ng banyo ay nakita si Azula na nagtatanggal ng damit ko sa closet. Lahat iyon ay mga navy blue o kaya ay itim na kulay.
Pinalalayas na ba ako ng asawa ko? Bakit? May nagawa ba ako? Ilang bwan pa lang kaming magasawa ah.
"Mahal, anong ginagawa mo? Aalinhin mo yang mga damit ko?"
"Itatapon ko." Napakunot ang noo ko sa kanya. Itatapon? Lahat 'yan? Edi walang natira sa damit ko.
Nanlaki ang mata ko dahil pati mga rubber shoes ko na itim ay nilagay nya sa kahon."Mahal!!"
"Binili na kita ng mga bagong damit. Iyong hindi mga ganito ka dilim ang kulay. Maging sapatos kaya itapon na lang natin ito." Nanlaki ang mata ko. Ilan sa mga iyon ay limitado lang sa store.
Noong isang araw ay pinaltan nya ang kulay ng kurtina namin ng white at champagne. Maging ang kobre kamay ay puti. Parang kwarto sa langit ang kwarto namin. Puro puti ang kulay at champagne.
"Magbihis ka na. Nasa kama na ang susuotin mo." Sabi nya at wala akong nagawa kun'di tingnan ang damit ko sa kama.
Napanganga ako sa isusuot ko.
Light brown na slacks, white button down polo at isang puting sapatos ng Nike. Para akong aattend sa kasal o binyang ng bata eh dinner para sa kasal ni Justice at Hector ang pupuntahan namin sa kabilang bahay lang.
"Mahal! Dinner lang ang pupuntahan natin, hindi binyag." Lumabas sya ng walk-in closet at tiningnan ako.
"Ayaw mo ba na pareho tayo?" Pinasadahan ko sya ng tingin. Kaswal na bistida na puti at isang sneakers na puti rin ang suot nya. Ngumiti ako, okay na pala. Payag na ako.
"Bihisan mo ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin at lumapit. Tumiad sya at hinalikan ako na syang ikinagulat ko.
"Ang gwapo mo." Puno ng adorasyon ang titig nya. Hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako.
Muli nya akong hinatak at hinalikan. Sinapo ko ang likod nya at bahagya syang binuhat.
Bumaba ang halik nya sa aking leeg at doon sya nanggigil.
"Mahal, pwede mamaya na lang after dinner." Sabi ko habang dinadama ang malalim na halik nya sa ilalim ng aking panga.
Bumitaw sya sa akin at ngumiti.
"Okay. Mag bihis ka na." Magiliw na sambit nya na puno ng ngiti at muling bumalik sa loob ng walk in closet. Nagbihis naman agad ako at pumunta kami sa main house. Sa garden nila kami mag didinner dahil darating ang pamilya ni Hector at pamilya ko."Ang pangit ng suot mo, Axel! Mag palit ka doon." Saway ni Azula sa malamig na tinig. Napakamot sa ulo si Axel, naka black Lacoste polo si Axel. Napapisip ako bakit ititable sya sa itim?
"Ate!!" Dinaluhan ni Art si Azula at niyakap. Pinuri nya si Art sa suot na damit. Light ang kulay ng suot ni Art.
"Ayos ah! Parang aattend ka ng binyag ng bata."
Tinawanan ako ni Dam sa suot ko."Di pa bibinyagan si Ace, Hunter! Excited ka naman yata." Gatong ni Axel at tumawa si Dior.
"Ikaw ang pangit ang suot Axel. Ayoko nyan!" Mataray na sabi ni Azula na kinagulat nila. Bago sya muling bumaling sa tabi ni Jastice na karga karga si Ace.
"Mainit ang ulo ah. Anong ginawa mo?" Tanong ni Axel. Inis ko syang tingnan.
"Maayos ang mood nyan kanina kung di ka lang nagpakita! Magpalit ka nga dun." Sabi ko at iniwan sila.
BINABASA MO ANG
Fix you
Teen FictionTheir eyes won't hide the lies that their mouth speak. Their action won't reciprocate the words that they promised. They betray me. Then they ask forgiveness. They want me to stay, but they let me feel unwanted. How would the Hunter love a wander bl...