𝗧𝗶𝘁𝗹𝗲: De vant; the new enemy
𝗚𝗲𝗻𝗿𝗲: Paranormal, Adventure, Romance
𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿: LadyOnTheBalcony
💖💖💖
Prologue
"Wala kang utang na loob! Ako ang nagbigay sayo ng kapangyarihan! Ako ang nag-alaga sayo! Tapos eto lang igaganti mo sakin!" Galit na galit na sabi nito. Habang patuloy siya nilalamon ng maitim na usok
"Tandaan mo ang araw na ito! Arielle maghihigante ako!"
"Maghihigante ako! maghihigante ako!" Galit na sigaw nito narinig sa buong kwarto ko kaya nagising ako at nakita ko ang liwanag na nagmumula sa bintana kaya napailing ako at sinuot na lang ang salamin ko
Simula nang maganap ang huling laban namin lagi ko na siyang napapaginipan. Ewan ko kung bakit pero everytime na maririnig ko ang huling sinabi niya natatakot ako, natatakot ako sa kung ano ang posible na mangyari kung sakaling magising siya ulit
"Good morning nak!" Masayang sabi ni Papa. Habang nagkukulitan sila Krypton sa may sala... "Morning, pa" tamad kong sabi at umupo na lang sa paborito kong pwesto kaya sumabay na din saamin sila Krypton
"Kamusta ang resto, Krypton"
"Okay lang naman po, Tito" sagot ni Krypton. Kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Ilan taon na ang nakalipas marami nang nagbago saamin... Si Krypton resto owner na habang ako naman isang journalist. Mas gusto ko kasi nasa field ako at makita kung ano ang totoong nangyayari dito sa bayan... "Okay ka lang ba? Arielle kanina ka pa tulala diyan"
"Ah, opo. Okay lang po ako" sagot ko. Kaya tumango na lang si Papa pero hindi nawala ang tingin sakin ni Krypton kaya ngumiti ako sakanya na sinasabi kong okay lang ako
"Tell me, Arielle hanggang ngayon ba napapaginipan mo pa rin siya" sabi ni Krypton. Kaya napabuntong hininga ako at tumingin na lang sa bintana... "Yes, Krypton napapaginipan ko pa rin siya"
"Wag mo na kasi siyang isipin. Sa tingin mo makakabalik pa siya" sabi nito at hinawakan niya ng kamay ko... "At kung sakaling bumalik siya I will protect you so don't worry about her" sabi pa nito kaya ngumiti na lang ako at nararamdaman ko ang mainit niyang halik sa noo ko
"Susuduin kita, mamaya ah"
"Okay, ingat sa pagdrive!" Sabi ko. Kaya ngumiti siya at pinaharurot paalis... "Ang gwapo talaga ni Krypton no" singit ni Gwy. Kaya napailing ako at pumasok na lang
"Grabe, napanood ko yung cover mo doon sa shutout kahapon! Grabe ang tapang mo" masayang sabi nito. Napangiti ako isa na siguro sa natutunan ko sa mga laban namin ang maging matapang lalo na kapag ang magiging kalaban mo ay mga maligno
"Nga pala, kanina ka pa hinihintay ni Sir. May mahalaga yatang sasabihin sayo" sabi pa nito. Kaya napatigil ako sa paglalakad
"Seryoso?" Sabi ko. Tumango siya
"Bakit daw?" Tanong ko. Habang ang puso ko walang tigil sa pagtibok dahil sa sobrang kaba... "Don't be nervous, Arielle. Mukha naman good mood si sir so... ibig sabihin good news iyon"
Kaya daling-dali akong pumunta sa office ni sir at nakita ko siya nakatayo habang nakatingin sa labas at nakita ko rin si Wayne nakaupo at busy sa phone... "Morning, sir"
"Arielle! My favorite employee have a seat meron tayong kailangan pagusapan" sabi nito. Habang nakangiti kaya kahit kinakabahan ako ay sinunod ko ang utos niya pati rin ni Wayne na cameraman/partner ko
YOU ARE READING
Story Promotions
אקראיHello! Nagpropromote po ako ng mga flipino's story. Wala pong bayad ito o kapalit. Gusto ko lang tulungan ang mga kapwa co-writers ko na ma-ipromote ang kanilang gawang story.