Title: The Perfect MaskAuthor: AO_Spring
Genre: Supernatural-Romance
💟💟💟
Prologue
Siyam na raa't walumpu't lima. Sige, pag-isipan mo lang ang Ingles niyan.
Kahit alam mo pa 'yan, isa ka pa ring mangmang sa harap ng lalaking nagngangalang Keyn Cardinal. Bawat asignatura sa paaralan ay panis na panis sa kaniya. Isang tingin niya lang ay alam na niya ang kasagutan sa bawat katanungan.
Isang araw, habang naghihintay sa mainit na pila sa vaccination center, nahagilap ng kaniyang mga mata ang nakaupong chinitang babae. Pamilyar siya sa kaniya kaya agad niyang kinuhanan ng litrato ang babae bago pa niya makalimutan.
Sa paglapit ni Keyn, nakita niyang may luha sa mga mata ng babae, hawak-hawak ang larawan ng isang unggoy. Nang siya ay titigan, doon niya napagtanto na isang malaking pagkakamali ang paglapit sa kaniya. Kinakailangan na niyang itago ang tunay niyang pagkatao.
Isa lamang ang dahilan nito...
Si Keyn ang dating alagang unggoy na siyam na raa't walumpu't limang taon nang namumuhay sa mundo.
YOU ARE READING
Story Promotions
RastgeleHello! Nagpropromote po ako ng mga flipino's story. Wala pong bayad ito o kapalit. Gusto ko lang tulungan ang mga kapwa co-writers ko na ma-ipromote ang kanilang gawang story.