"Ate Nathaly, alam mo ba na I drew a photo of Kuya. I like to draw and paint." Mika said, Miko's sister.
I'm uncomfortable at first pero nakatulong 'yung smile niya. Parang nakakatunaw 'yung smile, nakakadala, ganoon.
Nag k-kwento lang siya about sa buhay niya at sa mga hobbies niya. Mahilig daw siya mag draw, mag paint, sumayaw, marami. Ang cute niya kausap.
"Baby? Can I borrow Ate Nathaly? Baka hinahanap na siya ng kaibigan niya sa rooftop" Miko interrupted our talk.
Hindi agad pumayag si Mika, gusto pa sanang sumama sa rooftop but her kuya, Miko, said no.
Sinabi ko pa na magkikita kami ulit. I hope there will be a second time, I also want to talk to her. She's so cute, I don't know but I really want to meet her again with... Miko. At tama nga si Miko, sobrang bait niya.
"Let's go?" Tumayo na si Miko at inakit ako papunta sa rooftop nang makaalis na si Mika.
Nakarating na kami sa rooftop at ang lasing na si Cheska ang bumungad sa amin.
Oh my god, ako 'ata ulit ang mag u-uwi sa kaniya. Hindi naman ako nagrereklamo pero baka mapatawag ko ulit si Kuya, lagot!
Nagtaka ako dahil akala ko ay ihahatid lang ako ni Miko sa table namin but he stayed in our table, sinasalinan ni Kiko ng alak.
Napapansin ko rin na fine-fake ni Kiko ang inom dahil tinatapon niya sa baba ang alak na nasa baso. Alam kong nakikita rin 'yon ni Miko but he didn't talk about it. He doesn't look drunk at all, ang fresh pa rin kahit unfair na 'yung pag inom nila ni Kiko.
I looked around. Wow, kilala niya lahat ng tao dito? He must be really famous, I didn't know until now. Ang daming tao, puno ang tao sa pool, sa mga lamesa at sa sayawan. Ang wild!
I noticed that his friends are looking for him. "Your friends are looking for you"
Hindi niya ako napansin hanggang sa makita niyang nakatingin ako sa kaniya kaya inilapit niya ang tainga niya sa akin, asking me to whisper the words I said earlier, hindi 'ata narinig.
That was so close I almost lost my breath, "Your friends are looking for you." I said, tinuro ko pa ang lamesa ng mga kaibigan niya. Pasimpleng tumingin din siya doon, nagtatago 'ata.
"You should go there" I said. Birthday niya, he should go around and talk with other people, hindi 'yung sa amin lang siya nakafocus, hindi lang kami ang bisita niya, 'no!
Kinuha niya muna ang baso na nasa harapan niya at ininom. Kay Kiko dapat 'yon pero dinuga niya na naman si Miko, hindi niya ininom at pinasa agad kay Miko, nakakahiya! Nilalasing niya ba 'to?!
"Malalaki na sila" Sabi niya bago sumipsip sa lemon na nasa lamesa. Hindi man lang siya ngumiwi or like maasiman, seryoso pa rin siya habang sinisipsip ang lemon. Hindi ba maasim 'yon!?

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...