[Cyrene]
With my gun in my hand, I casually walked towards the church.
It's quiet. Now that I notice it, since I came here in the capital, I haven't seen one vampire. Kahit isang high ranking vampire ay wala.
Well, I actually expected that. Walang rason para magkaroon ng high ranking vampire rito, lalo na isang normal na bampira. Kung nandito ang pureblood vampire, mas pinipili nito ang magpag-isa at walang nakapalibot sa kaniya.
Ang ibig sabihin lang n'on, nagkalat ang mga bampira sa ibang parte ng district.
I can sense an eerie feeling inside the church. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baril nang itulak ko pabukas ang malaking kahoy na pintuan ng simbahan. Nag-echo ang tunog ng pinto na dumidikit sa tiles nang dahan-dahan itong bumukas.
Pagkaapak na pagkaapak ko sa loob, mabilis na bumigat ang magkabilang balikat ko. It made me stop walking, making me frozen in my place.
But to my freaking surprise, nang umangat ang tingin ko para tignan ang kabuoan ng simbahan, wala akong nakita.
Maliban sa altar na may mga rebulto at kagamitan, pati na rin ang mga nakahilerang mga upuan, walang kahit anong laman ang simbahan. Muli akong naglakad, tumutunog ang takong ng sapatos ko sa walang kalaman-laman na simbahan.
Tinignan ko ang mga pintuan sa magkabilang pader ng simbahan, kung saan nagsisilbi itong labasan at pasukan ng mga mamamayan.
Wala... walang kahit ano-
Natigilan ako sa paghakbang nang matulala ako sa tiles. Walang ekspresyon akong napakurap-kurap dito. After a couple of seconds, realizing something, I slowly... looked up.
Because the lights are off and the ceilings are too high, it's too dark to see what's up there for an ordinary person.
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa baril, pero sapat pa rin para hindi ito malaglag. Napalunok ako nang malalim, naramdaman ko rin na tumulo ang pawis ko habang nakaangat ang tingin. I tried to maintain my calm expression, but I felt the terror down my spine.
Ilang dosena sila... mga tao— mga bangkay. Ang nakasabit sa dingding, parang mga hayop na hinihintay na kainin. There are huge hooks penetrated on their backs, just like pigs.
I clenched my fist. "W-We're fucking too late..." I said under my breath.
Kung hindi naging mga kauri ng mga bampira ang mga mamamayan dito, naging food supply naman para sa kanila.
Tsk, wala na bang natira?-
Naagaw ang atensyon ko nang makaramdam ako ng ibang presensya. Mabilis akong napalingon sa paligid.
Is it the pureblood?-
B-But no, it doesn't have that much kind of pressure and the atmosphere didn't changed.
A vampire? A higher ranking one?-
Hinanda ko ang sarili ko, at siniguradong malapit ang daliri ko sa gatilyo. Umiikot sa labas ang bampira, sapat ang bilis niya para magawa niyang tumakbo-takbo padaan sa labas at tapat ng pinto ng hindi nakikita.
A higher ranking vampire. Probably, their leader or someone higher.
Naningkit ang mga mata ko. Anong ginagawa niya rito?
Mabilis na lumingon ang ulo ko kasabay ng pagtutok at putok ko ng baril. Pinutukan ko ang pangatlong pintuan sa kaliwang parte ng simbahan.
I shot 3 times, but It didn't hit him. He's too fast, that makes my assumption true. He's definitely higher than the vampires I've met on my way here.
Masyado siyang mabilis para makita ng ordinaryong mga mata. Pero kahit sumasabay sa hangin, nagagawa ko pa ring makita ang mga galaw niya. Ilang segundo lang matapos kong iputok ang baril, naramdaman ko na ang mabilis niyang pagpunta sa likuran ko.
"You shouldn't have come here." Malamig ang boses niya na sumasabay sa hangin.
Mabilis akong umalis sa pwesto ko, sapat na para maiwasan ko ang tuluyang paglapit niya.
"YOU, shouldn't have come to this district."
Walang buhay ang mga mata kong tumingin sa gilid ko, kung saan sa isang iglap, napuntahan niya ulit.
"You have no right to decide, filthy human."
I pointed my gun at his direction. "And you don't have the right to decide also, disgusting blood sucker."
This time, I didn't shot him. Instead, I shot where he will go. And my calculations were right, pangatlo at pang-apat na putok ko ng baril ay tumama sa braso at tuhod niya, dahilan ng paghinto niya sa pagkilos.
Mabilis siyang nahinto sa mabilis niyang pagkilos, katulad ng ordinaryong bampira lang ang katawan niya. Mukhang ang bilis niya ang meron siya, na walang epekto sa aming mga projects, o iilang mga captains. Matatalo man niya ang ibang hunters, pero pagdating sa amin na pinalad sa matalas na pangdama at pag-iisip— hindi siya tatagal.
Now I can see him clearly, he looks fragile. Forget what I said, he's not something special, he's not even a higher ranking vampire.
I walked closer to him, expressionless. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakahawak ang isang kamay sa braso niyang may tama at nakaluhod ang isa niyang tuhod.
"What are you doing here? Committing suicide?" I said on a monotone voice.
Napaismid siyang ngumisi at dumura ng dugo. "By what? Facing you?" He sarcastically answered.
Idinikit ko ang nguso ng baril sa ulo niya. "Asshole, even with disgusting vampires like you, there are still some rules to follow." Walang ekspresyon kong sambit. "Even if I'm not here, your kind will still kill you."
He gave me an irritating look, yet he also looks confused. "For what?" He chuckled. Sinusubukan niya pa ring magsalita ng punong-puno sa sarili. "For eating foods?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa binanggit niya na pagkain ang mga tao, kung hindi dahil sa gusto niyang iparating...
Nanatili akong walang kaemo-emosyon na nakatingin sa kaniya, pero mabilis na lumalim ang pag-iisip ko. Sa parehong pagkakataon, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
I came here... and I only saw, bodies.
There are no signs that there are still humans left.
Some of them became vampires, and some of them... are already dead.
So if none of them are left... what is the source of their foods?-
As if something hit my head. Nagkabuhol-buhol ang utak ko sa kabila ng walang ekspresyon kong mukha sa panlabas. Nanatili pa ring nakatutok ang baril ko sa bampira, pero parang nakahawak ang mga kamay ko sa ulo kong sumasakit.
If there are no foods left... the pureblood will not stay here.
Unless there are some left, but where?
The pureblood will leave if there's no food, but he or she is still here. That means, they can still eat.
Wala sa sariling naputok ko ang baril, dahilan ng pagtumba ng kaharap ko. Nanatili pa rin akong walang ekspreson.
Kung wala ng pagkain at nandito pa rin sila, ang ibig sabihin lang n'on ay nag-aabang sila ng makakakain.
S-Saan sila mag-aabang?-
Sa border.
━━━ † ━━━
BINABASA MO ANG
Blood Hunt : Project Zero
FantasyHumans no longer hunt for food, for they're the ones being hunted now. Losing her loved ones and growing up hating bloodsuckers, Cyrene was the first successful human subject to have the abilities of a vampire- Project Zero. Swearing to avenge her...