[1] 2. Projects

9K 395 12
                                    

[Cyrene]

"Welcome back, Cap!"

Rinig kong sabay-sabay na sambit ng mga nadadaanan kong mga hunters nang makarating ako sa headquarters. Taas noo lang akong naglakad nang deretso at dinaanan sila. Kagagaling ko lang sa isang operation, ang mga kasama ko ay nagpaalam sa akin para magpahinga.

I let them, of course. It's a tough day for us. I killed dozens of vampires on my own today . . . yet, I don't feel exhausted. Isa sa mga kakayahan na ibinigay sa akin ng organisasyon.

"Captain Cyrene!" 

Masyadong malalim ang iniisip ko at hindi ko napansin ang isang pamilyar na lalaki na nasa harapan ko na. Umangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagitan ng tangkad namin, siguro ay apat na talampakan. Sumalubong sa akin ang hindi nawawala niyang ngisi.

He's wearing a fit navy blue shirt that enhances his toned body paired with camouflage pants with army shoes. His hairstyle is side parted and he also has a gold chain necklace. Kapansin-pansin din ang numerong nasa pulso niya.

Project 6.

I faked a smile. "Captain Rimson." Pagbati ko.

Pasimple akong bumuga ng hangin. Sa dinami-rami ng madadaanan ko ay siya pa talaga ang pinalad kong makita.

"Good job. Nakabawi ka na naman ng isang district," nakangising sambit niya sa akin. Because he's always smirking and smiling, I sometimes think that he's really sincere. 

"Thank you, Cap. It's our job after all."

Isinandal niya ang balikat niya sa pader habang nakakrus ang mga braso. "Uhm, but I heard the news about one of your members, I'm sorry, condolence." There's a hint of sarcasm in his voice.

Patagong nagbago ang ekspresyon ko. Alam kong babanggitin niya ang bagay na 'yon.

"It's really such a shame . . . pero hindi natin maiiwasan 'yon," dagdag niya pa.

"Yeah . . . I just talked to her family a while ago. I sympathized with them." Bumaba ang tingin ko. 

The scenario popped into my mind. Her mother won't stop crying when she heard the news, as if she's going to lose her mind. Her father tried to stay calm and strong but his emotions failed him. Her brothers were clueless, both had no idea that their sister won't be coming home . . . forever.

Siguro masasanay rin ako sa pagkawala ng mga kasama ko . . . pero ang pag-usap sa mga pamilya nila pagkataposhinding-hindi ako masasanay.

"Well, that's good to hear." Nag-iba ang tono ng pananalita ng lalaking kaharap ko. He chuckled. "I mean, it's a good thing that you're not that heartless."

Umangat ang tingin ko sa kaniya, walang buhay ang mga mata.

"Don't get me wrong." Umiling-iling at iwinasiwas ni Rimson ang mga kamay niya sa harap ko. "I admire your leadership. Naniniwala akong hindi dapat tayo nagpapakita ng emosyon pagdating sa trabaho . . ."

He gave me a look as if he was trying to point out something. "Pero minsan . . . kailangan mo rin magpakita ng emosyon." He sarcastically chuckled. "I don't want others to think that you're already deada vampire."

Hindi kaagad ako sumagot sa sinabi niya. Alam ko ang gusto niyang iparating. Hindi na 'yon bago sa 'kin dahil narinig ko na rin ang tungkol doon.

Others think that the reason why I'm project zero because I'm a failed subject, project. Na kaya mas nakahihigit ang kakayahan na meron ako kumpara sa ibang mga projects, dahil palpak ako.

Blood Hunt : Project ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon