[Cyrene]
Bloody red eyes. Pale skin that makes their veins visible. Monstrous strength and fast regeneration. Doesn't get old.
What a beautiful creature it is.
Vampires.
Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa paangat na araw. Nakasandal ang nguso ng baril kong may gintong kadena na nakadikit sa daliri ko sa noo ko. My black eyes are reflecting the golden light in front of me.
I heaved a sigh. It's already sunrise.
Prente akong nakaupo sa rooftop ng tatlong palapag ng abandonadong gusali. My right leg is hanging, while the other is supporting my arm that's leaning on it. Kitang-kita ko rito sa pwesto ko ang isang lalaking paikot-ikot lang sa baba at hindi alam kung saan pupunta.
Walang gana ko siyang tinitignan.Nahinto siya sa pagtakbo nang matagpuan niya na naman ang sarili niya sa tapat ng isang pader. Wala na siyang matatakbuhan.
Tumayo ako sa pagkakaupo. Sumabay ang mahaba at itim na itim kong buhok sa paghampas ng hangin. I effortlessly jumped down. Tanging ang takong ko lang ang nagsisilbing ingay habang naglalakad ako papalapit sa lalaking balisa at nakaharap sa pader na hindi niya matalunan.
"Are you done running?" I asked, fixing the golden chains that circled my pulse.
I saw him flinched. Nanginginig siyang napalingon sa akin habang umiiling.
Nang lingunin niya 'ko ay kitang-kita ang mapupula niyang mga mata at ang matutulis niyang mga pangil. Punong-puno siya ng takot na nakatingin sa akin.
"T-Teka lang-"
"I gave you a chance. I told you to run for a minute. Instead, naglalaro ka rito." Pagputol ko sa sasabihin niya.
"W-Wala na 'kong malulusutan! Alam mo 'yon! Kaya pinatakas mo 'ko!"
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya. Bagkus ay itinaas at tinutok ko na ang baril sa kaniya. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at nanginginig na napailing.
"T-Teka lang-"
"Gya, gya, gya."
I didn't let him finish what he wanted to say nor let him beg for his life. Agad kong binaril siya sa ulo.
Saktong pagtama ng bala sa balat niya ay ang paglaho niya na para bang mga abo. He won't live anyway if he manage to escape. It's already sunrise.
As I turned away, I felt the wind blew. Without looking back, I knew his ashes—the only thing left from him, flew with the wind.
I've finished the job.
Bumalik ako sa meeting point na napag-usapan namin ng squad ko. Ang capital ng district na 'to.
Just like what the higher-ups said, this district was already full of vampires. The city was abandoned, no wonder why the vampires lurk here. It took us until morning to cleanse this town. Pinapunta kami rito para ubusin sila at nang sa gano'n ay pwede na 'to ulit tirahan ng mga tao.
As expected, ako ang naunang makabalik sa meeting point.
"The West is already clear, Cap!"
Hindi nagtagal ng isang minuto nang pumunta ako, sumalubong sa akin ang kanang kamay ko, together with his group.
There are 4 of them and they all saluted.
"Good," maikling sagot ko.
Ibinaba nila ang mga kamay nila. Lumapit sa akin ang nagsisilbing kanang kamay ko. He's not in that position just because of his skills, but I personally took him since he's one of the few people I really trust. He's already been with me since we were kids until training camp.
BINABASA MO ANG
Blood Hunt : Project Zero
FantasiHumans no longer hunt for food, for they're the ones being hunted now. Losing her loved ones and growing up hating bloodsuckers, Cyrene was the first successful human subject to have the abilities of a vampire- Project Zero. Swearing to avenge her...