She's so beautiful yet so handsome at the same time. Pakiramdam ko kinapos ako ng hininga habang nakatingin sa mukha niya. Yung buhok niyang kulay dark blonde ay naka boyishcut. Naka-suot siya ng leather jacket bagay na mas lalong nagpapadagdag sa sex appeal niya. Diyos ko, may mga tao palang ganito? Matangkad, malakas ang dating, mayaman at makapangyarihan. Gosh, everything about her is just perfect.Kilig na kilig ako habang binasaba ang latest update ng story na ginawa ko sa WebNovel. Kanina pa ako parang tanga dito sa computer lab ng unibersidad. Kinikilig ako sa sarili kong gawa shuta!
V walks her way towards my direction. My heart almost stop from beating from the way how she looks at me. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko, she was looking at me like i'm the most beautiful girl she have ever seen. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri sabay bulong....
"You're so beautiful, my sweet."
"Ahhh ano ba, V!" patili kong tinakpan ang mukha ko gamit ang aking palad. "Marupok ako baby huwag ka ngang ganyan!"
"Shhhh quiet." suway ulit sakin ng in-charge ng computer lab. "Kanina ka pa maingay dyan, miss. Isa na lang, papalabasin na kita."
Agad akong tumahimik saka ito nilingon. "Pasensya na po sir, nadala lang ako sa binabasa ko dito e."
"Kung ganon manahimik ka, masakit sa tenga yang tili mo."
Nag-thumbs up ako bilang sagot saka muling tinignan ang screen ng computer para ipagpatuloy ang pag-babasa.
Bukod sa talent kong magluto, may konting talent din ako sa pagsusulat. Eto ang ginagawa ko sa tuwing may bakante ako, ang gumawa ng iba't-ibang genre ng stories.
Di naman sa maipagyabang pero masasabi kong flexible ako pagdating sa talent kong 'to. I just don't stick to Romance stories but I also write horror and fantasy fiction as well. Ang latest kong gawa ngayon ay ang LGBT theme story na A Chef's kiss kung saan bida ang ultimate crush kong si Vaughn Tuazon aka the love of my life.
Hays, ewan ko ba pero hulog na hulog talaga yung puso ko sa taong 'to. She's a famous chef and she's my ultimate idol. Hindi lang dahil sa magaling siyang magluto kundi dahil na rin sa karisma niya. Ang charming niya kasi at nakaka-inlove, bwesit! Amoy johnson's baby power at ang sarap ibulsa saka iuwi sa bahay!
Isang masculine lesbian si Vaughn at sobrang bagay sa kanya yung dating niya. She looks so cool and oh so dashing. Dagdag pa yung height niyang nakaka-turn on at mukha niyang nakakalaglag panty dahil sa sobrang gandang pogi. Diyos ko! More than willing akong maging alipin niya kung siya lang din naman ang magiging amo ko. Yes daddeeehhhh!!!!
Binuksan ko ang phone ko saka nag-stalk sa instagram niya. Wala paring pagbabago yung feed niya at puro pagkain lang yung mga posts. Hindi siya active sa alinmang social medias kaya konting pictures lang yung nai-save ko sa gallery ko.
Tanginang mukha 'to nakaka-wala ng katinuan! Anang isip ko habang tinignan ang picture ni baby Vaughn. Naka-suot siya ng chef's coat habang nakangiti. Ramdam na ramdam ko yung kilig ko habang tinignan ang mga litrato niya. Ano ba! Picture lang 'to pero nagwawala na yung kalandian ko, paano pa kaya kung makita ko siya sa personal? Eh di mawawalan nako ng ulirat.
Nasa kaligtaan ako sa pag-tingin ng pics niya nang biglang may tumawag. Agad akong umayos ng upo nang makitang galing yun kay Chef Warren; isa sa mga head chefs ng V's Palace - Main branch.
OMG! Dali-dali akong tumayo saka sinagot ang tawag sa labas ng comlab.
"Hello sir?" excited na sagot ko sa kabilang linya.
"Miss Yvonne Chua Albretch?" wika nito.
"Speaking sir." tugon ko.
"Good morning, this is Chef Warren. We have received your application for internship thru email in V's Palace-Main Branch last week, and we would like to inform you that we gladly accept your request to take your training here. Kindly come this afternoon for briefing and instructions?"
BINABASA MO ANG
A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****