1 month later
Once a ghoster always a ghoster.
Honestly hindi na bago sakin 'to dahil lagi akong biktima neto. Actually, eto nga laging end game ko sa mga naging exes ko e. Kumbaga i'm used to it. Dati rati tinatawanan ko lang 'to kasi comedy naman talaga siya para sakin. Pero sa pagkakataong 'to ay hindi ko na 'to basta tawanan na lang.
1 month. Isang buwan ng walang paramdam sa akin si Vaughn. Wala siyang text o tawag o ano naman. Para tuloy akong nakipag-relasyon sa isang hangin. Buti pa nga yung hangin e ramdam ko. Samantalang siya? Ewan ko na lang!
Hindi niya sini-seen lahat ng mga chats ko sa social media at abot langit na yung inis ko. I fully understand that she's a busy type of person pero grabe ha? hindi man lang niya ako kinamusta? Ni hindi niya nga ako binati sa 1st monthsary namin e. Nakaka-frustrate at nakaka-walang gana. Ang sarap niyang suntokin! Sana di niya nalang ako jinowa kung ganito din naman ang mapapala ko. Puro lang talaga sama ng loob ang hatid niya sa buhay ko. Bwesit! Magtulong-tulong sana lahat ng diyos ng karma at karmahin siya sa buong buhay niya.
"Nak, kanino galing 'tong mga box ba't ang dami?" rinig kong tanong ni nanay. Nilingon ko ito at tipid na nginingitian.
"Pabayaan nyo lang yan dyan nay. Walang halaga sakin ang mga yan."
"Ha? Eh ang sayang naman kung ganon. Ano ba laman neto?"
"Buksan mo na lang po para malaman nyo. Kung gusto nyo po sa inyo nalang yan ni Rivah kasi di ko naman yan kailangan."
Inabot ni nanay ang isang kahon saka yun binuksan. Bahagya itong napasinghap matapos makita ang laman. "Hala, puro mga mamahaling gamit 'to ah. Sino naman nagbigay sayo neto?"
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa labas ng bintana. "Kay Vaughn po galing yan."
"Ay naku ang sweet naman ng kasintahan mo. Puro branded 'tong mga pasalubong niya sayo oh."
I heaved a sigh.
Totoo 'yon. Wala mang paramdam sa akin si Vaughn pero panay naman ang padala nito sakin ng mga regalo. Okay lang naman 'nong una pero aanohin ko naman ang mga ito? Hindi ako materialistic na pagkatao at hindi ako mahilig sa mga mamahaling gamit. I'm very much aware that she did this for a reason. At ang rason na 'yon ay para i-cheer up ako. But sadly, hindi siya effective. I don't need high fancy branded stuff. Siya ang gusto kong makita at hindi ang mga gifts niya, lintek.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto saka humiga sa kama. Tinignan ko ang huling conversation namin ni Vaughn isang buwan na ang nakalilipas.
Alam nyo ba kung saan ako mas nagtatampo sa kanya? Yung mahuhuli ko siyang online pero kapag ako na yung nag-online bigla nalang siyang nawawala. Ilang beses ko na itong tinatadtad sa chat pero wala akong napalang reply. Bwesit talaga.
Nag scroll-scroll ako sa fb nang biglang lumitaw ang pangalan niya sa screen. Napabalikwas ako ng bangon at kinusot-kusot aking mga mata.
Huluh, totoo ba 'to? Tumawag ang multo? For real?
Gusto ko sana siyang sagotin kaso nangingibabaw parin yung inis ko kaya pinabayaan ko lang na mag-ring ang phone ko hanggang sa tumigil siya.Buti nga sayo!
Ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay muli na namang tumawag si Vaughn. Ayokong maging marupok pero punyeta sasagotin ko na!
"O!?" galit kong bungad sa kabilang linya. "Himala naman at tumawag ka na? Akala ko natabunan ka ng snow dyan sa Corolado at patay na. Anong kailangan mo?"
It took a little moment before she speaks on the other line. "I'm sorry."
Sarcastic akong tumawa. "Sorry? Sorry kasi wala kang paramdam sakin sa loob ng isang buwan? Sorry kasi hindi mo pinapansin mga message ko sayo kahit online ka naman? Sorry kasi hindi mo ako binati sa first monthsary natin 'nong isang linggo? Sorry kasi masyado kang busy to the point na hindi mo ako magawang kamustahin kung okay lang ba ako sa mga pangagago mo sakin ganon?"
BINABASA MO ANG
A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****