Mula sa paglalagay ng choco vanilla frosting sa binake kong two layered chiffon cake, napa-ingtad ako sa gulat nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa labas ng kusina. Who could it be at my restaurant at this hour? Kanina pa kami nag close, nag pa-iwan lang ako dahil may binake pa akong bagong cake recipe.Ibinaba ko ang hawak na spatula at naghugas ng kamay, I walked towards the kitchen door and open it. Ang nakangiting mukha ni Vaughn ang bumungad sa akin. My heart automatically jumps in joy.
"Miss me?" yun agad ang tanong niya, she looked so handsome as always.
"I thought you're in Davao?" I managed to ask that amidst of the sudden rush of emotions I felt.
"I miss you, that's why." kusa siyang pumasok sa loob at siya na rin ang nagsara ng pinto. I'm genuinely happy to see her right now. I missed her too, so much. Tatlong araw 'tong nasa Davao para sa isang importanteng conference at masaya ako dahil nakabalik na siya.
"How did you know I was here?"
"Galing ako sa bahay nyo, kaso wala ka 'don. Luckily our niece, Dahlya, is still up. She told me that you're here."
Napangiti ako. "May binake kasi akong bagong cake recipe kaya hindi muna ako umuwi."
"Really? Nasaan ba?"
I pointed to her the unfinished cake. "Lalagyan ko pa yan ng frosting."
"It looks yummy already. Not surprise, you made the best cakes."
"Bolera." pina-ikotan ko siya ng mata. "Would you like to try one?"
"Sure. Matagal-tagal na rin mula ng matikman ko ang mga cake mo. I miss them."
Bumalik ako sa kitchen island at kumuha ng platito. Nag slice ako ng isang piraso at ibinigay yun sakanya. "Bon Appetit."
Vaughn grabbed a fork and took a small slice. Suwabe niya yung isinubo dahilan para mapalunok ako. I felt a sudden déjà vu. Ganitong-ganito yung eksena namin 'nong time na pumunta siya sa café. That was 6 years ago.
"This is scrumptious." komento niya.
"It's a Japanese style chiffon cake. I learned it from this." ipinakita ko sakanya ang cooking book na binili ko last week.
"You keep on improving, love. I'm so proud of you." puno ng hanga niya akong tinignan. My cheeks burned.
"I assumed na marunong ka ng mag-bake ngayon. Tinuroan kita noon diba? siguro naman nag-improve ka na rin."
Vaughn chuckled while shaking her head. "Honestly, hindi pa rin. I tried but I fucked up. At isa pa, nawalan ako ng interest mag-bake simula 'nong maghiwalay tayo. Wala na kasi yung masungit kong tutor na laging high blood pag-hindi ko nasunod yung mga instructions niya e."
What she said put a soft smile on my lips.
"Che!" pabiro ko siyang tinapunan ng tissue. "Wala bang nagturo sayo 'don sa amerika? Impossible namang wala. Ang tagal mo kaya 'don."
"I got busy with so many things, love. Saka wala rin akong masyadong panahon."
Bumuka ang bibig ko para sana magtanong tungkol sa naging divorcement nila noon ni Simoné, pero sa huli ay di ko itinuloy dahil baka magselos lang ako.
"Are you still interested to learn?" I asked.
"In baking? Kung ikaw ulit ang magiging tutor ko, bakit hindi?"
"Good. Now put your apron on because we have a cake to do."
"Ngayon na ba?"
Tumango ako. "I'm in a good mood right now. Sige na bago pa mag-iba yung isip ko."
BINABASA MO ANG
A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️
Romansa~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****