"Go Fighting Maroons!" eto ang maingay na sigawan ng mga estudyante sa loob ng araneta coliseum sa nagaganap na UAAP men's basketball game. UP Fighting Maroons vs Ateneo Blue Eagles ang magkalaban, pero imbis na mag-enjoy sa laro, heto ako't gusot ang mukha. Paano ba kasi? Napipilitan lang akong sumama kina Gail at Maggie ngayon. Dapat sa oras na'to ay nasa café ako at nagduduty e. Bwesit."Uy Rivero, ayusin mo! Jowa mo na si Andrea diba? dapat inspired ka! galingan mo!"
"Go CJ Cansino!"
Weird kong sinulyapan sila Sue at Rivah na siyang nag-iingay. Kailan pa mahilig manood sa basketball ang dalawang 'to?
"Hoy, manahimik nga kayo. Nakakahiya boses nyo, ang lalakas." suway ko.
"Huwag kang kj dyan bansot, sumabay ka na lang." sabi ni Sue.
"Duh," pina-ikotan ko ito ng mata bago binalingan ng atensyon sila Gail at Maggie. "Hoy rin sa inyo, akala ko ba ila-live coverage report nyo ang laro? Ano ba hinihintay nyo? Gawin nyo na trabaho nyo."
"Mamaya na, championship game 'to e. Leading na tayo o." itinuro ni Maggie ang score board sa itaas pero wala akong paki.
"Anong sense ng pagpunta natin dito kung manonood lang din naman pala kayo?" Nagsisilbi kasing Campus Journalist of the month ang dalawa at na-atasan silang i-live coverage ang buong laro para ilagay bukas sa school headlines at school newspaper. Perks of being a journalism student.
"Mamaya na kasi, mag-enjoy ka muna dyan." si Gail ang sumagot.
Tsss, enjoy? Kapag ginawa ko ba yun, mawawala na 'tong sakit sa puso ko? Kalokohan! Mas gustohin ko pang sumali sa rally ng mga aktibista kaysa maki-cheer sa basketball. At least doon, may ipinaglaban. Tulad na lang bukas. May magaganap na rally/protest sa loob ng UP campus at voluntary kaming makilahok dahil hindi na namin nagustohan ang kasalukuyang nangyayari sa pilipinas. Inflation malala na ngayon dahil sa maling pamamalakad ng gobyerno.
Nagfocus nalang ako sa pag-facebook at nagbabaka sakaling sa pamamagitan neto, ma-divert ko yung boredom ko. Pero masyadong nag dominate ang ka-ingayan sa paligid dahilan para di ako makapag concentrate. Sinubokan kong mag-suot ng headset pero wala parin talaga. I have no choice kundi makisabay nalang dahil ayoko ring maging killjoy. Tumabi ako kina Sue at Rivah at pagkatapos naki-cheer at chant.
"Unibersidad ng pilipinas! (8x)
Matatapang, matatalino.
Walang takot, kahit kanino.
Hinding-hindi magpapahuli,
Ganyan kaming mga taga UP!
U-nibersidad ng pilipinas!" (4x)Naging intense na yung laro at leading parin ang UP fighting maroons, sure win na'to sigurado.
Nang magkaroon ng timeout, 'don lang pomormal sila Maggie at Gail. Pumuwesto sila sa court side bibit ang microphone. Puno ng hanga ko silang pinakinggan habang naghahatid ng balita sa harapan ng camera.
Wow, in fairness naman sa dalawang 'to, ang gagaling. Pwede ng isabak sa totoong newsroom at field reporting. Kung sa bagay, ikaw kaya magkaroon ng mentor na batikang Journalist at News Anchor tulad ni Maureen Ricci? Advantage nila yun dahil kapatid ito ni Maggie at jowa pa ni Gail.
After ng timeout, back to the game na. Pabiro kong sinapak ang dalawa pagbalik nila sa pwesto namin. "Naks naman, ang intimidating nyo pala tignan kapag nagseseryoso noh?"
"Okay ba?" doubtful na tanong ni Maggie.
"Bagay sayo,"
"Eh ako? Ayos lang ba yung delivery ko?" tanong ni Gail.
"You guys did a great job, pwede na kayong isabak sa RIBC at mang real talk ng mga corrupt na pulitiko."
Pareho silang natawa bago muling ibinalik ang atensyon sa laro. Last two minutes na lang at magtatapos na yung tournament. Mas naging intense pa ang labanan to the point na nagkaroon ng heated argument, lahat ng estudyante sa paligid ay kinakabahan lalo na't konting oras nalang ang natitira.
BINABASA MO ANG
A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️
Roman d'amour~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****