Ilang linggo na ang nag-daan at wala ng paramdam sakin ni Vaughn. Mukhang tinotoo niya nga ang salitang binitawan niya 'nong huli naming pag-uusap. She didn't bother me anymore but the news circulating around in social media about us dating each other didn't stop. Nakaka-stress na sa totoo lang and our silence didn't help. There's no point of trying to make people understand the truth behind the said rumor because they are already driven by the delusions of the said fake news.Hindi rin nakakatulong sila Gail at Maggie nang utosan ko sila. I told them to publish an article about me, denying the issue, since both are in the field of Broadcast Journalism. But guess what? Instead of clearing my name out, gumawa sila ng blind item related sa rumor dahilan para mas lalong naging hot topic ang pangalan namin ni Vaughn. Diba napaka-walang hiya? Kung ako lang boss ng RIBC, sinisibak ko na ang dalawang yun e. Ang laking tulong, promise! Note the sarcasm please.
Nandito ako ngayon sa opisina ng aking restaurant at kasalukuyang nakaharap sa laptop ko. After 3 long years, muli kong binuksan ang WebNovel account ko para kumustahin ang story na ginawa ko noon. I didn't expect the amount of reads it gained since matagal-tagal na rin mula 'nong nag-update ako. I stopped at Chapter 24, the chapter where I gave up and cried a lot of tears. Hindi na ito nasundan pa dahil tumigil nako sa pagsusulat. Ilang beses ko ng binalak i-delete 'to pero tila may pwersang pumipigil sakin na huwag gawin yun. Inisip ko kasi na sayang yung efforts ko. I burst out all of my emotions here, positively or negatively. Nag-mistula na siyang diary dahil dito ko ibinuhos lahat ng mga kabitteran ko sa buhay pag-ibig. Ewan ko ba kung anong nakain ko ngayon at nag-reread ako. I just feel like hurting myself today.
"Ma'am?" napa-angat ako ng mukha mula sa taong tumawag sakin.
"Yes?" it was one of my staff. Naka-silip ito sa pinto.
"Tuloy pa ba tayo 'don sa Food exhibit na sinasabi nyo last week?"
Oh shoot, I almost forgot. May gaganapin pa lang international food exhibition sa SMX Convention Center ngayon at isa ang Yen's Garden Restaurant sa mga imbetado. The event is hosted by some of the prominent names in the food industry and being invited is a huge deal.
"Nakahanda na ba ang lahat?" I asked.
"Nauna na po ang ilang sa mga tauhan natin sa venue, ma'am."
Naka-hinga ako ng maluwag. Thank God for giving me Efficient employees. "Mauna na kayo 'don, hahabol lang ako."
"Sige po," umalis na ito para mag-handa.
I scrolled down and continue reading the remaining chapters of A Chef's Kiss.
Seriously, what's up to me today? Haven't I sworn myself not to read this story again? Ano 'tong ginagawa ko ngayon? Kinakain ko na naman ba sarili kong salita?
Eh kasi, affected ka sa pang-iiwas sayo ni Vaughn. Anang isang bahagi ng isip ko.
I quickly shook my head and slightly slapped my cheek. Fine, I admit. Medyo affected nga ako sa part na yun. Hindi na nga nangungulit sakin si Vaughn at hindi na rin siya bumibisita sa condo at bahay tulad ng lagi niyang ginagawa ever since nagkita ulit kami. As in for three weeks wala na siyang paramdaman. She really did her promise and I felt annoyed.
Ay ewan! naiinis ako sa sarili ko. Ilang araw na akong di maka concentrate sa trabaho dahil sa letcheng desisyon ko. Nawalan ako ng ganang gumawa ng vlogs at pag-imbento ng mga bagong recipes dahil sa bigat ng aking naramdaman. I suddenly felt like the old Yen again, and I hate it, so much.
Padabog akong tumayo at nag-ayos sa aking sarili.
Di nagtagal ay binaybay ko na ang daan papunta sa pinag-dausan ng event. I parked my car near the exit para sa ganon hindi ako mahihirapan mamaya pag-uwian na. I walked through the entrance and smiled at the guards. Pinagbuksan nila ako ng pinto dahilan para manuot sa ilong ko ang iba't-ibang amoy ng pagkain sa loob. The event already started, I hope I'm not late.
BINABASA MO ANG
A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****