CHAPTER 10

32.1K 1.3K 960
                                    


Ngunit lumipas ang ilang linggo at mga araw ay hindi nagparamdam sakin si Vaughn. Wala siyang text o tawag tulad ng huling sinabi niya noong nag-usap kami. Isa siyang nakaka-bwesit na clown. Paasa na nga, ghoster pa! Kaasar!

May pa I'll text and call you everyday pa siyang nalalaman e wala naman palang nangyayari. Naghintay pa ako ng malala pero ni isang Hi or Hello ay wala akong natanggap sa kanya. Ang sarap niyang balibagin at itapon sa dagat. Pinaasa niya lang ako sa wala!

Hays, pero bakit nga din ba'ko umasa? The last time i checked wala namang namamagitan sa'min. I shouldn't act this way. Hindi siya obligadong bigyan ako ng oras saka panahon. Pero ano ba kasi yung sinabi niya na hihintayin ko raw siya? Anong ibig sabihin 'non? Doon kasi ako kumakapit e. May ideya ako kung ano 'yon pero ayokong mag-assume dahil baka mapahiya lang ako. Malay ko bang ibig niyang sabihin e hihintayin ko siya kasi may pasalubong siya sa akin?

Ay ewan! Naiinis talaga ako kay Vaughn. Wala ako sa mood nitong mga nakaraang linggo dahil sa kagaguhan niya. Pati pinsan at mga kaibigan ko ay nadamay sa pangtataray ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis?

At dahil wala ako sa mood ngayon, gusot na gusot 'tong mukha ko habang nag duduty dito sa Café. May ilang customers pa akong natarayan dahil sa inis na aking naramdaman. Buti nalang at di pumalag.

"Miss bakit ang tabang netong frappe ko?" mula sa isang sulok ay nakita kong naglakad palapit sakin ang isang baklang customer. "At itong cake, bakit walang whipped cream?"

"Naubusan kami ng whipped cream duh." rude na sagot ko kahit ang totoo'y meron talaga.

"Anong duh? Ganyan ba kayo makitungo sa mga customers nyo dito?" inilapag nito ang hawak na frappe at cake saka nag-cross arms. "Sinong manager nyo dito? I demand to talk to him right now."

"Para ano? Para isumbong ako? Bakit sa tingin mo may mapapala ka kapag ginawa mo yan? Ako nga e naghintay pero wala namang napala. Pinaasa at pinangakoan pero sa huli ay naiwang nasasaktan."

"Di ako nakikipagbiroan sayo miss."

"Hindi rin ako nagkipag-biroan sa kanya, sir. Kung alam ko lang na mumultohin niya lang ako, e di sana di na lang ako umasa."

"That's it, hindi na ako babalik dito. Ang panget ng customer service nyo dito." ubos pasensya nitong kinuha ang frappe at cake saka lumabas ng Café.

Marahas akong napabugha ng hangin at saka padabog na umupo. Bwesit talaga 'tong si Vaughn, pati trabaho ko naapektuhan na dahil sa kanya. Lecheng unggoy 'yon ayoko na! As in final na talaga. Uncrush, unlove at abandon ulit yung feelings ko para sa kanya. I will totally erase her out of my life permanently. No more karopukan, no more delusional fanstasies, no more Vaughn Archibald Tuazon, period!

Gigil kong binuksan ang WebNovel account ko para tignan ang story kong A Chef's Kiss. Nangangati ang kamay kong i-delete 'to kaso naisip ko sayang naman yung effort ko para dito. Wala pa 'tong update hanggang ngayon kasi yung inspiration ko sira ulo.

Nagbasa nalang ako ng mga comments at messages sa inbox.

annekavogue
love your stories author-nim, keep it up!

ysangelic
kailan po ulit next ud?

amaliasamantha
kinikilig ako sa story mo ate

madamoisellemikasa
author pinost ko sa Tiktok gawa mo labyu.

jin_kookie97
miss ma'am single ka po ba?

venom
Hi, i'm genuinely curious. Is your character V base on a real life person? I just want to know kasi parang familiar. Thanks and have a great day!


A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon