Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng van truck na sinasakyan namin, inarkila ito nila Mommy para sa pag-lipat namin ngayong araw. I am having mixed emotions dahil dito, I am very happy na ate found a really good opportunity in the city where we will be moving to. Pero nalulungkot din ako dahil aalis na kami sa lugar kung saan ako namulat at lumaki.It's always hard leaving a place na talagang nakasanayan mo na, lalo na kung ito ang lugar na kinalakihan mo. I guess a lot of people can relate to this. Moving places will always make you feel a lot of emotions because more than the change of environment, you'll start to experience changes within yourself too. Sometimes even unnoticeable.
The initial plan was ate will just be the one to move to the city at mags-stay pa rin kami dito then she'll just visit us kapag may oras siya o kung kailanman niya gusto. Pero napag-desisyunan ni Mommy at Daddy na sumama na kami sa pag-lipat niya dahil mas magiging maganda raw ang mga oportunidad na darating sa akin kung mag-aaral ako sa siyudad.
At first, ayaw ko talagang pumayag. Understandable naman di'ba? I mean, all my friends are here. Pero tatlo silang gusto mangyari ang pag-lipat na ito, mag-isa lang ako. The result is obvious, kaya nga ngayon ay on the way na kami patungo sa siyudad, the City of La Frego.
Bumuntong-hininga ako habang tinatanaw ang iniiwan naming lugar, the little town of Malaresa. I wanted to step out of the vehicle at mag-paiwan nalang doon pero alam ng lahat na malabong mangyari iyon. Bukod sa hindi sila papayag, malamang, ay hindi ko naman kakayaning mamuhay mag-isa na malayo sa kanila. Strong independent woman kuno ako pero hindi ko pa kayang mapalayo kay Mommy, lalo na hindi ko makakain palagi ang luto niya. It'll be the worst thing, I can already say.
"Vien, gising na. Nandito na tayo, ikaw na mag-baba ng maleta mo ah." sambit ni ate matapos niya akong yugyugin. Ugh, kainis talaga. Okay, I take it back, hindi ako happy sa opportunity na nakuha niya!
Ate Valerie and I are really close, pero worst enemy din sa napaka-raming bagay. I guess people who have older sisters, or basta sisters, can relate to this. You love her to bits but then sometimes her existence can be the worst! thing! ever!
Isinukbit ko na ang backpack ko matapos kong irapan si ate, nginisian lang niya ako sabay baba ng sasakyan. Sumunod ako sa pag-baba at dumiretso na sa likod para kunin ang maleta ko. Pagka-kuha ko nito ay tsaka lang ako nagkaroon ng pagkakataon para ilibot ang tingin ko sa lugar.
We'll be staying at the heart of La Frego, sa isa sa mga apartment buildings dito. Naka-bili sila ate ng isang apartment room sa isang building dito na enough lang naman sa aming apat. Actually, this will be the first time na makikita ko ang lilipatan namin pero sabi ni ate enough na daw talaga yung place sa aming apat na tao so pinaniwalaan ko nalang. They were planning to purchase a house and lot talaga pero ibang klase ang kamahalan dito sa city, may bahay nga pero wala na kaming kakainin sa araw araw.
Sinundan ko ng tingin sila Mommy na nag-papasok na ng gamit sa isa sa mga buildings. Dalawang apartment buildings ito na mag-katabi, tapos sa kabilang dulo sa kanan ay mga bahay-bahay na. I'm guessing nandoon ang talagang mararangya sa buhay at dito naman sa amin ang, well, hindi ganoon kayaman. Average, kumbaga.
Sumunod na rin ako kina Mommy habang hila-hila ang maleta ko. Bago ka makapasok sa mismong entrance ay may three steps na hagdan paakyat pa kaya nag-patulong na ako kay Daddy dahil sobrang bigat ng maleta ko.
"Dad, ano nga ang unit number natin?" tanong ko kay Daddy bago siya bumalik ng sasakyan para kunin ang ibang gamit. I can't believe I'm moving to this place na wala akong alam kahit ano, mismong unit number ng apartment namin ay hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Wish on the same sky
RomanceAn ordinary high school experience was what Vien has in mind as she start her last year in Junior high school in a new city with different people. That completely changed when she develops feelings towards her classmate-slash-new neighbour, Felix, w...