"Good afternoon, Coach Kim." nakangiti kong bati kay Coach nang buksan nito ang pinto papasok ng studio. Sinuklian niya ako ng ngiti sabay extend ng kamay niya indicating that I come in."Just in time, Vien! We were just about to warm up." tugon niya habang gina-guide ako papasok ng studio kung saan man ako ppwesto. "Oh, dito ka maupo. Off-ice training day ngayon kaya kami nandito sa studio, we're just gonna do some strength training and dance today. I know your team gave you instructions already but just feel free to let me know if may mga tanong ka ha." sambit niya habang nilalapag ko sa table ang notebook at pen ko.
"Yes po coach. Thank you po." naupo na ako at binuklat ang notebook ko kung saan ako magt-take down ng notes.
Ngayon ang kauna-unahang formal training ng Figure Skating team na kailangan kong i-observe para sa newspaper issue this month. Based sa workshop at instructions from the org, we don't have to finish the whole training proper. At the very least ay maumpisahan namin ang training and makapag-take note ng mga important detail or trivias na we can share sa newspaper later on. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong i-take note ngayong araw dahil sa tingin ko ay hindi pa enough ang knowledge ko about the sport. Note to self: research more about figure skating.
Inangat ko ang tingin ko from my notebook at pinanood muna kung paano mag-prepare ang team bago ang training nila. May nag-tatali ng buhok, may nags-stretch, may nagkkwentuhan, may mukhang gumagawa pa ng homework, at may biglang pumasok sa studio kaya nalipat agad sa may door ang tingin ko. Doon ko na-realize na wala pa pala si Felix sa studio nang nag-lakad siya papasok kasama ni Madz at binati ang team habang binababa ang bags nila sa designated place. I blinked when I realized na I was almost watching his every move, napalingon siya sa gawi ko and gave me a small nod to acknowledge me. I blinked some more in my attempt to help myself focus and just nodded back.
"Okay team, find your spots!" pag-anunsyo ni Coach Kim after a few more minutes. Nag-umpisa silang mag-warm up at exactly 5:05 PM and so I reminded myself to go na ng mga 5:30 - 5:40 PM since I think I'll have enough notes already by then, hopefully. I try my best to not look at Felix only and watch the whole team talaga, kahit na sobrang distracting ng tank top niya ngayon. He's slim, because of course that's a given considering na he literally flies kapag nagp-perform, pero halata mo pa rin ang triceps niya. Although it is needed na I give more attention to Felix, because of him being the featured one, kailangan kong ilihis paminsan ang atensyon ko para hindi mapagkamalang creep. I mean, I am not. But it just doesn't feel appropriate. I'll just ask more questions during our one on one interview.
I watch him some more and saw how serious his aura was. It's as if he does this for a living. In reality, posible talagang maging ito ang profession niya seeing how he looks like his life is dependent on whether he does a good job in training or not. Bigla ko tuloy naalala ang usapan namin ni Xielyn kanina bago ako mag-tungo sa studio.
Inaayos ko ang mga folders sa table habang naga-antay ng training time ng Figure Skating team. May thirty minutes pa naman kaya napag-pasyahan kong mag-ayos ng mga gamit dito sa org room dahil medyo makalat na ang table. Nilagay ko sa mini book shelf ang mga libro, pinasok ko sa mga drawers ang mga school supplies na nakalatag lang sa table, tapos ay in-organize ko rin ang mga folders at envelopes sa pinaka-gilid ng table para madaling mag-hanap just in case.
"Diaz! Hindi mo kailangan ayusin yan, ano ka ba. Dapat hinayaan mo na." napalingon ako kay Xielyn na kakapasok lang ng org room. Kanina kasi ay ako lang ang mag-isa dito sa side ng Newspaper club at dalawang miyembro ng Photog club. Speaking of Photog Club, naalala kong ito ang sinalihan ni Jayden pero parang hindi pa kami nagkakatagpo sa org room. Not that I'm waiting dahil palagi naman kaming nagkikita sa classroom, napapaisip lang ako kung sumali ba talaga siya.
BINABASA MO ANG
Wish on the same sky
RomanceAn ordinary high school experience was what Vien has in mind as she start her last year in Junior high school in a new city with different people. That completely changed when she develops feelings towards her classmate-slash-new neighbour, Felix, w...