chapter 5

16 2 0
                                    







"Vien! Nagawa mo essay?"


Ito ang bungad sa'kin ni Oliver habang nagse-settle down pa lamang ako sa upuan dahil kararating ko lang, he was sitting on Felix's chair beside mine. Si Xielyn at Patrice ay lumingon din sa'kin, nag-aabang ng isasagot ko. I slowly nodded, slightly confused dahil halatang inaabangan nila ang sagot ko.


"Yup, pinuyat ako niyan." sagot ko pa, internally crying dahil naalala ko nanaman kung ano'ng oras na ako natapos kagabi dahil sa pag-gawa ng essay.


Nagulat ako nang biglang padabog na nilagay ni Oliver ang braso niya sa table at pinatong ang ulo niya doon, para bang naiiyak. Nilingon ko si Patrice at Xielyn na dahan-dahang umiiling. Xielyn leaned forward at hinawakan ang ulo ni Oliver, para bang pini-pet ito at pinapakalma.


"Hayaan mo na, Oli. Isang essay lang iyon, napakadaming magpa-essay ni Ms. Cortez, makakabawi ka pa." sambit ni Xielyn, trying to calm Oliver down dahil parang naiiyak na ito. Inangat ni Oliver ang kanyang ulo pero nakapatong pa rin ang baba niya sa braso niya. He's almost pouting now.


"Ako lang ang hindi nakagawa. Bakit ko ba kasi nakalimutan. Tsk!" naiinis na sambit nito. I wanted to laugh dahil sa expression niya, para kasi siyang bata na inagawan ng laruan, pero ayaw ko namang ma-offend ito dahil talagang halata na frustrated siya sa idea na wala siyang gawang essay. I just extended my arm and pat his shoulder, baka sakaling maka-tulong sa pagpapa-kalma dito.


Umayos na ng upo si Oliver sa tabi ko pero naka-nguso pa rin ito, punong puno ng pagsisisi ang mukha dahil sa essay. We just watched him as he let out a deep sigh and stood up to go back to his seat. Kitang kita na hindi pa rin talaga siya okay ngunit dahil wala naman nang magagawa, at first subject pa namin si Ms. Cortez, ay tinanggap na lamang niya ang kapalaran niya.


Binuklat ko ang libro sa table ko para mag-advance reading when I noticed Xielyn still looking at Oliver. I can't see her expression from where I'm seated pero halata mo ang concern sa kanya. Nalipat ang tingin ko sa may pinto ng classroom unconsciously nang mapansin kong may pumasok. Si Jayden at Felix na magkasabay pumasok habang nagu-usap at patawa tawa pa.


I suddenly remembered the brief "moment" me and Felix had last night. Hindi na ako nakakaramdam ng kakaiba kaya naman nakumpirma ko na sa sarili ko na wala lang talaga ang naramdaman ko kagabi. Baka talagang kinabahan lang ako dahil akala ko ay magiging biktima ako ng murder dahil sa sobrang paranoid at overthinker ko.


After a few seconds ay naramdam ko na ang paglapag niya ng gamit sa tabi ko kasunod ng pag-upo rin niya. I thought that was it kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko when I felt someone else's presence on my left, Felix is seated on my right so it's definitely not him. I looked up and saw Jayden leaning on his side against the wall hands in his pockets.


Inalis niya sa pagkaka-pamulsa ang kanang kamay niya at kumaway sa'kin, greeting me 'good morning' to which I answered "Hey," to. I gave him a little smile after too dahil ayaw ko namang mag-mukhang suplada. He seems really friendly, sa totoo nga niyan ay palagi niya akong binabati whenever he has the chance to over the past days, pero talagang inaatake ako ng pagka-mahiyain kaya naman hindi ko masuklian ang energy na binibigay niya.


Or maybe I find him almost too friendly that I'm not sure if I feel awkward already, I don't know.


"Uh, hey Vien," after a few more seconds, he speaks again. I raised my brows acknowledging him calling me. "Gusto mo bang... maging partners sa History?" I blinked multiple times trying to process what he said.


From my peripheral vision, nakita kong lumingon na rin sa kanya si Xielyn at Patrice dahil sa sinabi nito. I felt Felix leaning forward saka humalumbaba sa table namin, he did not seem to be taken aback by Jayden's question like how Patrice and Xielyn were. And me, of course, I mean we are classmates and all pero paano siya nag-come up sa idea na tanungin akong maging partner niya? As far as I know, him and Felix are best buds, right? So why not him instead? Or like any other person in this class?


Wish on the same skyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon