chapter 4

16 2 0
                                    







I reach out to get my phone para tignan kung sino ang nag-message. I was busy writing this essay that I need to submit tomorrow which is about your expectations in your last school year, when my phone dings.


'Vien! We miss you :( Wala nang pansinan porque nasa city ka na?!'


Natawa ako nang sa wakas ay mabasa ko ang message mula sa lock screen ko. It was from Tonie, ni-send niya ang message sa group chat naming tatlo ni Hannah. Kung meron man akong masasabi na 'My person', silang dalawa iyon. I literally grew up with them back in Malaresa.


I opened the message and started typing and just as I was about to send my reply, they were already video-calling.


"Hoy Diaz! Ano nang balita sa'yo? Hindi ka man lang nag-paparamdam! 'Di mo kami miss?" dire-diretsong bungad ni Tonie nang masagot ko ang tawag.


"Ang OA Tonie, ha! Mag-kausap lang tayo 'nung isang araw!" natatawa kong sagot in a matter-of-fact tone. Binaba ko ang screen ng laptop ko na nasa table at lumipat sa kama. I'll deal with that essay later.


"Pero araw-araw tayong mag-kausap at mag-kasama dati." sagot ni Hannah na naka-sad face pa. "It's not the same without you here, Vienny."


I felt really sad, almost heavy, by what Hannah said. Wala pang three weeks na lumipat kami dito sa La Frego pero talagang miss na namin ang isa't isa. Can't blame them, hindi na kami mapag-hiwalay mula nang mga bata pa kami, this is the first time na hindi ko sila nakakasama everyday.


"Aww, I miss you too guys. Big time!" sagot ko, trying to hold my tears back.


"Pero hindi ka nag-chat for one day?!" sagot ni Hannah tapos ay inirapan ako. I laughed at her remark and switched to back cam, para makita nila ang study table ko and all the notebooks and books na nakakalat doon.


"Sorry na, sobrang daming gawa." binalik ko ito sa front cam. "I miss Malaresa High School, parang hindi naman tayo ganito ka-busy kapag first week pa lang!" which is really true. Sa Malaresa ay parang chill pa kami during the first week pero dito sa La Frego ay parang mid-terms or finals week na dahil umpisa pa lamang ay ang dami nang homework. Tulad na lamang ng essay na ginagawa ko.


"Kailan ba kayo bibisita?" Tonie asks.


"Kauumpisa lang ng klase! So not anytime soon." I answer, ngayon ay ako naman ang nag-sad face.


"Hay, ito na ba ang start na magiging stranger ka na sa'min Vien." nagd-dramang sambit ni Tonie, habang umiiling iling pa. I rolled my eyes.


"Shut up! Baka mamaya nga niyan eh ako ang hanapan niyo ng kapalit diyan. Malilintikan kayo."


"Oo talaga! Iniwan mo na kami eh." sagot naman ni Hannah. I laughed in disbelief and sighed after. Ganito ba ang feeling ng LDR?


"I'll message you guys always, talagang natambakan lang ako kahapon. Kayo mag-update din sa'kin ha! Tonie balitaan mo ako kapag kayo na ni Dylan." pang-aasar ko kay Tonie. Dylan is her long time crush pero noong niligawan siya ay hindi niya sinagot. Her reason? Kasi gusto niya crush lang niya si Dylan para hindi sila mag-break. Wala sa friendship namin ang normal, I guess.


She raised her middle finger at me na dahilan ng paghagalpak ng tawa namin ni Hannah. She really hates it when we say na feeling namin sila pa rin naman ang end game ni Dylan. Ayaw niyang maalis ang image ni Dylan sa isip niya as her 'ultimate crush'. Hanggang crush lang daw talaga. Halos lahat ng tao pangarap maging jowa o maligawan ng crush nila pero siya? Not in a million years.


Wish on the same skyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon