Hindi ko man lang namalayan ang paglipas ng araw sa bilis, before I know it, tapos na ang bakasyon and I am now getting ready for my first day at my new school. Sobrang ninenerbyos ako, sa totoo nga niyan, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kaka-overthink ko ngayong first day of school. As a transferee, sa tingin ko ay maraming makaka-relate dito. Ikaw ang bagong salta sa lungga nila kumbaga, hindi mo alam kung paano ka makikihalubilo sa umpisa o kung magugustuhan ka ng mga bagong mga taong makakasama mo for the next years.Alam kong dapat wala naman na akong pakealam kung hindi nila ako magustuhan, tutal kahit naman ano'ng gawin mo as a person, meron at meron pa ring masasabi ang ibang tao sa'yo. Ewan ko ba, kahit ano'ng subok ko to talk myself out of overthinking ay hindi ko maiwasan. Mas lalo ko tuloy na-miss ang Malaresa, kung hindi kami lumipat dito, paniguradong nandoon na sa bahay sila Hannah at Tonie para sundin ako at sabay na pumasok. Hay.
Nang masiguro kong kumpleto na ang mga gamit ko ay nag-paalam na ako para umalis. I still have around 40 minutes before school bell rings pero napag-pasyahan ko na lang na pumasok nang maaga para hindi ako magahol. Lalo na transferee ako at hindi ako pamilyar sa kahit ano doon sa school, ayaw ko rin namang ma-late sa unang araw.
Sinuot ko na ang sapatos ko at saka huminga nang malalim bago buksan ang pinto. Pag-lagpas ko sa katabing apartment unit namin ay narinig ko ang pag-bukas din nito ng pinto kaya naman napatigil ako sa paglalakad at lumingon. Si figure skater guy. He was wearing a school uniform and I noticed almost immediately the La Frego High School badge. Ohh, okay so sa La Frego High School din pala siya, that explains why he was there last time.
Napatingin din siya sa'kin at tinanguan lang ako to acknowledge my presence, binalik ko lang din ito sa kanya at tipid na ngumiti bago siya tinalikuran at nag-patuloy sa paglalakad patungong elevator.
Matapos nang araw na iyon ay hindi ko na siya ulit nakita, kahit na he literally lives next door lang. Hindi rin naman kasi ako gaanong lumabas noon dahil gusto kong sulitin ang bakasyon na nasa bahay lang at saka wala naman na akong ibang pupuntahan. I literally don't know a thing or two about La Frego. Okay, except ang school, pero hindi counted iyon. Other than that, wala na.
Actually, medyo kinakabahan ako sa pagpasok ngayon dahil pakiramdam ko ay baka mabiktima nanaman ako ng magnanakaw and baka by this time, wala nang ibang magtatangkang sitahin ito. That just made me miss Malaresa even more dahil never nangyari ito sa'kin doon, grabe lang ang mga masasamang loob dito sa siyudad.
Noong ibinalita ko nga ang nangyari kay Mommy at Daddy ay napadalawang-isip sila kung tama ba na lumipat kami kung ganito pala kadelikado. I just reassured them na I am fine and hindi naman porque nangyari iyon ay palagi nang mangyayari. Siguro mas magiging ready at maingat na rin ako kung sakaling maulit iyon. Worse comes to worst, basta hindi nila ako patayin, kahit kunin nalang nila lahat ng gamit ko ay okay lang.
Katulad last time ay pinauna niya ulit akong pumasok ng elevator. Inilabas ko ang phone ko sa bulsa ko, naka-pulupot doon ang earphones ko kaya naman ini-ayos ko muna ito bago ilagay sa tenga ko. Ang weird talaga na kahit ano'ng ayos mo sa earphones, kapag kukunin mo na siya ay talagang twisted together siya for some reason.
"Hi Felix."
Natigil ang pag-lagay ko ng earphones at napa-angat ang tingin sa dalawang babaeng magkaka-kapit na pumasok din ng elevator. They were looking at this figure skater guy with a really wide smile as they wave at him. Bilang nasa likod ako ay hindi ko nakita ang reaksyon ni figure skater guy, which I assume ay Felix ang pangalan based sa sinabi ng isa sa dalawang babaeng kasabay namin, and he just nodded. If it's possible, mas lalong lumaki ang ngiti ng dalawang babae.
BINABASA MO ANG
Wish on the same sky
RomanceAn ordinary high school experience was what Vien has in mind as she start her last year in Junior high school in a new city with different people. That completely changed when she develops feelings towards her classmate-slash-new neighbour, Felix, w...