The weekend went by so fast. We moved in ng Friday and just like that, Monday na ngayon at kailangan ko nang mag-punta ng La Frego High School para i-submit ang mga requirements ko as a transferee, also, para kunin na rin ang school uniform ko. Kinuha ko ang mga documents na nasa brown envelope para i-check ulit kung kumpleto na ito, kahit na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong chineck mula kagabi pa."Sigurado ka bang hindi na kita kailangan samahan, 'nak?" I looked up at Dad as I pause from organizing my things in a mini backpack. Hindi ko napansin na binuksan na pala niya ang pinto ng kwarto at pinapanood ako habang nag-aayos. I laughed a little at binalik ang atensyon sa pag-aayos ng gamit. He still thinks I'm a child. Well, yes, technically bata pa ako dahil wala pa ako sa legal age, but still, I think as a 17 year-old ay kaya ko naman nang mag-commute mag-isa.
"Dad, hindi ako mawawala, okay? Nabigyan na ako ng instructions ni ate, kaya ko na po." sagot ko sa kanya. I insisted na 'wag na mag-pahatid dahil gusto ko nang matuto mag-commute papasok ng school as early as now. School starts in a week kaya naman gusto ko nang i-practice ang pagco-commute dahil iyon na ang gagawin ko araw araw for the next years of my school life here.
Isinukbit ko na ang backpack ko at binitbit na ang brown envelope. Nag-last look muna ako sa full length mirror ko sa kwarto. I'm wearing a khaki cardigan sweater with white sando inside, mom jeans, and my converse. I put my hair in a pony tail and turn to my door, nandoon pa rin si dad watching me with his, sort of, nostalgic smile. I laughed as I walked towards him.
"Dad, ano 'yan?" tanong ko sa kanya, clinging to his arm. He just looks at me and messes with my hair. I looked at him, almost pouting dahil kakaayos ko lang ng buhok ko at nagulo na kaagad.
"Time flies so fast, anak. Parang kahapon lang, palagi kang nagpapa-karga lang sa'kin, ngayon kaya mo nang umalis mag-isa sa lugar na hindi ka pa pamilyar." sagot ni Dad na parang maiiyak na. Mas lalo akong natawa at nag-simula nang maglakad palabas ng kwarto, nakakapit pa rin sa braso ni Dad.
"Dad, pupunta lang ako sa school. Sobrang lapit lang, wala pang 20 minutes kapag naka-tricycle sabi ni ate." natatawa tawa ko pang sagot. Natawa na lang din si Dad at inakbayan ako nang mahigpit, almost an embrace.
"Vien, ano'ng oras na, lumakad ka na para makabalik ka rin bago mag-tanghalian at baka maraming tao!" natigil ang lambingan namin ni Dad nang biglang sumigaw si Mommy mula sa kusina. Nag-tinginan kami ni Dad at natawa na lamang. In this family, si ate ay nag-mana kay Mommy, at ako naman ay sobrang nag-mana kay Dad.
"Alis na po ako." paalam ko sa kanilang dalawa. Inabutan ako ni Mommy ng sandwich at tubig dahil baka daw mahaba ang pila at gutumin ako. Matapos noon ay dumiretso na ako palabas habang nilalagay sa bag ang sandwich at tubig na baon ko. Natigil ako sa pag-aayos nang bumukas din ang pintuan katabi namin at iniluwa nito si familiar guy.
Napalingon siya nang mapansin niya ang presensya ko at tinanguan lamang ako, acknowledging my presence, I just nodded back. Dumiretso siya sa paglalakad patungong elevator habang nasa likod niya ako, sinasara ang bag ko pagkatapos kong maipasok ang sandwich at tubig ko.
Nang bumukas ang elevator door ay gumilid siya and gestured na mauna na ako pumasok. He looks suplado pero gentleman naman pala. I nodded at him as a form of thanking his gesture at dumiretso na papasok ng elevator, pinindot ko na rin ang ground floor button. He did the same gesture nang makarating na kami sa ground floor pero this time ay nag-insist ako na siya naman ang maunang lumabas. Tumango lamang siya at nag-lakad papalabas ng elevator.
Tumigil siya saglit sa Announcement Board ng apartment and looked at this certain section doon.
Oh! Now I remember! Siya iyong figure skater sa picture!
BINABASA MO ANG
Wish on the same sky
RomanceAn ordinary high school experience was what Vien has in mind as she start her last year in Junior high school in a new city with different people. That completely changed when she develops feelings towards her classmate-slash-new neighbour, Felix, w...