Title: Binibining Mia
Isinulat ni: Mafe
Uri ng akda: Malayang tulaIsang binibini ang lubos kong hinahangaan,
Dahil sa mga akda niya, at katalinuhang taglay,
Maraming bagay ang nabigyang linaw sa kaniyang mga akda,
Isa na rito ang pagpapaalala na ang pag-ibig ay dakila.Noong una ay hindi ko gusto ang asignaturang kasaysayan,
Bihira lamang ang may hilig sa mga lumang kuwento at bagay,
Ganoon din sa wikang Filipino na para sa akin ay hindi masiyadong mahalaga,
Dahil ito ang gamit kong lengguwahe simula pagkabata.Sa tuwing pag-uusapan ang kasaysayan sa aming paaralan,
Ako ay tulala lamang, at hindi pinapansin ang kuwento ni Ma'am,
Kung minsan nga ay aking nakakatulugan,
Lalo na ang kuwento ng ekspedisyon ni Magellan.Hanggang isang araw nabasa ko ang kaniyang akda,
Kakaiba ang estilo sa pagsusulat, maging ang mga aral na aking nakuha,
Hindi ko lubos akalain na mahuhumaling ako sa kaniyang mga obra,
Na patuloy kong aalalahanin at mamahalin higit pa sa sobra.Ako'y naging bihasa sa pagsasalita ng wikang Filipino,
Maging ang sinaunang sulat na baybayin ay inaral ko,
Kung noon ako ay walang interes sa ganitong mga bagay,
Ngayon naman ay malaking bahagi na ito ng aking buhay.Kaya naman labis ang pagmamahal ko kay Binibining Mia,
Nais kong mayakap siya at sabihing napakaganda ng mga akda niya,
Binago nito ang aking pananaw sa buhay,
Mga akdang nagsimula sa kakaibang pamagat hanggang sa gintong aral.Hangad namin ang kaligayahan at tagumpay mo,
Kami ay patuloy pa ring susuporta sa iyo,
Salamat sa inspirasyon na iyong dala,
Sinisinag ka namin, Binibining Mia.
BINABASA MO ANG
Memorabilia
PoetryIto ay mga tula na naisulat mula sa inspirasyon ng mga akda ni Binibining Mia o maging sa kaniya mismo. Nailathala na ito sa Las Obras De Sunshine page. Ito rin ay nasa ilalim ng pamunuan ng Kagawaran ng Literatura.