Title: Te amo, mi amor
Isinulat ni: Mafe
Uri ng akda: TulaSa paglipas ng panahon, ikaw pa rin ang aking mahal,
Hindi makalimot sa pangakong sinumpaan,
Na ikaw ang aking mamahalin habang nabubuhay,
At handang panghawakan hanggang sa aking kamatayan.Maging sa aking pagtulog, ikaw ang nakikita,
Masayang binabalikan ang ating alaala,
Labis ang aking saya sa tuwing nakikita,
Mga ngiti mong kay tamis kapag ako'y kasama.Sa tuwing nangungulita ako sa iyong pagmamahal,
Pinupuntahan ko ang isang payapang lugar,
Kung saan nagsimula ang lahat sa ating dalawa,
Upang ang lungkot ay mapalitan ng saya.Ngunit habang inaalala kita, ako ay lumuluha,
May kirot sa aking puso na hindi mawala,
Sa tuwing naiisip ko ang ating sitwasyon,
Na kahit anong pilit ay hinahadlangan ng pagkakataon.Patuloy kong sasabihin na ikaw ay mahal ko,
Kahit na hindi ko na mahahawakan ang mga kamay mo,
Dahil alam ko na mahal mo rin ako,
Na maging ikaw ay nangungulila sa mga yakap ko.Kung mauulit muli ang ating kuwento,
Ibibigay ko pa rin ang pag-ibig ko,
Nawa'y makasama kita sa susunod na buhay,
Hihintayin kita kahit gaano pa katagal.
BINABASA MO ANG
Memorabilia
PoetryIto ay mga tula na naisulat mula sa inspirasyon ng mga akda ni Binibining Mia o maging sa kaniya mismo. Nailathala na ito sa Las Obras De Sunshine page. Ito rin ay nasa ilalim ng pamunuan ng Kagawaran ng Literatura.