Title: Estella
Isinulat ni: Mafe
Uri ng akda: TulaIsang binibining may katapangang tinataglay,
Paninindigan ay handa niyang ipaglaban,
Sa malupit na lipunan siya ay kaagapay,
Mga taong kapos-palad ay kaniyang tinutulungan.Makikita sa kaniyang kilos ang isang pilyang dalaga,
Ngunit ang kaniyang pangaral tila ginto ang halaga,
Hindi matatawaran ang kaniyang mabuting hangarin sa bayan,
Handa niyang ialay maging sariling kaligayahan.Isa siyang binibini na may angking katalinuhan,
Hindi padadaig maging kanino man,
Ipaglaban ang tama at karapatan,
Iyan ang kaniyang hangarin magpakailan pa man.Siya'y isang pambihirang binibini para sa ating lahat,
Na ating mamahalin higit pa sa sapat,
Ang kaniyang kuwento at pag-ibig na tapat,
Ay babaunin natin hanggang wakas.Sinubok man siya ng panahon at pagkakataon,
Pinatunayan naman niya na ang sugat ng nakaraan ay muling maghihilom,
Mapapalitan ng saya at muling magpapatuloy,
Mawawala ang lumbay sa paglipas ng panahon.
BINABASA MO ANG
Memorabilia
PoesíaIto ay mga tula na naisulat mula sa inspirasyon ng mga akda ni Binibining Mia o maging sa kaniya mismo. Nailathala na ito sa Las Obras De Sunshine page. Ito rin ay nasa ilalim ng pamunuan ng Kagawaran ng Literatura.