Sabi mo, tayo lang
na kahit kailan, hindi tayo magkakahiwalay,
na pagsasama natin ay hindi magwawakas
pero bakit ganito?
Bakit ngayon,
wala ka sa tabi ko.
Bakit walang ikaw na sa aki'y daramay,
bakit? Bakit pangako mo'y hindi mo natupad?!Paano na ako?
Paano na tayo?
Paano ang mga pangarap natin na kay tagal nating plinano? Paano?!Paano na ako?
Paano na tayo?
Paano ang mga pagsasama nating akala'y hindi magtatapos?Bakit hindi ka man lang nagpaalam?
Bakit hindi mo man lang sinabi ang iyong dahilan?
Tapos, tapos kung kailan huli na, saka ko pa malalaman?
Saka ko malalaman ang dahilan na pinili mong itago na lamang.Mahal kita, at kailan ma'y hindi nagbago at hindi magbabago iyon.
Sana man lang, sinabi mo sa akin
para ako ang nag-alaga sa iyo,
ako ang naging kasama mo hanggang dulo
para ako ang huling nakasama mo,
para hanggang sa huli ay naiparamdam ko
ang walang hanggan kong pagmamahal sa iyo.Mahal, ang daya mo, iniwan mo ako rito!
Sana isinama mo na lamang ako
dahil wala nang saysay pa ang buhay ko
kung wala nang ikaw sa buhay ko.Mahal na mahal kita, kaya sana, hayaan mo ang aking magiging desisyon.
Hintayin mo lamang ako, mahal.
Papariyan na ako.@maximushroom
YOU ARE READING
Poems
PoetryMagtugma man o hindi, mga salita ko'y tutuloy pa rin sa paglalabas ng totoong damdamin.