#3

3 0 0
                                    

Pagod na pagod na ako,
pagod na pagod na akong isipin ka
sa araw-araw paggising ko.
Pagod na akong makita kang hinihintay ako
na lumapit sa iyo
na para bang kasalanan ko pa
kung bakit tayo nagkakaganito.

Kasalanan ko bang pinanganak akong ganito,
mahina ang utak,
hindi basta makaalala
at mahilig umiyak.
Kasalanan ko bang nakilala kita?

Kung alam ko lang!
Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo,
edi sana,
edi sana mas pinili ko na lang
ang maglaho.

Dahil hindi ko na kayang magtiis,
hindi ko na kayang makita pa ang pagmumukha mo
at maalala ang mga ginawa mo
sa aking pagkatao.

Niyurakan mo ang bawat detalye
sa buhay ko.
Bawat kaalaman na natutunan ko ay inalis mo,
mga nabuo kong pangarap ay iyong pinaglalaho.

Kung sana alam ko lamang na magkakaganito ang lahat,
edi sana tumigil na lamang ako
at hindi na umalis sa komportable kong mundo
para makilala ka.

Ayaw ko na mag-aral,
nakakapagod na.
Bakit pa kasi Inimbento ka.
Bakit inimbento ang pag-aaral,
ang eskwelahan
e samantalang kahit saang
ay mayroon ka namang matututunan.

Dagdag pahirap lamang
at dagdag yaman sa mga mayayaman.

Aral pa, hindi rin naman alam kung may kinabukasang maganda.

@maximushroom

PoemsWhere stories live. Discover now