#6

1 0 0
                                    

"Saklolo! Tulungan niyo ako!"

Hingal na ako't hindi alam kung saan paroroon. Hinahabol ako ng aninong nanglalamon.

Kamay ko'y kaniya nang nakuha,
braso ko'y unti-unting nauubos na
kaya takbo lang ako nang takbo
palayo sa anino.
Ayaw ko pang mamatay!
Marami pa akong gustong gawin sa aking buhay!

"Saklolo! Saklolo! May tao ba riyan?"

Kaliwa't kanan ang aking linga
nagbabakasakaling may mahagilap ang aking mata,
hinihiling na may taong ako'y maisasalba
mula sa tila bangungot sa aking istorya.

"S-Saklolo! Parang awa n-niyo na!"

Nahuli na ngang muli
ng aninong hindi tumigil kahit kaunti.
Kaniya na akong itinali sa dilim
upang hindi na ako makatakas ulit.

"Saklolo! Ako'y tulungan niyo!
Tulong! Tulong!"

Nakaramdam na lang ako ng mga braso
na bumalot sa katawan ko
at ang bulong na, "Gumising ka na anak ko,
panaginip lang ang lahat. Narito na ako."

Bumangon ako't yumakap pabalik,
takot na takot sa akin palang panaginip.
Iyak nang iyak sa aking mga naranasan
ngunit ako'y nanigas na lamang
nang maalala kong ako'y mag-isa na nga pala lamang.
Unti-unti akong kumawala sa yapos ng hindi ko kilala-
isang itim na nilalang na siyang aking napanaginipan,
ang anino ng katotohanan.

@maximushroom

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now