#4

4 1 0
                                    

Ang hirap nga naman kapag ganito
yung naiinis ka, at umiinit ang iyong ulo
dahil lamang sa isang tao
tapos wala man lang siyang kaalam-alam tungkol dito.

Hindi rin naman natin masisisi
kung sakaling magtanong siya kung bakit,
kung bakit ka nababadtrip,
sabihin na lang natin na secret.

Ang hirap kayang sabihin
na naiinis ka sa kaniya
tapos hindi mo maiparamdam
dahil baka magkaroon na naman ng tampuhan.

Teka, teka. Lilinawin ko lang,
problema lang ito sa kaibigan
dahil iba ang aking the one,
kahit hindi ko pa alam ang kaniyang pagkakakilanlan.

Balik tayo sa aking kaibigan,
manhid ba ito o, hindi lang halata
na ang kinaiinisan ko ngayon
ay walang iba kun'di siya.

Paano ko sasabihin?
Paano ko aaminin?
E, pag-uugali nami'y taliwas
baka mangyari niyan, hindi na kami magkausap.

Kaya sige, tapusin na lamang natin
ang tulang ito at hindi ang pagkakaibigan namin
dahil ang inis na ito nama'y lilipas din
at paniguradong kung hindi, ay pipilitin ko na lamang alisin.

@maximushroom

PoemsWhere stories live. Discover now