When The Clock Strikes Twelve

0 0 0
                                    

Nakaupo si Maliya sa sidewalk sa labas ng kanilang bahay, at pinagmamasdan nito ang paligid. Tahimik nitong binabantayan ang bawat kilos ng kanilang mga kapitbahay.

Ngunit agad nama'ng natigil ito sa ginagawa nang makita nito ang kaniyang tatay na papalapit.

Tumayo siya at pinagpagan ang suot na short na nakapitan ng alikabok mula sa sidewalk kung saan siya nakaupo kani-kanina lang.

"'Tay!" Salubong niya dito, at agad naman siya'ng nagmano. "Ang aga niyo po yatang umuwi?" Tanong niya.

"Nagpaalam ako sa boss ko na kung pwede ay maaga akong umuwi. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Sagot naman ng tatay niya. "Siya nga pala, ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" Tanong nito at tumingin sa paligid.

Napalunok naman siya sa sariling laway. "A-aah kasi po—"

Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinutol iyon ng kan'yang tatay. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na tigilan mo na 'yang kabaliwan mo?" Pagalit na anito.

"Pero 'tay ginagawa ko lang naman 'to para matigil na ang krimen sa lugar natin." Paliwanag niya, ngunit hindi siya nito pinakinggan at pumasok na ito sa loob ng kanilang bahay.

Sinundan naman niya ito habang patuloy pa din sa pagpapaliwanag. "Ginagawa ko lang naman po 'to para sa kakigtasan natin. 'Tay, ayaw mo bang mahuli ang suspek sa pagpatay sa mga nakatira dito? Ayaw mo bang mawala ang takot ng mga mamayan dito sa atin? Halos linggo-linggo pong may namamatay. Buti nga hindi araw-araw eh." Patuloy niya. "Kailangan pong managot ng may kagagawan nito! At saka paano po pag tayo ang next target nun? Mas mabuti nang mahuli ang taong 'yon bago pa tayo maging target—"

"Magtigil ka diyan Maliya! Hindi ka pulis o detective. At paano kung mapahamak ka d'yan sa ginagawa mo?" Sabi ng tatay niya. "Hayaan mo nalang na ang mga pulis ang gumawa niyan—"

"Pero wala naman po silang ginagawa!" Putol niya sa sasabihin nito.

Napatigil naman sila nang lumabas mula sa kusina ang nanay niya. "Ano ba 'yang pinagtatalunan niyong mag-ama?" Taning nito, at pagkatapos ay bumaling ito sa kan'ya. "At Maliya narinig ko bang pinagtaasan mo ng boses ang tatay mo? Ama mo 'yan. Hindi mo dapat siya ginaganon!"

Napayuko nalang si Maliya pagkatapos siyang pagalitan ng ina.

Bumuntong hininga naman ang tatay niya at hinarap ang nanay niya. "Naku Marie, patigilan mo iyang anak mo sa kabaliwan niya. Nakita ko do'n sa labas nagmamasid kasi gusto niya'ng hulihin ang supek daw kuno." Ani ng tatay niya.

"Pero 'tay kasi—"

"Ayoko nang marinig 'yang sasabihin mo. Pagod ako, gusto kong magpahinga." Putol nito sa sasabihin niya at pumasok na sa kwarto nito. Napabaling naman siya sa nanay niya at bumuntong hininga lang ito at bumalik na sa kusina.

Nakasimangot naman siya'ng umakyat sa ikalawang palapag ng tahanan nila at pumasok sa kwarto niya.

Gustong-gusto ni Maliya na mahuli na ang suspek sa pagpatay sa lugar nila. Pagsapit kasi ng alas dosé ng hating gabi sa kanila ay may nagaganap na pagpatay, at linggo-linggo iyong nangyayari, kung kaya't napuno ng takot ang mga nakatira dito. Isa-isang pinapatay nito ang tig-iisang myembro ng mga pamilya na nakatira dito.

Kung kaya't pursigido talaga si Maliya na mahuli ang may sala, dahil natatakot siya na baka isang gabi, ang pamilya naman nila ang malagasan ng isang myembro.

~~~

Magkasalo ngayo'ng kumakain ng hapunan ang pamilya nina Maliya.

Nabasag naman ang katahimikan nang magsalita ang nakakatandang kapatid na lalake niya. "Sa tingin niyo aatake ngayon 'yong killer?" Tanong nito.

Binalingan naman niya ito. "Baka, kasi 'di ba no'ng nakaraang linggo pinatay 'yong asawa ni Aling Gloria, at ngayong linggo ay wala pa 'tong napapatay." Ani naman niya.

"Pero 'di tayo sigurado kung ngayo'ng gabi 'to aatake, kasi kahit ano'ng araw naman ito pumapatay at wala siyang schedule na sinusunod." Sabi naman ng bunso nilang babae.

Natigilan naman sila nang bigla nalang malakas na bumuntong hininga ang tatay nila at pabagsak niting binitawan ang hawak na kubyertos. "Pwede ba? Huwag natin pag-usapan 'yan. Nasa hapag-kainan tayo, tapos patayan pinag-uusapan niyo." Saway nito sa kanila, at sabay-sabay naman silang yumuko at nagpatuloy sa pagkain.

"Tama na 'yang topic na 'yan, kumain nalang tayo ng tahimik." Pagtatapos ng nanay nila.

~~~

Pagkatapos nilang kumain at magligpit ng pinagkainan ay dumiretso si Maliya sa kwarto nila. Nag-iisip na siya ng plano kung paano niya huhulihin ang pumapatay sa lugar nila sakaling sumalakay ito ngayong gabi.

Nang matapos siya'ng magplano ay kinuha niya ay kinuha niya ang pocket knife niya na nakatago sa ilalim ng mga damit niya.

Dali-dali naman niya'ng ibinulsa iyon nang makarinig siya ng yabag na papalapit. At tama nga siya nang bumukas ang pinto at sumilip doon ang ulo ng bunso nila. "Ate nasa 'baba ang mga kaibigan mo. May lakad daw kayo?" Sabi nito umalis na.

Sumunod naman siya sa kapatid papunta sa salas kung saan naroroon ang mga kaibigan niya.

"May lakad daw kayo?" Tanong ng tatay niya.

Tumango naman siya. "Opo 'tay. Manonood po sana kami ng liga sa kabilang baranggay." Sagot niya.

"Sige, papayagan kitang sumama sa kanila Maliya, pero umuwi kayo ng maaga. Alam niyo naman ang nangyayari sa lugar natin. Kung maaari umuwi kayo bago mag alas onse." Sabi ng nanay niya.

"Opo 'nay." Sagot niya dito at umalis na sila ng mga kaibigan niya.

~~~

Hating-gabi na nang mapagpasyahan nilang magkakaibigan na umuwi na. Matagal din kasing natapos ang liga at gumala pa sila saglit.

Habang naglalakad sila sa tahimik na kalsada ng kanilang baranggay, bigla nalang napahinto si Maliya nang makarinig siya ng boses na nanghihingi ng tulong.

Napahinto din ang mga kaibigan niya at binalingan siya. "Oh Mal, ba't bigla kang huminto?" Tanong sa kan'ya ni Shane.

"Naririnig niyo ba 'yon?" Mahinang tanong niya, at pagkatapos ay tumingin siya sa maliit na eskinita na medyo malapit sa kanila. "Doon yata nanggagaling." Turo niya dito.

Bumaling naman doon ang mga kaibigan niya pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang tumingin sa oras ng kani-kaniyang cellphone nila.

"A-alas dosé na..." Mahinang saad ni Nicolo.

Nagulantang naman sila nang may lumabas na babae mula sa eskinita'ng 'yon at gumagapang ito papalabas. Nababalot ang bandang tiyan ng babae ng dugo at puno ito ng gasgas at sugat.

Dahil sa takot ay napatakbo ang mga kaibigan ni Maliya papalayo habang siya ay tila napako sa kanyang kinatatayuan.

"Ito na ang pagkakataon para mahuli siya!" Sabi niya sa isip. Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya ang sumunod na lumabas sa eskinita.

Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang tatay niya na may hawak na kutsilyo na puno ng dugo at nakakatakot ang hitsura nito.

<3

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon