Night Shift

0 0 0
                                    

Ibinaba ko sa lamesa ang hawak ko'ng tasa na may lama'ng kape, umupo sa upuan ko at tumingin sa monitor.

Isa akong security guard sa isang condominium building dito sa amin. At ako ang nagbabantay sa mga cctv footage tuwing gabi.

Tinignan ko isa-isa ang bawat suloy ng building mula sa monitor. Wala nama'ng kakaiba.

Ngunit kumunot ang noo ko nang may makita ako na parang bata'ng nakatingin sa CCTV mula sa dulo ng hallway, ng ika-labing anim na palapag ng building. Binalikad ko ng tingin ang palapag na iyon, ngunit wala akong nakita.

Imposible na magkabata doon. Walang nakatira sa palapag na iyon.

Napailing ako at humigop ng kape. Baka guni-guni ko lang...

"Tama! Guni-guni ko lang 'yon." Kumbinse ko sa sarili.

"Mali~~" rinig ko'ng pakanta'ng bulong mula sa likuran.

Nanlaki ang mga mata ko nagtindigan ang aking mga balahibo. Agad ako'ng tumingin sa likuran, ngunit wala ako'ng ibang nakita. Tanging pintuan lang ng silid na ito ang nakikita ko.

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid, ngunit wala talaga'ng kakaiba.

"Ilang araw na ba ako'ng walang tulog?" Tanong ko sa sarili habang naiiling.

Muli kong hinarap ang monitor at nagbantay.

Naalimpungatan ako nang may maramdaman ako'ng pumatak na likido sa aking mukha. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako.

Agad akong humarap sa monitor at tinignan ang lahat ng sulok ng building mula roon.

Wala naman ako'ng nakita'ng kakaiba kaya nakahinga talaga ako ng maluwag. Ngunit hindi nagtagal ay nawala rin ang kaginhawaan na naramdaman ko nang patuloy pari'ng may tumutulo mula sa kisame ng CCTV room.

Inangat ko ang tingin sa kisame, at nanlaki ang aking mga mata. Agad ako'ng ginapangin ng takot!

May nakita akong lalake'ng naka-barong Tagalog. Duguan. Nakaawang ang bibig. Dilat na dilat ang mga mata at nakatitig sa akin!

Nakadikit siya sa kisame na tila sumasandal sa roon. Nakalutang ang mga paa niya at kamay. At ngayon ay unti-unti na siyang bumababa!

Nang makaapak na siya sa sahig, ipinilig niya ang kan'yang ulo ngumiti sa akin ng nakakakilabot!

At pagkatapos noon namatay ang lahat ng ilaw, at dumilim ang paligid...

Third Person's POV

"Ano'ng nangyari kay Kuya Mon?" Tanong ng isang security guard sa isang room service staff.

Nasa labas sila ng isang condominium building at pinapanood ang paglalabas ng isang bangkay na natagpuan sa CCTV room ng naturang building.

Umiling-iling ang babae. "Naku! Mukhang nabiktima ng sumpa." Ani nito.

Napakunot ang noo ng guard, habang sinusundan parin ng tingin ang bangkay na ngayon ay pinapasok sa sasakyan. "Ano'ng sumpa?" Tanong niya.

Hinarap siya ng babae. "Hindi mo alam?" Umiling siya.

"May sumpa ang building na 'to." Sabi nito at saglit na binalingan ng tingin ang building. "Tuwing ika-sampu ng November, parating may namamatay na bantay sa CCTV room. Taon-taon gano'n!"

Hindi makapaniwala'ng  tumingin ang guard sa babae."T-ten kagabi..." At sabay nilang pinagmasdan ang building.

<3

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon