Hustisya

1 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa lugar namin, narinig ko na naman ang mga chismosa sa gilid na nagchi-chismisan.

"Mars, alam mo ba na nakalaya na raw 'yong anak ni Kap." Ani Aling  Marieta.

Dahil doon ay napahinto ako, at naisipang makinig sa usapan nila. Nai-intriga kasi ako.

"Hindi ba hinuli iyon dahil nagd-drugs?" Tanong ni Ate Mosang.

Tumango naman si Aling Flor. "Oo pero nakalaya. May koneksiyon kasi." Sabi niya.

Nagsalita naman si Aling Elena. "Ang narinig ko, kaya raw nakalabas dahil nagbarter."

Nagulat naman ako sa narinig at nilingon sila. Hindi nila ako napansin dahil seryoso silang nagchichismisan.

"Kilala niyo si Edu? 'Yong anak ni Vivian na dating gumagamit? Hinuli kahapon. Siya raw kasi ang binarter." Sabi naman ni Aling Cora. "Kaya nga problemado si Vivian. Hindi na nga raw nakakatulog."

"Ang sabi-sabi, tinaniman raw at hinuli." Si aling Marieta ulit ang nagsalita.

"Totoo kaya 'yon?" Tanong ko sa isip.

Kinagabihan ay nag-inuman kaming magbabarkada. Sa labas ng basketball court ng baranggay.

"Dude bat mo ba naisipang makipag-inuman ngayong gabi?" Tanong ni Dior kay Viton.

"Paano ba naman kasi pre. Gumagawa pala ng illegal ang kuya ko?" Anito.

"Sinong kuya?" Tanong ko.

"Si Kuys Ran. 'Yong nagt-training para maging pulis." Sagot ni Viton.

Nagsalita naman ang katabi kong si Victoria. "Ano bang ginawa?" Tanong nito.

"Gumagawa siya ng illegal na I.D. saka pass at kung ano-ano pang dukomento." Tila plan nagsakluban ito ng langit at lupa. "Ang taas ng tingin ko sa kaniya eh! Palagi niya pa akong pinapangaralan. Siya pala 'tong may kalokohan."

Napatingin naman kami kay Laurent nang tinawanan siya nito. "'Yon lang pala!? Akala ko kung ano na. 'Yong mukha mo parang mamamatay tao kuya mo." Anito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Paglabag parin 'yon ng batas." Pasinghal na sabi ko. Hindi ko alam pero nainis ako.

"Coming from you! Eh parati ka nga'ng nasa presinto." Mapanuyang sabi nito sa 'kin.

Akmang magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Dior. "Magsitigil nga kayo. Baka mag-away pa kayo diyan eh."

Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig kami ng tunog ng police car!

Nagkàtinginan kami, at parehong nanlalaki ang mga mata. Takot na mahuli.

"A-anong oras na ba?" Tanong ni Victoria.

Tumingin si Viton sa relo at napamura. "Sh*t! Alas diez napala!"

Nauna na silang tumakbo habang ako ay hinahanap pa ang cellphone ko. "Nasaan na ba kasi 'yon!?" Natatarantang tanong ko.

Nang papalapit na ang tunog ng police siren ay binalewala ko na ang cellphone ko at tumakbo na.

Ngunit bago pa man ako makalayo, nahawakan na ako ng isang tanod. "Aish naman!" Bulong ko.

"Nandito ka na naman Mortel?" Ani ni PO1 Cenas, isa sa mga officer rito sa presinto. Tulad ng tipikal na pulis, mataba siya at may sobrang laki na tiyan. Aakalain mong isang kabuwanan na na buntis.

"Balak mo bang dito na tumira? Hindi ka man lang naaawa sa lola mo na palagi nalang umiiyak at nagmamakaawa rito para lang mapalabas ka. Ka-babae mong tao, pasaway ka." Mahabang litanya nito.

Hindi ko nalang siya pinansin a isinanal ang ulo sa ding-ding para makatulog.

Naalimpungatan ako nang makainig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Tumingin ako sa wall clock sa presinto. Alas dos na pala ng madaling-araw.

Tumingin ako sa pintuan katabi ng selda kung saan ako nakakulong. May narinig kasi akong nag-uusap mula sa loob tapos may amoy usok pa.

Nang nilingon ko ang pulis sa front desk, tulog ito. Kung kaya't nakaisip ako ng kalokohan.

Kinuha ko ang hair pin ko at kinaliko ang lock ng selda. Laking ngiti ko nang gumana ito at nabuksan ko ang pintuan ng selda.

Tatakas na dapat ako ngunit napuno ng kyuryusidad ang sistema ko. Gusto ko talaga malaman ang nasa likod ng pintuan katabi ng selda. Bakit may amoy usok roon.

At hindi ko na napigilan pa. Hinarap ko ang pinto at dahan dahan na binuksan iyon.

Isa iyong kwarto na may matataas na shelf na puti at gawa sa bakal. May mga nakapatong na kahot at supot ng drugs rito.

Dito siguro nila nilalagay ang nakukumpiska na illegal na droga.

Sinundan ko ang amoy usok. Nanggagaling iyon sa pinakasulok ng silid. Doon may nakita akong ilaw at naririnig na nagbubulungan.

Sumilip ako mula sa shelf. Nanlaki naman ako nang makita ang dalawang pulis na nagrerepack at gumagamit ng droga. Sa isang gilid ay may mga baril na may droga ang loob ng butas. Mayroon ding mga sako ng bigas na drugs ang laman.

Dahil sa pagkabigla ay nasagi ko ang isang box na nasa shelf, at gumawa ito ng kaluskos, dahilan ng paglingon nila sa akin, at ang pagkahuli ko.

Nanigas muna ako sandali sa aking kinauupuan bago nagsimulang tumakbo. Nang makalabas ako sa silid na iyon ay tila nakahinga ako ng maluwag.

Ngunit nagkamali ako noon inakala kong maliligtas na ako. Dahil bago pa man ako makalabas ng presinto ay nahuli na ako nung pulis sa front desk.

At dinala nila ako pabalik sa silid na iyon.

"Isang babae ang natagpuang patay at wala nang damit sa isang basurahan sa isang subdivision. Ayun sa mga pulis ay ginahasa muna umano ito bago pinaslang..."

<3

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon