Rose Field

1 0 0
                                    

Nakatayo kami ng kapatid ko sa isang malawak na lupain, at nakaharap sa mga tanim na rosas dito.

Marami ito at naka-landscape rin. Nakatanim din ito ayon sa kanilang kulay; puti sa kanan, pula sa kaliwa at pink sa gitna.

"So saan dito nakabaon ang kayamanan ni Ninang?" Tanong ng kapatid ko.

Mula sa mga rosas, ibinaling ko ang tingin sa kan'ya. "Hindi ba nakalagay doon sa sulat?" Umiling siya.

Nandito kasi kami para hanapin ang iniwa'ng yaman ng Ninang niya, matalik na kaibigan at pinsan ni Mama namin.

May nakita kasi siya'ng sulat sa bahay ni Auntie noong inutusan siya ni mama na maghatid ng pagkain doon.

Ayon sa sulat, mayroon raw'ng ibinaon na isang maleta ng ginto si Auntie sa isang rose field sa probinsya namin; hindi na kami nagtaka kung saan galing ang ginto. May usap-usapan kasi na may nakita raw noon na mga ginto ang tatay ni Auntie kaya sila bigla'ng yumaman.

Isa'ng linggo na rin na hindi nagpaparamdam at hindi nakikita si Auntie. Wala rin tao sa bahay niya.

"Ano ba ang paborito'ng kulay ni Ninang?" Tanong sa akin ng kapatid ko.

Napaisip naman ako. "Puti?" Hindi sigurado'ng sagot ko. "Puro puti mga gamit no'n sa bahay niya eh."

At bumaling kami sa mga tanim na puti'ng rosas.

"Hanggang doon pa ang mga 'yan," sabi ko sabay turo sa pinakamalayo'ng parte ng lupain. "Aabutin tayo ng siyam-siyam niyan."

"Simulan nalang natin ang paghahanap. Para mabilis tayo matapos." Aniya at nagsimula ng maglakad.

"Paano naman natin hahanapin?" Tanong ko habang sumusunod sa kan'ya. "Ano? Bubungkalin natin lahat ng 'to?" Turo ko sa mga puting rosas.

Ngunit pagbaling ko sa pwesto niya kanina ay wala na siya at narinig ko ang pagdaing niya, kaya nag-alala ako.

Pumunta ako sa pwesto niya kanina at  nakita ko siya roon na nakaupo sa lupa at dumadaing dahil sa sakit ng tuhod.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Tanong ko. "Nalingat lang ako saglit dumadaing ka na."

Tinugnan niya ako. "Napatid ako eh!" Sumbong niya na parang bata.

Tumingin ako sa paligid niya para makita ang dahilan ng pagkakabagsak niya sa lupa, at may nakita ako'ng pala malapit sa paa niya.

"Oh! May pala." Turo ko sa pala. "Ba't hindi natin simula'ng magbungkal?" Sabi ko sabay pulot sa pala.

Tumayo na rin siya. Mukhang naka-recover na mula sa pagkakabagsak.

Ibinigay ko sa kanya ang pala. Binigyan niya naman ako ng nagtataka'ng tingin.

"Magbungkal ka na." Utos ko.

Itinuro niya naman ang sarili. "Bakit ako?" Tanong niya.

Nagpameywang ako. "Sa ating dalawa, ikaw ang lalake kaya ikaw na magbungkal."

Wala na siyang nagawa at nagsimula na siya'ng magbungkal doon malapit sa binagsakan niya.

Ilang sandali pa, may natamaan siya na matigas na bagay. Nanlalaki ang mata nami'ng tinignan ang isa't isa.

"Jockpot na kaya 'to?" Ani ng kapatid ko.

Nagpatuloy siya sa pagkuhay at tumambad sa amin ang isang parehaba'ng kahon na gawa sa kahoy. Malaki ito. Kasya ang isang tao na may tangkad na 5 foot.

Bakas sa mukha namin ng kapatid ko ang pagkasabik. Pagkasabik na makuha ang yaman sa loob.

Ito na kaya 'yon?

Ginamit namin na pangsira ang pala, at nagulantang kami nang makita ang laman niyon.

Ang nasa loob ng kahon ay... SI AUNTIE NA WALA NG BUHAY!!

<3

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon