Kabataan

1 0 0
                                    

"Monica, huwag na huwag ka munang magbo-boyfriend, kung gusto mo makapagtapos!" 'Yan ang laging paalala sa 'kin ng Lola ko, mula bata palang ako.

'Wag papasok sa isang relasyon, kasi mabubuntis tapos hindi na makakapag-aral.' Minsan ay tinatakot nila ako na kapag magbo-boyfriend ako ay patitigilin nila ako sa pag-aaral at pag-aasawahin nalang. Kasi sabi nila ano pang silbi ng pag-aaral kung papasok na ako sa relasyon.

Noong bata pa ako, sabi ko "madali lang naman 'yan. Saka ayoko rin magboyfriend at mag-asawa. Mas gusto ko tumanda ng mag-isa." Pero hindi pala gano'n 'yon? Na paglaki at pagtanda mo, may mababago; mga pananaw mo sa buhay, at plano. Nasasabi ko lang pala 'yon kasi bata pa ako at puro laro lang ang alam ko.

Lumaki ako sa Lola ko. OFW kasi ang Mama ko, kaya wala siya sa tabi namin para alagaan kami ng kapatid ko. 'Yong tatay ko naman, namatay tatlong taon na ang nakakaraan.

Nang lumabas ako ng kwarto ko para pumasok na sa eskwela, naabutan ko si Mama La—Lola ko— na kausap si aling Dalia, kapitbahay namin.

Lumapit ako sa kanila, para kuhanin ang baon ko mula kay Mama La.

"Siya, alis na 'ko mother at aasikasuhin ko pa mga estudyante ko." Tumingin ito sa akin. "Una na ako Mon."

Tinanguan ko naman siya at hinarap si Mama La. "Papasok na po ako Mama La." Sabi ko.

Kinuha ni Mama La ang wallet niya mula sa bulsa at inabutan ako ng pera. Pero pagkatapos noon ay hindi na muna niya ako pinaalis.

"Monica, alam mo ba? 'Yong apo ni Ester, may ka live in na raw." Anito.

Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapang 'to. "Ah opo. Nakita ko nga silang dalawa nung partner niya." Sabi ko.

"Hindi ba senior high palang 'yon? Ang bata-bata nagli-live in na. Noong kapanahunan ko bawal ang live in, kasal agad!"

"Buhay ho nila 'yon, kaya bahala na po sila." Sabi ko. Umaandar na naman pagka-judgemental ni Mama La.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ikaw Monica magseryoso ka muna sa pag-aaral at huwag ka muna magboyfriend—"

Hinawakan ko ang kamay niya at pinutol ang sasabihin niya. "Hindi. Po. Mangyayayari. 'Yon." Paniniguro ko sa kan'ya. At umalis na ako para pumasok sa paaralan.

"Saan kayo magc-college?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Dito lang." Tipid na sagot ni Kristine habang nakaakbay sa kaniya ang nobyo niya.

"Sa kabilang bayan ako. Sa Northern High." Sagot ni Maricar habang nakayakap sa kaniya ang jowa niya at nakasiksik ang ulo nito sa leeg niya.

"Naks private!" Kantiyaw ni Danica kay Maricar. "Dito lang rin ako. Ikaw ba?" Anito habang nakakandong sa boyfriend niya.

"Gusto ko sana mag-UP sa Maynila." Sagot ko.

"Kaya ka nama'ng pag-aralin doon ng Mama mo." Sabi ni Maricar.

Dito kasi sa probinsya namin, kapag OFW Mama mo, swerte ka na. Kasi nabibigay lahat ng gusto mo, at considered na mapera ka na agad.

Pero hindi 'yon totoo. Kasi minsan, nagigipit rin kami sa pera at nagtitipid.

Kinuha ko ang cellphone ko at napabuntong-hininga nang wal akong maisip na magandang gawin roon. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na busy makipaglampungan sa mga nobyo nila.

Sa aming, ako lang ang walang jowa. NBSB. At mukhang gan'to na talaga ang status ko until magkaroon ako ng magandang trabaho.

Minsan nga feeling ko napag-iiwanan ako. Kasi halos lahat may ka-in a relationship status, samantalang ako wala. Feeling ko rin hindi ako nag-mature o nagdalaga kasi halos hindi ako payagan na gumala, samantalang mga kaibigan ko araw-araw kung gumala. Ayaw rin ni Mama La na may barkada ako, kasi daw bad influence. Pero wala silang magagawa kasi ipaglalaban ko talaga ang mga kaibigan ko!

Naiisip ko rin minsan... Ano ba'ng pakiramdam ng may boyfriend? Pero hanggang doon lang ako. May rule si Mama La, at nakakatakot 'yon labagin.

"Huwag na tayong pumasok mamayang hapon." Yaya ni Tristan, jowa ni Danica. "Pista raw ngayon sa Maanindot. Punta tayo."

"Sige!" Pagsang-ayon nilang lahat, pagkatapos ay tumingin sila sa akin nang 'di ako kumibo.

"Hindi pwede ang hindi." Pinal na sabi ni Maricar.

Madilim na, at maingay ang paligid. Halos lahat ay lasing na. Ilang ulit nang tumutunog ang cellphone ko ngunit ayaw iyong ibalik ni Kristine sa akin.

Nakita ko na ring naghahalikan si Maricar at Tristan, habang hawak ni Tristan ang dibdib ng babae!! Ang mas nakakagulat pa ay parang wala lang kay Danica 'yon o hindi niya lang talaga napansin.

"NANDITO NA ANG MAS MAKAKAPAGPASAYA SA PARTY!!" Anunsyo ni Jack, nobyo ni Kristine.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may itinaas siyang isang maliit na plastic na may lamang puting parang powder!!

"Drugs ba 'yan!?" Tanong ko.

"Masarap 'yan." Sabi ni Danica.

Ibig bang sabihin... Nakatikim na sila niyan? Nahabag ako sa nalaman. Tumingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin nang magsaya sila dahil sa bagay na 'yon.

Gusto ko nang umuwi. Naiiyak na ako. Pero wala akong magawa. Pinagtulungan nila ako at ilang beses na pinagamit ng bagay na 'yon, at nawala na ako sa sarili.

Kung ano-ano na ang ginagawa ko. May nangyari rin sa amin ni Jack!!

Nang sumikat na ang araw, ay umalis na kami sa lugar at dumiretso sa eskwelahan, kahit walang tulog at may impluwensya pa ng droga. 

Blangko lang ako, buong byage namin. Hindi ako makaramdam ng antok at pagod.

Ngunit noong pumasok kami sa gate ay bigla akong nahilo, at nandilim ang paningin.

Lumipas ang mga araw. Marami ang nangyari. Hindi ko namalayan na nasa kulungan na ako, AT BUNTIS PA!! Ang mga kaibigan ko ay hindi na mahanap.

Sobra akong nagsisisi, lalo na noong nakita kong umiyak nang umiyak si Mama La at tanong nang tanong kung saan siya nagkulang.

Paano ba nangyari 'to? Paano na ang pangarap ko?

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", ika nga ni Dr. Jose Rizal.

Isa ako sa kabataang 'yon. Ngunit nandito ako, nakakulong, buntis at binibigyan ng malaking suliranin ang pamilya ko.

<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon