Knock Knock

0 0 0
                                    

Naalimpungatan si Akizeia nang maramdaman niyang tumigil ang sinasakyan nilang van. Pagtingin niya sa labas ay may nakita siya'ng malaking mansyon na gawa sa kahoy, at may kalumaan na. Nandito na sila sa kanilang destinasyon. Nasa probinsya sila ng lola niya ngayon upang magbakasyon.

Pagpasok nila sa loob ng Mansyon, sumalubong kaagad sa kanila ang isang babaeng may katandaan na.

"Nandito na pala kayo!! Maligayang pagdating!" Masaya'ng bati nito sa kanila. Lumapit naman siya at nagmano dito. "Ito na ba ang apo ko?" Tanong nito sabay tingin sa mga magulang niya na nasa likuran.

Tumango naman ang Daddy at nagmano din sa matanda. "Opo Ma." Sagot nito.

Nang bitawan siya ng matanda ay sunod naman nitong niyakap ang mommy niya. "Naku! Cecil anak, namiss kita." Anito.

Nginitian naman ito ng mommy niya at tumugon. "Namiss rin kita ma. Ang tagal ko nang hindi nakakauwi rito."

"Ay! Halina kayo at ituturo ko ang mga kwarto ninyo." Sabi ng lola niya at nauna ito'ng umakyat sa hagdan papuntang second floor ng mansyon. Agad namang humabol ang moomy niya rito at inalalayan ang matanda. Habang silang mag-ama ay nakasunod lang sa likod ng dalawa.

Nang makarating sila sa ikalawang palapag, huminto ang matanda sa ikalawang pinto mula sa kanan, at humarap sa mga magulang niya. "Ito ang magiging kwarto ninyo anak." Anito.

"Ah, ipapasok ko na ang mga gamit natin sa loob Hon." Sabi ng daddy niya. Tinanguan naman ito ng ina niya.

Sunod silang huminto sa huling pinto na naroroon, at humarap naman sa kanya ang lola niya. "Ito naman ang magiging kwarto mo apo."

Tumango naman siya at tipid na ngumiti. "Sige po ipapasok ko lang ang mga gamit ko po sa loob." Paalam niya at saka pumasok na sa silid.

Pagkapasok niya roon ay ibinaba niya sa sahig ang dala niya'ng bag at umupo sa kama. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at napairap nang makitang walang signal.

Inilibot niya naman ang paningin sa kabuoan ng silid. Puno ito ng lumang gamit. Sa tabi ng bintana ay may parang desk kung saan may nakapatong na plorera na may lamang mga sunflower. Sa tabi naman ng kamang kinauupuan niya at may maliit na bedside table na may nakapatong na lumang lamp. At sa tabi ng pintuan ay may cabinet. Sa tapat naman ng kama may makikitang dalawang parihabang painting ng mga bulaklak na mas matangkad pa sa kanya.

"This vacation will be boring." Sabi niya sa sarili at nahiga sa kama upang magpahinga.

~~~

Nasa farm sila ngayon ng lola niya. Nakiusap kasi ang mommy niya na doon sila mamasyal ngayong araw.

Makikita naman si Akizeia na nakaupo sa isang papag doon at nababagot na naghihintay kung kailan sila uuwi, habang ang mga magulang naman niya ay enjoy na enjoy sa pagpitas ng mga bunga'ng prutas at pagpapakain sa mga hayop.

Napabaling naman siya sa gilid niya nang may maramdamang umupo doon. Isa iyong matandang lalake na magsasaka.

Kinilabutan naman siya nang ngumiti ito sa kanya at nagsalita. "Tok... Tok... Tok. Pagbubuksan mo ba siya ng pinto?" Sabi ng matanda.

~~~

Alas nuebe na ng gabi at hindi parin makatulog si Akizeia. Kanina pa siyang paiba-iba ng pwesto sa kama ngunit hindi parin siya nakakatulog. Hanggang sa bumangon siya mula sa pagkakahiga at naiinis na tumayo para lumabas at uminom ng tubig.

Pero bago pa siya makalapit sa pinto ay nakarinig siya ng mga katok. Napatingin naman siya sa isa sa dalawang painting sa dingding.

Paruloy parin ang mga katok at walang tigil iyon. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito. At nang kaharap na niya ang painting, may narinig siyang kalabog mula sa likod nun!

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "H-Hello? May... May tao ba diyan?"

Huminto saglit ang mga katok ngunit agad na bumalik ang mga iyon at mas malakas na ngayon ang bawat katok nito. Gumagalaw-galaw na din ang painting dahil sa lakas ng mga katok.

Napalunok naman siya dahil sa takot. Pagkatapos ay dahan-dahan at maingat niyang hinawakan ang painting at tinanggal iyon mula sa dingding.

Laking gulat naman niya nang may makita siyang pinto doon. Kinakabahan man, hinawakan parin niya ang doorknob at binuksan ang pinto.

Ngunit ang nakita niya sa loob ay hindi niya inaasahan! May isang katawan ng babae ang nakabitin doon! May tali ito sa leeg na nakasabit sa kesame.

At nanv mapabaling siya sa kanyang tabi ay may babae na roon ang nakangiti ng nakakakilabot sa kanya. "Mula ngayon, akin na ang katawan mo."

"AAAAAAAAAAAAAAH!!!"

<3

Shadows Of Darkness (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon