Bago Pa Mahuli Ang Lahat

1.5K 72 26
                                    

Kung sino ka man na nagbabasa nito, pinapangarap ko na balang araw ay maiintindihan mo ang nakasulat dito. Inaasahan kita ng lubos na lubos. Alam ko sa dulo ng pagsusulat kong ito ay maaring mamatay na ako kaya sana alagaan mong mabuti itong aking isinulat. 

Labing-limang taon na ang nakakalipas noong una silang mapadpad dito. Dito sa lugar kung saan ako lumaki. Dito sa lugar kung saan ko nakilala lahat ng mahal ko sa buhay. Dito sa dati nilang tinatawag na Pilipinas o Philippines sa wikang Ingles. Sana, ngayong binabasa mo ito, malaya na ang Pilipinas sa kanila, malaya na ang mundo sa kanila. Gusto ko ipaalam sa’yo, aking  mambabasa, na dumating sila dito labing-limang taon na ang nakakalipas. Lulan-lulan sila ng isang transportasyon na hindi minsan aakalaing ng mga tao na pwedeng mangyari, isang transportasyon na mas mabilis pa sa ilaw at may kakayahang tupi-tupiin ang tela ng sansinukob. Sila ay hindi tao ngunit kahawig natin sila. Ang halatang pagkakaiba lamang ay higit na mas matatangkad sila sa atin. Malamang ay alam mo din ang hitsura nila ngunit nais ko pa rin iparating ito.

Noong una ay inakala natin na sila ay mabuti at walang intensyong manakit ngunit doon lubhang nagkamali ang ating mga ninuno. Wala pa akong muwang sa buhay noong una silang magpresenta sa buong mundo. Marami silang itinuro sa atin- mga teknolohiya na hindi pa naiimbento ng mga tao, mga kaalaman na pinalawig pa ang ating pagkakaunawa sa agham at matematika. Hindi natin alam na ang ating agham at matematika pala ang magiging pintuan sa ating katapusan. Nung itinuro natin ang ating nalalaman sa siyensya, labis silang hindi natuwa. Ikinagalit nila ito dahil sa dami daw ng pagkakamali. Ito ang kanilang pawang rason kung bakit nais nila tayong itama, bobo daw kasi tayo sa kanilang pananaw. Nais nila tayong turuan ng tamang mga asal, tamang mga gawi. Ngunit ang tama lamang ay ang kanilang nalalaman.

Dahil dito umalma ang katauhan. Hindi papa-api ang lahi ng mga tao, ayon sa ating mga ninuno. Nagkaroon ng matinding digmaan. Ang unang umatake ay ang bansang itunuturing ng mundo na pinakamalas, ang Amerika. Gamit ang pinakamahusay nilang kagamitan sa pandigma, sinalakay nila ang kuta ng mga dayo. Mala palabas ang pangyayari ngunit ang pagkakaiba ay ito katotohanan na. Ang kalaban, sa galit, ay gumamit na din ng dahas at binura sa mapa ang buong Amerika. Dito lalong umalma ang sangkatauhan at sinuportahan ang laban ng tao labas sa dayo. May mga bansang ayaw lumaban. Ngunit ang bansang Pilipinas kahit hindi kabilib-bilib ang kaalaman sa pandidigma ay lumaban pa rin. Ang sabi ng aking ina ay dahil daw ito sa ating nakaraan kung saan sinakop ang Pilipinas ng ibang mga bansa. Ayaw na ng mga Pilipino maulit ang pambaba na naranasan nila noon kaya naman pinili ng sinaunang Pilipino na makisama sa pag-aalsa laban sa mga dayo. Ngunit dito nagkalintikan ang buhay ng sankatauhan. Ang tanging paraan lamang daw upang maging sibilisado ang mga tao ay burahin ang ating alala sa ating mga nalalaman, sa ating paniniwala, sa ating kultura. Kaya ang ginawa nila ay sinunog nila lahat ng mga libro na may laman ng nakaraan, nagawa nilang buwagin ang pinakamalaking bagay noon sa mundo at ayun ang Internet. Ang pinakamalala ay pinatay nila lahat ng matatandang tao na namumuhay, at binura ang ala-ala ng mga kabataan. Nais nila parin panatiliin ang lahi ng tao kaya nila napagdesisyonan na kahabagan ang mga bata, at isa na ako doon. Binura nila lahat ng aming natutunan at tinuran kami ng kanilang kultura, tinuruan kami ng kanilang wika hanngang sa lahat ay ayun na lamang ang kanilang alam banggitin at isulat. Ngunit, sa hindi mapaliwanang na pagkakataon, nananatili pa rin ang aking alaala sa aking isipan. Marahil dahil ito sa aking natagong kwaderno ng aking mga magulang, kaya nanatili ang aking kaalaman.Tuwing nababasa ko ang kanilang pagmamahalan, nalala ko din kung sino ba talaga ako at sino ba talaga tayo.

Itinago ko ang kaalaman ko ng mahabang panahon ngunit ngayo'y nalaman na nila ang aking kakayahanan matapos kong subukan buhaying ang wikang Filipino. Ngayon ay nakatago ako sa dati naming tirahan at sinusulat ang mga katagang ito, para sa'yo aking mambabasa. Paparating na sila para sa akin. Malapit na sila. Kaya bago pa man mahuli ang lahat, bago pa man nila madakip at paslangin ako, ang huling Pilipino na marunong gumamit ng wikang Filipino, nais ko sana na malaman mo kung sino ka talaga, nais kong 

Oxford CommaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon