Nung Nawala ang Araw

840 70 28
                                    

"Henry, nakikinig ka ba?" 

"Ha? Ano po yun sir?" Nakita na naman ng kanyang guro si Henry. 

"Nako naman Henry, hindi ka na naman nakikinig. Bakit tuwing klase ko inaantok ka? Boring ba ang topic ko?" 

"Hindi po sir," 

"Eh bakit ka natutulog?"

Gusto sana sabihin ni Henry na alam na niya yung pinagsasabi ng kanyang guro pero sa tingin niya lalo lang siyang mapapahiya. "Puyat lang po ako,"

"Ay nako, kasi kayong mga kabataan. Puro paysbook lang inaatupag. Idol niyo ba yung mga pabebe girls?" 

"Imbis na magpagalit ka diyan sir, hindi mo na lang kaya ituloy yung dinidiscuss mo. Ikaw tong pabebe eh." pabulong na bigkas ni Henry

"Ano yun Henry?" rinig ng guro na may pandinig ng aso. 

"Wala ho sir. Ang dilim po kasi kaya inaantok ako," nagsabi ng totoo si Henry.  Doon lang napansin ng kanyang guro at ng mga kaklase niya ang kakaibang kadiliman na bumabalot sa loob ng kanilang silid. Alas-dos lamang ng hapon ngunit tila alas-sais na ng gabi. Tumingin si Henry sa kanilang bintana at doon niya nakita ang kahindik-hindik na tanawin. Napatayo na lang siya at tinuro ang malaking bagay sa himpapawid.  Hindi tumagal nagsigawan na ang mga kaklase ni Henry. Wala nang sinayang na sandali si Henry at lumabas siya sa kanilang silid at pumunta sa ibang klasroom at binulabog ang mga nasa loob. 

"Tin-tin!" sigaw ng binata. Halatang nagtataka ang mga estudyante at ang titser. "Tin-tin, umalis na tayo dito!" Nakatingin si Henry sa isang dalagang di alam kung ano ang gagawin. 

"Bakit anong nangyayari?" sabi ng babaeng guro habang papalapit kay Henry. 

"Tumingin na lang kayo sa labas. Tin-tin halika na!" hinablot ni Henry ang kamay ng dalaga at hinila ito palabas. Di na nagpabebe si Tin-tin at tumakbo na rin kasama si Henry. 

"Henry, anong nangyayari?"

"Nawawala ang araw,"

"Ha? Anong nawawala?"

"May itim na bagay, tinakpan yung araw!" paliwanag ni Henry. Kaunting yapak na lang ay mararating na nila ang lagusan palabas ng kanilang eskwelahan. 

"Henry teka nga makinig ka sa'kin,"

"Tin-tin tumakbo ka na lang,"

"Henry! Bitiwan mo nga ako!" Nagulat ang binata sa kanyang narinig. 

"Tin-tin. Matagal ko nang gusto sabihin sa'yo to. Ngayong magugunaw na ang mundo, gusto ko malaman mo na gusto kita, matagal na. Kaya tara na! Gusto ko ikaw yung kasama ko bago..."

"Henry, umayos ka nga!"

"Bakit?"

"Di ka kasi nakikinig sa mga teacher mo. Anong magugunaw yung mundo?"

"Tin-tin. Nakita ng mga mata ko. Yung araw, may tumakip. Kaya tignan mo ang dilim sa labas oh!"

Tumawa si Tin-tin. Tumawa siya ng tumawa hanggang sumakit ang kaniyang tiyan. "Ang tanga mo Henry! Solar Eclipse tawag doon. Kapag yung buwan luminya sa araw, matatakpan niya ito! Basa-basa din tayo minsan noh!" pinagpatuloy ni Tin-tin ang kanyang tawa samantalang namumula na ang binatang si Henry. 

"Solar eclipse ba tawg dun?"

"Oo! Baliw!"

"So di magugunaw ang mundo?"

"Oo. OA ka lang talaga!"

"Nakakita ka na ba ng solar eclipse, Tin-tin?"

"Sa pictures lang. Tara tignan natin?"

Lumabas ang dalawa sa kanilang paaralan at tinignan ang kalangitan. Doon nakita ni Tin-tin ang malaking bagay sa kalangitan. Tinatakpan nga nito ang araw.

"Ganyan pala ang solar eclipse ha, galing! May lumalabas na ilaw" wika ni Henry. Nagulat si Henry nang napakapit sa kanyang braso si Tin-tin. Abot lupa ang panga ng dalaga sa gulat. 

"Alam mo Henry,"

"Ano yun Tin-tin?"

"Tanga din pala ako no?" 

"Ikaw nagsabi niyan. Di ako."

"Gusto din pala kita," sabi ng dalaga. 


Oxford CommaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon