***Lumipas ang ilang oras at patapos na ako sa ginagawa ko. Napansin ko namang tumayo na si Vanessa mula sa pagkakaupo niya kaya nilingon ko siya.
"Tapos ka na?" tanong ko kaya kumindat naman siya sa akin.
"Hindi pa pero! Magii-stay naman ako rito hanggang mamayang gabi kaya mamaya ko na lang itutuloy ang naiwan kong trabaho. Sabay kasi kaming magla-lunch ng boyfriend ko," excited niya pang saad kaya napangiti naman ako.
"So nagkatuluyan pala kayo ng ka-mixer mo. Did he pass your standards?"
"Hindi naman, mga 80% lang ng standards ko ang napasa niya pero hindi na ako lugi ro'n noh. Isa pa, Gray, sobrang bait niya sa akin. Besides, he's also loaded. Choosy pa ba ako?" natatawa niyang saad kaya napailing na lang ako.
"Good for you then."
"How about you 'te? Hindi ka pa ba magla-lunch? Half day ka lang naman ngayon 'di ba?" saad pa niya kaya tumango naman ako.
"Yeah, kaya tatapusin ko na ito bago ako umalis. Patapos na naman ako kaya mayamaya ay makakaalis na ako."
"Okey! Sige una na ako sa'yo! Bukas na lang uli," paalam niya pa bago siya naglakad palabas ng opisina.
May mga iba na rin kaming kasamahan ang lumabas para mananghalian. Kaagad ko na lang tinapos ang ginagawa ko dahil baka mamaya ay hinihintay na pala ako ni Sir Finral.
Pagkatapos na pagkatapos ko ay agad kong pinatay ang desktop ko tapos kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng opisina. Pagkalabas ko ay saktong palabas na rin si Sir Finral mula sa opisina niya kasama si Secretary Vince.
"Oh, right timing Miss Gray, kakatapos mo lang din. Come, follow me. Vince, ikaw na muna ang bahala rito dahil si Miss Gray muna ang magiging assistant ko for the day," saad ni Sir Finral kay Vince kaya tumango naman ito sa kaniya.
Naglakad na si Sir Finral papunta sa elevator kaya agad akong sumunod sa kaniya, samantalang naiwan naman si Vince na nakatayo lang sa harapan ng elevator at hinihintay lang nito na magsara ang pinto.
"Uh, Sir Finral, hindi kaya magtampo sa akin si Vince?" tanong ko kaya kunot noo akong tinignan ni Finral.
"Why do you think so?"
"Kasi baka feeling niya ay inaagaw ko na ang trabaho niya mula sa kaniya." Narinig ko naman siyang natawa ng bahagya.
"Nah, I know Vince very well. He will never feel that. Baka nga tumatalon na 'yun sa saya ngayon dahil magkakaroon siya ng rest day eh," paliwanag niya pa kaya gumaan naman ng loob ko.
Sabagay, may punto naman si Finral. Mukha naman kasi talagang mabait si Vince at hindi niya magagawang mag-isip ng gano'g klase ng bagay.
Pagkarating namin ng parking lot ay agad naming pinuntahan ang sasakyan niya. Inalalayan niya pa akong pumasok sa loob bago siya sumunod sa akin. Why is he so adorable? Sa kaniya ko lang nararanasan ang mga gentleman moves na 'yan.
Kasi kung si Drake ang kasama ko, hay naku. Baka ako pa ang gawing driver ng gunggong na 'yun. Tch. Hays, naalala ko na naman tuloy ang panaginip ko. Napakapangit. Mas pangit pa sa pangit. Tch. Kainis.
"Uh, Sir Finr- I mean Finral, saan pala ang location ng business meeting mo?" tanong ko habang busy siya sa pagmamaneho.
Napansin ko ang maliit na pagngisi niya bago niya ako sinulyapan. "Sa Sitio Mirabel. Balak ng kumpaniya na magpatayo ng bagong resort doon at kailangan kong makausap ang may ari ng lupang pagtatayuan para ma-settle na kaagad ang project," paliwanag niya pa kaya napatango na lang ako.

YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Acak"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!