12⛅

83 5 0
                                        


"How was your day?" Tanong niya. Sinundo niya ako sa bahay at nandito kami ngayon sa isang restaurant. He let me chose a restaurant na mahilig ko raw kainan tapos dun niya ako dinala, wow.


Pagkatapos kong makita ang message niya kanina ay agad akong umakyat para maligo at mag ayos. Hindi na nga ako nakapag reply, eh. 


Ipinagpaalam niya ako kay Mommy at agad naman siyang pumayag, she trusts Miko a lot. Kahit naman ako, eh, hindi naman siya mahirap pagtiwalaan.


Tsaka one week break naman kami, undas break. Ngayon pa lang ang unang araw kaya okay lang i-enjoy ko.


"Okay lang. I met your friends earlier." I answered. Kinuwento ko rin ang mga napag usapan namin kanina ng mga kaibigan niya.


"Sa pag jogging si James. Then, I went to Cloud's Cafe, doon ko naman nakita sila Peter." I said bago gayatin ang steak na kinakain namin. 


Inubos ko muna ang nginunguya ko bago ako nagsalita ulit, "Nagtaka nga ako kanina, hindi ka nila kasama, eh. Saan ka ba galing?" 


"You don't have to answer it. Na-curious lang ako kasi hindi ka nila kasama." The silence was too loud. Hindi siya sumagot agad at nagpapatuloy lang sa pagkain as if he didn't hear me.


"Sa bahay lang, boring nga, eh." Sabi niya pagkatapos uminom ng tubig. Oh, nasa bahay pala edi okay.


Tumango nalang ako at inubos ang pagkain, parang gusto ko na magpahinga at matulog. 


"May pupuntahan ba kayo ng family mo this week?" He asked, after a long silence.


Tumingala ako at nag isip. Wala naman siguro, wala pang sinasabi si Mommy kung may balak siya, eh. 


"Wala pang plano, kayo?" I answered. Tapos na kami pareho kumain, mag uusap nalang siguro kami sa... kung ano anong bagay? Siguro ganoon. Tinatamad pa ako umuwi, eh, wala si Kuya at Mommy.


"Wala rin baka dumalaw lang kami sa cemetery tapos wala na. Mga kaibigan ko ang daming plano." He said, nakapatong pa ang mga braso sa lamesa at nakatingin sa akin. Focus siya sa pag kwento.


Nakalagay sa lamesa ang cap niya, mahilig nga siya doon. Iba ibang cap ang nakikita ko kada magkikita kami, eh. Tapos laging naka-snapback ang pagsuot, bagay naman sa kaniya pareho kaya hindi ko na pinapakeelaman.


Wala kaming dadalawin sa cementery kasi hindi ko naman kilala lahat ng relatives ko, sa ibang bansa may dinadalaw kami pero nasa Pilipinas kami ngayon, eh.


Tumingin lang ako sa kaniya, hinihintay ipagpatuloy ang kwento niya.


"Gusto mag beach nila Peter. Takaw sa beach, amp takot naman maarawan." Tumawa pa siya habang dine-describe si Peter. Lagi nilang trip 'yon, ah, ay no, more like sila ang laging trip ni Peter.


I laughed at that thought.


"Ikaw? Kung mag pa-plano ka ng vacation ngayong week, saan mo gusto pumunta?" He leaned closer, uminom pa ng tubig.

Heaven's Cloud (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon