Chapter 4: Mental breakdown

52 8 0
                                    

Chapter 4: Mental breakdown

K L E O

"KLEO!" I jerked when I heard someone's voice and turned to him quickly.

"Y-Yeah?"

"You dozed off and you looked pale, ano ba nangyayari sa 'yo?"

"H-Huh?" nilapat ko kaagad ang daliri ko sa labi ko, wow ang lamig ng labi ko. "Ah, wala. Sige na, magluto na tayo, West. Nagugutom na rin kasi ako eh," wika ko sa kaniya kaya agad akong tumayo at nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay para tumulong sa pagluluto ng ulam.

Ano ba 'yong pumasok sa isip ko? Jusko, ang laswa naman no'n at nakakakilabot. Ba't gano'n ang pumasok sa isip ko habang nakaharap sa 'kin si West kanina? Nababaliw na talaga ako 'pag kasama ko si West, hindi na maganda 'tong nangyayari.

Gano'n na ba talaga ang epekto ni West sa 'kin? Pinagnanasaan ko ang katawan niya, like, oo inaamin ko naman na maganda ang pangangatawan niya pero sobra naman ang pangnasaan siya. Kailangan ko na ata magpa-psychotherapy.

West effect, shit ang pangit.

"Marunong ka ba magluto, Kleo?" wika ni West nang makalapit ako sa mesa na pinaglagyan ni West ng mga sangkap.

"Naku naman, pa'no ka ba nabuhay mag-isa kung hindi ka marunong magluto, jusko naman West."

Napansin kong naguguluhan siya. "Nagtanong lang naman ako na kung marunong ka bang magluto eh," nagpout agad siya.

"Ay, sorry naman," mapakla akong tumawa, "oo naman marunong akong magluto, ako lang kasi mag-isa sa bahay ko kaya kailangan na marunong akong magluto, ano ba gusto mo lutuin ko?" Nginitian ko naman siya para naman maipakita ko sa kaniya na sincere ako.

"Well, matagal na akong nagki-crave ng assurance sa isang relasyon at maraming pera," kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso siya sinasabi niya, walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin kaniya na may pag-aalangan.

"Nagtatanong lang naman ako, West. Ba't biglang lumiko ang sagot mo sa tanong ko?"

Seryosong mukha ang pinakita niya sa 'kin. "Ikaw ba, Kleo? Ano ba cravings mo ngayon?"

"Nagki-crave ako ng tinolang manok, West. Gutom na ako at 'wag mo akong dino-dogshow!" wika ko dahilan para bumuhakhak siya ng tawa. Anong nakakatawa?

"Ang cute ng reaksyon mo, ang cute mo pa lang magalit Kleo. Gusto kong kurutin ang pisngi mo," tumawa na naman siya.

Hindi na ako sumagot at nagkibit-balikat na lang. Hinanda ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko para makapagluto na ako. 'Yong nag-imbita ay tawa lang ng tawa sa upuan habang 'yong inimbitahan ay siya na mismo ang magluluto.

"Maupo ka na lang diyan, Kleo. Ako na ang magluluto para sa 'yo, ako ang nag-imbita sa 'yo eh," wika niya at inagaw niya sa 'kin ang kutsilyo na ginamit ko sa paghiwa ng mga panakot. "'Wag ka na sumimangot diyan, sorry na. Naaliw lang ako sa cute mo'ng mukha eh."

"Buti naman at naisip mo 'yan," sagot ko naman, naupo na ako at pinagmasdan ko na siyang hiwain ang mga sangkap.

Gutom na gutom na ako at nakipagbiruan pa 'tong lalaking 'to sa 'kin, hindi ako nagpunta dito para makipagdaldalan. Eh kung siya na lang kaya ang kainin ko...?

Sinaniban na naman ako ng kabaliwan!


∞∞∞

"Thank you sa paghatid," I said as I unfastened my seatbelt, in an instant I let out a genuine smile.

Ngumiti rin si West sa 'kin. "My pleasure, Mr. Kleo Madrigal."

"Talaga ba, Mr. West Ryle Barcelo...?"

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon