Chapter 13: Wasted

7 5 0
                                    

Chapter 13: Wasted

K L E O

"Shuta ang bango naman," 'yan agad ang nasabi ko nang makababa ako galing sa kwarto ko. Alam ko na sa sarili ko kung sino ang nagluluto ng agahan ngayon.

Dapat lang siya ang magluto kasi pinagod niya ako sa session namin kagabi. Para siyang matagal nang hindi nakapagsex or sadyang gigil lang siya kagabi, in other words napaka-aggressive niya.

"Oi, gising ka na pala," aniya nang mahagkan ko siya sa likod niya, nagluluto siya ng luncheon meat.

"Bwisit ka talaga, West. Sobrang sakit ng ibaba ko!"

Tumawa siya. "Pasensya naman, matagal na akong nagpipigil eh," aniya. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to. "Umupo ka kaya muna," suhestiyon niya at naupo na ako.

"Ayoko, gusto ko ganito muna tayo."

Humarap siya sa 'kin kahit na nasa beywang niya pa rin ang braso ko. "Maupo ka muna sa stool ng island counter, sige na."

Dahil ayokong magalit siya sa 'kin sumunod na lang ako sa sinabi niya.

"Wow ah, yung damit ko pa talaga ang suot mo," aniya.

"Eh, ikaw nga eh nakabalandra lang ang katawan mo."

"Ayos lang kasi ikaw lang naman ang nakakakita neto," ngumiti pa siya at binaling na niya ulit ang atensyon niya sa niluluto niya. Nakatitig lang ako sa maskulado niyang likod.

"Kleo, paano kung sabihin ko sa 'yo na hindi ako bisexual," seryoso ang mukha niya nang tumingin sa 'kin.

Nararamdaman ko na naman ang pagkulo ng dugo ko. "Talaga ba, West? Potangina mo," inirapan ko siya at agad na nagsalubong ang kilay ko.

Hinango na niya ang ulam sa kawali at nilagay sa plato.

"Alam mo, ang aga pa para ma-highblood ka riyan, nagtatanong lang naman ako, 'di ba? Wala namang masama sa pagtatanong eh."

"Oo nga, nagtatanong ka nga pero baka nakalimutan mo 'yong nangyari no'ng nakaraan. Alam mo nakakagigil ka eh," gigil na sagot ko sa kaniya pero si West ay tumawa lang.

"Chill ka lang, bibi ko. Mamaya ka na magalit, gutom ka lang eh, sige na kumain na tayo para magkalaman ang tiyan mo, ok?" kumuha na siya ng plato pati kubyertos, sinalinan na niya rin ng kanin ang nag-iisang plato.

"Tingin mo ba nag-usap sila ng matino kagabi? Sana naman, jusko," wika ko.

"Sa tingin ko, oo nag-usap talaga sila. Pakiramdam ko lang naman 'yon, pero mas mabuting tanungin na lang natin ang kaibigan mo, 'di ba?"

"Sana lang ay hindi galit sa 'tin 'yon, alam mo naman ang ugali ng baklang 'yon."

"Bahala na si batman, Kleo," ani West at kumain na. Bahala na talaga si batman sa 'ming dalawa mamaya 'pag nakita niya kami.

"Bilisan na natin, marami pa akong gagawin sa opisina ngayon."

"Aye! Aye! Captain!"

"Siraulo ka talaga," sagot ko sa kaniya at tumawa lang siya.

∞∞∞

Halata sa mukha ngayon ni Alec na nanggigil siya sa 'ming dalawa ni West. Parang gusto na niya kaming kainin nang buo.

"So, Alec my bestie. Nagkausap ba kayo ni Gray kagabi?" Tanong ko kay Alec ng mailapag ko ang tray ng pagkain sa tabi ng tray niya.

"Malamang nagkausap na ang dalawang 'yan, di ba Gray?" tanong rin ni West na katabi ko. Kaharap namin ni Alec sina Gray at West. Nauna na kasing maglunch si Alec at sumunod lang ako at na may kasama pa akong hampaslupa.

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon