Chapter 7: Daze

42 9 0
                                    

Chapter 7: Daze

K L E O

Nang matapos ako sa paglagay sa kung saan dapat ilagay ang mg groceries ay nagsend ako ng text kay West.

'Punta ka sa bahay ko, dito ka na mag dinner. Para naman matikman mo 'ko.'

Umupo na ako sa stool ng island counter nang magring ang cellphone ko. Hindi na ako tumingin sa caller ID at sinagot ko na kaagad ang tumatawag.

"Hi there, macho man."

"Don't call me that," sagot nang nasa kabilang linya.

"Why? You're indeed a macho."

"Nevermind. Where are you now?"

"I'm at my house, why?" I asked.

"Really!?" wow, he looked so shocked.

"Bakit nga?"

"Hay naku, papunta na ako riyan." Binaba na niya ang tawag.

"Wow, binabaan ako ni West."

Since papunta naman na siya dito ay maghahanda na lang ako ng mga kakailanganin ko sa lulutuin kong ulam ngayon. "Ano ba masarap ulamin? Ay, mamaya na lang siguro pagdating ni Gray dito."

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarinig ako ng doorbell. Si West na ata nagdo-doorbell. Dali-dali na akong lumabas ng bahay para pagbuksan kung sino man ang nagdo-doorbell.

"Ba't ganiyan mukha mo? Para kang inagawan ng lollipop ng kalaro mo," sabi ko kaagad nang makita ko ang mukha ni West nang buksan ko ang gate.

"'Wag mo 'ko kausapin," sagot naman niya, nagasalubong pa rin ang kilay niya habang nakatingin siya sa 'kin.

"Hala, eh ba't ka andit—" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang may inabot sa 'kin, isang kulay puti na bulaklak.

"Oh my gosh! West! Thank you!" Hindi mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa bulaklak na binigay niya dahilan para mayakap ko siya. "Salamat talaga, West!" Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Nakasimangot pa rin talaga siya sa 'kin. "Ba't ba ganiyan ang mukha mo? Kanina ka pa ah. May umaway ba sa 'yo?"

"Meron."

"S-Sino?"

"Ikaw!" May galit sa boses niya.

"Huh? Ba't ako? Di naman kita inaway ah, pinagsasabi mo diyan?" nilanghap ko na lang ang hawak ko na tulips.

Favorite flower ko ang tulips, ewan hindi ko alam kung bakit. Wala akong specific reason kung bakit gustong-gusto ko ang tulips, I just love it. At sobrang saya ko dahil may taong nagbigay sa 'kin ng tulip, never in my life ako nag-expect na may magbibigay sa 'kin ng bulaklak. Ang sarap pala sa pakiramdam, sana maulit pa 'to, sana lang naman.

"Tuwang-tuwa ka diyan sa tulips na binigay ko habang ako ay iniwan mo sa supermarket!" Agad na nabaling ang tingin ko kay West.

"Ba't mo 'ko sinisigawan?!"

"Ay, hindi sinisigawan. Nagsasalita lang ako ng mahinahon," bawi niya kaagad.

"Sabi mo iniwan kita sa supermarket? Wala ka namang sinabi na sabay tayong uuwi eh tsaka—"

"Tama na, Kleo. Nangyari na 'yon," napakamot pa siya ng ulo niya. "Alam ko na nagtataka kung ba't kita binigyan ng tulip."

Napatingin ako sa hawak kong bulaklak at kay West ulit. "Oo nga, ba't mo ba ako binigyan ng bulaklak?"

"Kasi kaninang umaga ay nanaginip ka ng tulips, tumatawa ka nga eh habang binabanggit mo ang tulips, para kang nasa isang garden na puro tulips. Tapos nakita ko sa cellphone mo na lockscreen wallpaper mo ay tulips, it made me realize that you love tulips, so, I bought some."

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon