Chapter 10: Love
K L E O
"Kinakabahan ako, Kleo," agad akong napatingin sa katabi ko, actually, kanina pa talaga hindi mapakali sa inuupuan niya at naba-bother rin ako kahit na busy ako sa ginagawa kong floor plan.
Buti na lang kanina ay hindi kami na-late ni West sa trabaho at wala pa si Alec dito sa opisina, may mga ilan nang mga architect na busy sa paggawa ng mga design nila pagdating ko dito. Sabay talaga kaming pumasok ni West sa kadahilanang gusto niya akong ihatid para makatipid ako sa pamasahe, 'yon lang.
"Chill ka lang, bakla. Alam kong magugustuhan na ng kliyente niyo 'yon," ang tangi ko lang nasabi kaya hinahagod-hagod ko ang likod niya.
"Sana nga para naman worth it ang pagod namin ni Gray," aniya. Malamang magiging worth it 'yan, nagsama ba naman ang parehong nag-top sa board exam.
Napansin naming pareho ni Alec na may taong lumapit sa table niya kaya naman napatingin kaming pareho sa kaniya. Grabe, abot tainga ang ngiti habang nakatingin kay Alec, halatang bet rin ang kaibigan ko.
"Alec, punta raw tayo sa conference room."
Napabuntonghininga agad ang kaibigan ko kaya naman ay tumayo na siya.
"Goodluck, guys!" wika ko naman, ngumiti lang ang kaibigan ko kaya naman ay umalis na ang dalawa sa opisina para sumalang sa conference room.
At kami naman ni West sa mga susunod na araw ang sasalang do'n sa conference room kasama ang mga engineers na involve sa project namin; such as electrical engineer, geodetch at iba pang engineer.
Kaunting kembot na lang sa design ko at ipapakita ko na 'to kay West at siya na ang bahala sa gawa ko, siguro bukas ay matatapos ko na 'tong gawa ko. Basta hindi lang ako madi-distract ng kaibigan kong bading na 'yon, jusko talaga.
Si Alec lang naman ang pinakachismoso sa 'ming dalawa kung tutuusin eh.
May tatapusin pa ako sa araw na 'to kaya naman ay; I gotta be work my ass of.
Malapit na malapit na talaga akong matapos sa design ko; mga eighty percent ng kabuoan. Gusto ko nang matapos 'to para makapagpahinga na rin ako sa wakas.
Nakatuon lang ang pansin ko sa ginagawa ko ngayon, habang si Alec ay inaayos ang sarili niya. Seryoso ang mukha ko na nakatingin sa kaniya, ang pangit niya ngayon at mukha siyang hindi nadiligang halaman.
"You looked haggard, you know?"
Napatingin rin siya sa kinauupuan ko bago sumagot. "I know, I didn't take a bath today, and you didn't even notice that I was late?" saad niya at sumandal sa swivel chair.
Alam kong may nangyari sa kaniya kaya naman ay sinabi ko na agad-agad ang magic words. "Spill the tea."
Napabuntonghininga pa siya pero kalaunan ay nagsalita rin naman. "Nakalimutan kong sabihin sa 'yo no'ng nakaraan na nilibre ako ni Gray sa café niya."
Now I looked puzzled.
"C-Café?"
"Hmm... 'Yong paborito nating café noong college and up until now," seryoso ang sagot niya sa 'kin at wala akong naiintindihan sa sinabi niya.
"Wait... What?"
"Yeah, Gray Café. He f#cking owned it. And on the bright side, 'pag pupunta tayo do'n ay wala na tayong babayaran as long as gamitan lang natin ng code 'yong barista, siya na mismo ang nagsabi no'n."
Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat ko nang marinig ko ang patungkol sa Gray Café. "No way!"
"Yes way, my friend. Gulat na gulat rin ako nang malaman ko 'yon," tumawa ang bading.
BINABASA MO ANG
Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB
RomanceArcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB A bisexual and gay man. Neither share any similarities. They couldn't have been more dissimilar; he is openly gay, and the other man is unsure of himself. What transpires when their worlds collide and sen...