Prologue

254 3 0
                                    


Nagising ako mula sa malalim na pagiisip ng kurutin ako ni Mona nang sobrang lakas.

“Ahh,” napaigik ako sa sakit.

Nang mapansin niya naman ang kamay ay agad niya ding tinanggal.

“Ayy, sorry sorry..” pagpapaumanhin niya.

“ang pogi naman kasi nito bes oh,” sabi niya sabay pakita ng screen ng phone.

Napakunot ang noo ko.

“asan naman jan?”

Eh group photo kasi yon tas madami sila sa litrato siguro lagpas bente.

Sino naman jan ang tinutukoy niya?

“Ayy sorry na haha.. Eto ohh.. Ang gwapoo yiee~”

Zinoom in niya iyon sa lalaki na nasa kanan.

Oh.

Gwapo nga.

Naiintindihan ko na kung bakit nagkagusto si Mona sakanya. Mata pa lang paniguradong hindi lang panga ang malalaglag sayo.

Pero kahit ganon, pass parin ako.

Inalis ko ang tingin ko sa phone niya at muling binalik sa tambak kong schoolworks na kailangan kong ihabol today.

Excuse kasi ako dahil sa laban pero di naman ako exempted. Di matatawid ng mga plus points ko sa extracurricular activities kung maze-zero ko ito.

“Gwapo nga mukhang babaero naman,” usal ko.

Napasimangot lang si Mona.

“Napakanega mo! Pero kung totoo man yan edi maganda diba mas malaki chance ko na maging girlfriend niya.”

“Hindi girlfriend ang tawag don Mona. Babae, magiging babae ka niya,” mataray kong sagot.

I don’t want to burst her bubble but that guy was so freaking handsome. For sure he won’t settle for less.

Hindi ko naman binebelittle si Mona pero kasi iba yung dating ei. Para bang sinasabi na ‘walang sino man ang sapat para sakin’

Faces like that are good to adore but not to fall for.

“san mo ba yan nakuha?” pag iiba ko. Sumisimangot na kasi ‘tong katabi ko.

Mabilis bumalik ang ngiti niya na parang inaalala ang matamis na kahapon. Eww.

“sinend sakin ng cousin ko, batchmates kasi sila tas kasama siya sa pictures kaya nakakuha sila ng copy. Grabe sabi ko lang naman sakanya bigyan niya ko ng reason kung bakit dapat akong mag aral sa school nila tas eto sinend!”

Kung sino man sa mga pinsan niya iyon. Aba’y saludo ako sakanya. Tingnan mo nga naman at mukhang sisipagin ito mag aral kung doon mapupunta. Mabentang mabenta kay Mona.

“Uhuh? So what’s your plan, tuloy ka jan?”

“Oo naman! Hindi ko palalagpasin ang pagkakataon! Tuloy tayo dito!” masiglang sagot niya.

“Huh? Ba’t pati ako nadamay eh ikaw lang naman may gusto jan?” gulat naman ako.

Ba’t pati ako?

Busy ako ayoko ng distraction.

“syempre dapat kasama kita,” pagpapaawa niya na kala mo naman effective.

“ayoko sa iba ako,”

“eh wala ka pa naman plano diba? Edi dito ka nalang din! Ano ba Gaia this school is big! Madaming magagaling na teachers plus who knows malay mo dito mo makita si ‘the one’,” pang eenganyo niya, “atsaka matitiis mo ba akong hindi makasama? Huh? Makakaya ba ng konsensya mo na iwan ako? Alam mo naman ikaw lang ang one and only friend ko eii!” parang iiyak na siya.

Totoo naman na wala pa kong nakikitang ibang school pero kasi ayoko naman pumasok sa school ng dahil lang may pogi.

"Hindi ko alam tingnan ko muna,” sabi ko nalang para tumigil na siya.

“Oh, edi tingnan natin. Inquire tayo," excited niyang sagot.

Nako mukhang hindi naman school ang titingnan nito eh.

“Kalian ba? Basta after ko muna mapasa lahat okay? Andami ko pa kasing ihahabol,” nanghihinang sabi ko.

Andami naman kasi talaga, seven subjects yun tas every week may paquiz tas every other day may pa output. Three months pa kong wala. Napabuntong hininga ako sa kakakalkula ng mga gagawin.

“Next week pa naman, tinext na din kasi ako ng cousin ko. Free time niya yon para may kasama tayo maglibot.”

“Okay,” pumayag na ‘ko, okay na din naman ‘to ayokong maging bias atsaka wala pa talaga akong idea sa magagandang school in town.


**

Mabilis lumipas ang araw at eto na nga kami nasa tapat ng Southwoods Int. Mukhang maganda nga dito, sobrang laki. Sa palagay ko kukulangin ang isang araw para maikot namin ‘to.

Well, wala naman akong balak ikutin ng buo. Yung target ko lang makita is yung classroom, library, cafeteria, field and ofcourse ice rink.

Sabi naman kasi ni Mona kumpleto daw sports na kinecater ng Southwoods kaya may rink talaga sila.

Lumapit samin ang isang lalaking nakasalamin, may itsura siya at maganda ang tindig.

“Hi,” bati niya samin.

“Kuya Preston! Antagal mo, excited na ko ih!” matinis na sabi ni Mona.

Kamot batok naman si Kuya Preston, siya pala yung cousin na sinasabi ni Mona. Yung may kabatch na gwapo.

“Sorry kakatapos lang kasi ng practice,” ngiwing sabi niya.

Mukhang athlete din siya, basketbolista ata.

“Sige na, sige na, tara na kuya!” excited talaga itong katabi ko dahil hinila niya na ko papasok at nagpatiuna na kami, di manlang ako pinakilala.

Una kaming dumaan sa field. Malaki yon, may para sa tennis, triathlon, soccer at madami pa. Di na namin nalibot lahat kasi malaki talaga.

Meron pa nga kaming nakikitang carts eh dahil nakakapagod talaga kung lalakarin mo lang siya.

Next naming pinuntahan is yung cafeteria, nagutom kasi agad si Mona sa paglalakad.

Sabi ko nga idulo dapat namin kasi diba pupunta pa kami sa rink atsaka sa library tas sisilipin pa namin yung mga rooms, pero napapagod na daw kasi talaga siya.

Wala kaming nagawa ni Kuya Preston kasi nangunguna nanaman siya na akala mo naman alam ang daan.

Madaming tao sa cafeteria pero ayos lang kasi kahit naman ganon hindi punuan. Malawak kasi talaga tapos three floors pa. ang galing nga ei kasi yung third floor niya is may mga recreational activities.

Sabi din ni Kuya Preston ay may cinema din daw sa loob. Di nanamin napuntahan kasi sa kabilang building pa daw yun nakalocate.

After namin kumain dumiretso kami sa mga rooms. Maganda naman tapos elevated yung sits. Malaki bawat room atsaka well ventilated.

Mas gusto ko yung ganito hindi kagaya sa school namin ngayon na para kaming mga hotdog sa ref kung palamigan.

Next naman naming pinuntahan ay yung rink.

Sobrang saya ko kasi ang laki-laki niya!

Sobra!

Dalawa ang rink nila dito, yung isa ay para sa mga figure skaters yung isa naman ay para sa players ng ice hockey.

Dati daw kasi ay madalas pag awayan yung time ng paggamit pero ngayon, eto at may kanya-kanya na.

Masyado akong natuwa sa paglilibot na hindi ko alam wala na pala sila Mona sa likod.

Sh!t.

Pagtingin ko sa paligid di ko na alam asan na'ko.

May pinto kasi akong pinasukan na naglead sakin sa isang mahabang hallway tapos ayon nilibot ko din kasi narealize ko na nasa locker rooms pala ako. Naamaze lang naman ako kasi sobrang ganda ng facility.

Di ko naman inexpect na parang maze pala dito. Andami kasing likuan. Di ko tuloy alam san ako nanggaling.

Ilang hakbang pa ang ginawa ko ng marealize ko na nawawala na talaga ako.

Bwiset, naliligaw ako.

Kung kanina nakakaamaze pa siya ngayon nakakainis na.

San ba kasi yun?

At alam mo kung ano pa yung mas nakakainis?

Yun ay wala manlang akong makasalubong!

Wala akong mapagtanungan!

Sh!t! Asan ba kasi yung dinaanan ko kanina?

Nagpapanic na'ko nang may mabunggo akong lalaki.

“Ahh,” napaigik ako sa pagkakatama ng balakang ko sa sahig.

Ang sakit.. aww..

Masamang tingin ang pinukol ko sa nakabungguan ko na agad din namang nagbago ng makilala ko kung sino.

Yung may abong mata..

Yung crush ni Mona.

Sh!t ba’t andito ‘to? Don’t tell me player siya?

“Miss, I'm sorry. Are you okay?” malalim ang boses na sabi niya sabay lahad ng kamay para tulungan akong makatayo.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, tanggapin ba yung kamay niya o hawiin ang buhok ko.

Sa sobrang tagal kong pag iisip mukhang nainip na siya at siya na mismo ang humawak sa siko ko at inalalayan akong makatayo.

Electrifying ang feeling nang nagdikit ang balat naming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong natuod sa pwesto. Kanina lang nagdadasal ako ng may makasalubong ngayon naman na may nakasalubong na, wala akong masabi.

Tiningnan niya ako gamit ang nanunuri niyang mata. Nakaka conscious naman kaya nagiwas ako. Nang masiguro niyang ayos lang ako ay humakbang na siya palagpas.

Pilit kong pinapakalma ang puso ko ng maalala kong nawawala nga pala ako.

Sh!t!

“Ahh, wait lang,” malakas kong sabi, sapat para marinig niya.

Huminto naman siya at lumingon. Nagtama ang mata namin at ayan nanaman ang puso ko, para nanamang may nagrarally.

“Uhm, naliligaw kasi ako, san ba dito yung daan palabas?”

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas ng klaro ang boses ko kahit kinakabahan.

Siya naman ay tiningnan lang ako bago unti-unting lumapit.

Thump.. thump.. thump..

“Let’s go, I’ll guide you back.”

Hindi nakatulong ang maliit na distansyang inilaan nito para patigilin ang nagwawala kong puso.

Ang alam ko talaga si Mona ang patay na patay dito, bakit ngayon ay parang ako pa ata ang nangingisay sa kilig?

Parang napakabigat ng bawat hakbang ko habang sabay kaming naglalakad. Kung saan-saan kami lumiko hanggang sa maaninag ko ang pintuang pinasukan ko kanina. Nang makalabas ako ay parang nakahinga ako ng maluwag.

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko nang napansin kong huminto na ang katabi ko sa paglalakad.

Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sakin na para bang nag aantay na makalayo pa ako.

Hindi ko alam ang sasabihin basta dapat magt-thank you ako pero nahugot ko ang hinga ko ng ngitian niya ako bago siya tumalikod at naglakad pabalik.

Sh!t! Sh!t! Sh!t!

What was that?

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon