Chapter 40

29 3 0
                                    


“Ladies and Gentlemen, we will be taking off shortly, so please straighten your seatback, make sure your seatbelt is securely fastened. Window shades fully opened, tray table stowed. Thank you.”

Papalapag na ang eroplanong sinasakyan ko pabalik ng Pilipinas.

Finally, after five long years..

Now, I was actually planning to settle here for good. I love the Philippines. I love it more than the countries I’ve been, after all there is no place like home.

If you’ll ask about my dad, he died a year ago. He ask for my forgiveness before his last breath.

Honestly, I never felt angry towards him for asking me a break with Brandon.

Malungkot, masakit, mahirap.. pero ayos lang. Naiintindihan ko ang takot ni Daddy, pinili ko iyon intindihin.

He also ask me to chase the man of my dreams pero mukhang huli na ang lahat para sa’min ni Brandon. I heard he have a fiancee now. Well, good for him..

And about my super cute baby boy, he’s now four years old and he’s super bright.

Yes! Like his name!

I named him Bright Aaron Romualdez.

Mukha siyang xerox copy ni Brandon. Nakakainis nga eh parang lahat nakuha niya kay Brandon wala manlang akin.

May halo din naman yan na egg cell ko pero ba’t ganon kutis ko lang ata ang nakuha eh kaso kasi magkakutis din naman kami ni Brandon kaya medyo tagilid din.

“Mommy, will we buy new toys? You told me we can’t bring my toys here in the Philippines.”

And as you can see, napakagastos niya rin po, opo! Pero okay lang kaya naman ako nagtatrabaho para mabili ang mga gusto niya.

I can’t give him a Daddy pero bawing bawi naman sa Mommy!

I’m now working at the company as the chief of finance. Si Tito Leon na ang pumalit kay Daddy sa pamamahala ng buong company na tinutulungan naman ni Tito Remus.

Dapat nga si Tito Remus kasi hindi naman maalam si Tito Leon sa business pero mahigpit na tinutulan iyon ng Lola dahil alam niyo naman.. Farmer si Lola Lucresia, mapagtanim ng sama ng loob, choss.

Buti nga at hindi siya nagalit sa’kin nang nalaman niyang buntis ako.

Siguro dahil narin cute na cute ang baby ko kaya di niya makuhang magalit.

For five years nagpakatatag ako para sa anak ko, muntik na siyang mawala sa akin dahil sa depression at stress na dinanas ko sa paghihiwalay namin ni Brandon pero mapalad ang diyos at hindi niya hinayaang mawala ang anak ko sakin.

Bright became my strenght, he became my light..

Like his dad, he never fails to make me smile and shower me with so much love.

That’s why I love him the most, he became the center of my world. He’s my life.

Pagdating sa arrival area, nakita ko agad si Juno na may hawak na placard at may nakasulat na ‘welcome home, bright’ so di ako kasali? pukulin ko kaya ‘to.

“Mommy when will daddy nong arrive? I miss him na po.”

Kakabalik lang namin sa pinas ay ito na agad ang tanong ni Bright. Sabi na at nagayuma ito ni Dustin eh.

Sadly, the one he’s referring as ‘Daddy nong’ is Dustin, the one I first met at La Crosa.

Grabe laughtrip talaga siya kahit kailan.

Ang una niya pa kasing pakilala sakin ay siya daw si Dustin Rocksteel.

So, naniwala naman ako kasi half american siya pero nang makita ko ang identification card niya ay hindi ko na napigilang matawa.

Ba naman kasi, ang real name niya pala ay ‘Dustin Batongbakal’

Doon ko lang naalala na ang mommy niya nga pala ang american so technically ang mapapasa sakanya is yung surname ng dad niya since married naman ang parents niya.

God!

Imagine my laugh that time, grabe one month ata bago ako nakamove on sa name niya.

Rocksteel pa more!

Nameet ko si Dustin sa university na pinapasukan ko, isa siya sa mga taong tumulong sakin lalo na nung pinagbubuntis ko si Bright.

Maselan ang pagbubuntis ko at naging bedridden pa ako sa last month kaya andami kong absent non, muntik na nga akong mag stop eh buti nalang tinutulungan niya ako na makacope up sa lessons.

My relationship with Dustin was pure, nagkakasundo ang humor namin pero hindi namin nagawang magustuhan ang isa’t isa.

Plus may iba siyang gusto pero binusted siya kaya ayon, moving on ang ganap ng kuya niyo.

“I don’t know baby eh he’s fixing his papers pa pero susunod din naman iyon agad,” paliwanag ko kay bright.

“okay po, so when will we buy toys?” mahilig talaga siya sa laruan lalo na sa superman, ang cool daw kasi.

“Maybe tomorrow nalang? Kasi magrerest muna tayo then pupuntahan natin si Grandma Gracia mo pa, so maybe after the visit tsaka palang tayo pupuntang toy store.”

“Okay po, mommy,” mabuti naman at napapayag ko din, may lahi din kasi si Bright na makulit lalo na pag gusto niya.

Ang ingay hindi tumitigil. Nakadating na kami sa bahay si Juno lang ang nakatira dito at ang mga kasambahay. Nalulungkot siguro dito mag isa kaya namilit din na pauwiin na kami dito.

Anlaki laki niya na pero wala pa ding dulot kundi sakit ng ulo. Na addict kasi sa basketball kaya ayun tuloy ang mga grades pumapalakol.

Pinapabayaan nalang ni mommy as long as di daw bagsak, okay na.

Nakarating kami sa dating kwarto ko. Binihisan ko muna si Bright at pinatulog bago ako mag ayos ng mga damit, di pa din naman ako inaantok kaya magliligpit muna ako.

Nagtutupi ako ng mga damit ng magtext sakin si Kelly.

Kelly:

Friend, cancelled ang engagement ng dating papi mo!

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon