Chapter 27

30 2 0
                                    

December 29, kausap ko sila Mona at Kelly via zoom. Ngayon lang nagkasignal kaya ngayon ko lang sila natawagan.

Nasa France si Mona habang nasa Canada naman si Kelly. Si Pia naman ay simula nung magbakasyon ay di pa din nagpaparamdam sa’min.

“Hoii Mona, magkwento ka naman about jan sa papi mong pransiskano!”

Anlakas talaga ng boses ni Kelly kahit kailan. Napaka energetic niya.

Namula si Mona, “tigilan mo ko! Sabi ko na sayong pinsan ko yon, nakakahiya ka! Buti di ka naiintindihan!”

“Wews, pinsan niya daw pero nagbublush.. Ayan ahh..” pang aasar ni Kelly.

“Ang incest Kells!” natatawang saway ko.

“Alam mo Kelly wag mo ipoint sa’kin ang ganyang topic dahil sa’ting dalawa ikaw ang may kahalikang amerikano! Sino yon, huh? kala mo di kita mamumukhaan sa live ng pinsan mo!” bwelta ni Mona.

Ito nga daw kasing si Kelly ay nahuli cam na may kahalikang lalaki nung nagbar daw sila kasama ng pinsan niya nung christmas eve.

French kiss daw at parehong mukhang lasing.

Niloko pa nga siya ni Mona at sinabing, siya ang nasa france pero si Kelly ang nag fefrench.

“Duh! Mona, we’re living in the 21st century! You can kiss any guy without feelings involve! Atsaka it’s quite normal here in Canada noh! What I mean is kissing.. make out.. It’s very normal,” Kelly retorted then gave us her infamous eye roll.

Di ko mapigilang di matawa tuwing ginagawa niya iyon, papasa na kasi siyang espiritista sa tagal ng ‘tirik’ part.

“eeww~” sabay at nakangiwing sabi namin ni Mona. Tumawa lang siya at nagkibit balikat.

Saming apat si Kelly ang may pinakamadaming karanasan pagdating sa mga bagay na ito, magaling siya sa lalaki dahil likas sa kanya ang talento sa pakikisalamuha.

Madalas niya pang ikwento na naka anuhan niya daw si ganito sa kotse nito, o di kaya ay maliit daw ang ano kaya iniwan niya.

Hay.. sa una ay hindi komportableng pakinggan lalo na galing pa kay kelly na napakadetalyado mag kwento pero kapag nasanay ka ay matatawa ka nalang sa mga pinagsasabi niya.

“Wow huh, kaya pala blooming na blooming ka,” inismiran lang siya ni Mona.

“Oh, what about you naman friend? Wala ka bang papi jan? Di ka ba nabobored?”

Naisip ko naman si Brandon sa tanong niya, pero natatakot akong umamin dahil pareho kong alam na may gusto sila don.

Ngumiti nalang ako, “maganda dito sa La Crosa madaming pwedeng puntahan atsaka diba nasabi ko nang katabi lang ng mansion ni Tito yung beach kaya pag wala akong magawa nagsiswimming lang ako don, and people here are nice.. they are all nice to me.”

“Napakabait naman ng sagot mo, oh well wala naman kaming aasahang pap-” natigil sa pagsasalita si Kelly, pati si Mona nakatigil din.

“Nawalan ba ng signal?”

Tiningnan ko naman ang bar ng signal pero may four bars naman kaya hindi signal ang problema.

‘Baka naman naghuhung yung laptop?’

“Love, nasira yung blower ko, pahiram ng iyo.”

Paglingon ko nakita ko ang hubad barong si Brandon na nakatapis lang ng twalya.

Kitang kita ang shinning wet abs niya, at nag uumigting na muscles sa braso at katawan.

Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya padaan sa katawan at humihinto sa twalyang nakatapis sa baywang.

Tulala kong itinuro ang dresser, naglakad siya papunta don para kuhain ang blower. Akala ko aalis na siya pero dito pa siya sa kwarto ko nagblower.

Nakatingin lang ako sakanya the whole time, walang nagsasalita.

Tunog lang ng maingay na blower ang naririnig. Nang matapos ay naglakad siya palapit sa’kin.

Itinukod niya ang magkabilaang kamay sa arm rest ng inuupuan ko at itinagilid iyon paharap sa kanya.

“Tito asked us to do the grocery, so come down in twenty, okay?”

Dahan dahan akong tumango, he then, peck a kiss before leaving the room.

Humarap na akong muli sa kanila. Tahimik at wala pa ding nagsasalita kahit ilang minuto na ang lumipas.

Natatakot ako na baka magalit sila sa’kin. Ayokong isipin nila na inahas ko ang crush nila at tuluyang magalit sa’kin at lumayo.

Naiisip ko pa lang na iiwasan nila ‘ko sa school ay naiiyak na ‘ko.

Matagal ko na silang kaibigan at napamahal na sila sa’kin. Kami ang madalas magkasama sa loob man o labas ng school.

Sila ang labasan ko ng frustration sa studies man o sa skating.

Tuwing napapagod ako sa practice o sa dami ng school works, sila ang number one na nag e-encourage sa’kin para magpatuloy.

Sila ang parating umiintindi sa’kin at tumutulong tuwing nangangailangan ako.

I love my bestfriends, mahalaga sila at di yon magbabago.

“sor-”

“ahhhhh!!!!!~” naputol ang dapat kong sasabihin sa sabay at malakas nilang tili.

Narindi ako, napatanggal tuloy ako ng earpods ng wala sa oras. Parang naalog ang utak ko don ah.

“OH MY GOSH!! IS THAT SERIOUSLY ‘THE’ BRANDON NICHOLAS RINOJA AT YOUR ROOM?! OMG! OMG! OMG!”

“GOD BES! NAKITA MO BA IYONG PANDESAL NIYA? MY GOD BINILANG KO ANSARAP!!!”

“calm down guys..”

“NAKAKAINGGIT NAKITA MO NG LIVE”

“MASARAP BA SA PERSONAL? MAS MALAKI BA?”

“SANA ALL!!!”

“AHHHHH!~”

“GUYS CALM THE FUCK DOWN!!” natiggil naman sila sa sigaw ko, wala akong naintindihan ni isa sa sinabi nila, sabay silang magsalita at puro sigaw lang narinig ko!

“Guys calm down.. okay? I will explain everything, so shut up and just listen, okay?” malumanay kong sabi.

Sabay naman silang mabilis na tumango.
Nakahinga ako ng maluwag, mukhang di naman sila galit.

I am so blessed to have such a nice friend like them.

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon