Chapter 23

34 2 0
                                    

Bumaba kami ng sabay, nasa sala na silang lahat kami nalang kulang. Mukhang ready’ng ready na sila para sa party.

Yearly kasi nag hohold ng iba’t ibang events dito ang mga Rinoja, specially Christmas and New Year.

Buti pinagpalit ko si Brandon kundi siya lang naiiba samin. Si mommy at tita ay naka red dress habang si tito ay naka red plain polo din, naka brush up pa ang buhok niya, lalo tuloy siyang bumata tingnan.

Habang itong katabi ko gwapo sa messed up hair.

So proud! ako nag gulo jan!

Nag breakfast kami ng sabay sabay, tahimik sa hapag pero huli ko ang maya’t mayang paglingon ni mommy sa’min.

Ba naman kasi hindi sa tapat ko umupo si Brandon kundi sa tabi ko.

Mukha namang normal lang ang kilos nila tita at tito siguro expected na nila ‘to since Brandon’s confession.

Ewan ko ba sa taong ito at habang pababa kami ay dikit na dikit talaga siya sa’kin, ang hirap naman paalisin kasi nagbibingi bingihan, nakakainis! Magsasayang ka lang ng laway at effort.

“Here eat this, too.”

Sinandukan niya ako ng isa pang scoop ng rice at nagdagdag pa siya ng bacon sa plato ko. Inirapan ko siya sabay hinga ng malalim at nagsimula nang sumubo.

Sabi ng psychiatrist ko kapag daw galit ka try to do the candle blow then count until ten bago ka magsalita, it’s to make you compose and calm.

May mga nasasabi kasi tayo na masasakit lalo na kapag galit tayo, and most of the time mahirap na yon bawiin.

Pero in Brandon’s case kahit ano yatang sabihin ko sakanya ay wala siyang pakealam, gusto niya ay gusto niya, walang makakapigil.

Ilang beses ko na siyang nasabihan ng ‘mabaho’ para naman maconcious siya at lumayo layo ng konti sa’kin pero dahil napakataas ng self confidence ng kuya niyo aba isiniksik pa ‘ko sa kili kili niya.

Napaka balasubas talaga ng ugali niya. Wala akong masabe!

Maagang dumating ang mga organizer, inaccomodate sila ni tito at tita, si mommy naman ay nasa kitchen tumutulong sa pagpreprepare ng foods, samantalang kami ni Brandon naman ay tumulong sa pag prepare ng tables and chairs.

Buti nalang di ako nagdress kaya comportable akong nag aayos ng mga upuan, si Brandon naman ang tagabuhat ko.

Three pm nagsimula na ding magdatingan ang mga visitors ni tito, sabi ni Brandon mga farmers and workers daw sila dito sa farm.

Akala ko nga mga ‘big people’ ang visitors eh ayun pala yung mga trabahante nila.

Ganon na ang tradition dito kahit na ang lolo niya pa ang namamahala. They want to keep a good relationship with their workers.

On every occassion the Rinoja’s never forget their subordinates. I heard they even hold games and give cash to the winners, parang childrens party, adult edition lang.

It actually made my heart warm on how they value their farmers, no wonder I never met an ill mannered one. Sa garden ginanap ang party, ang daming tao don.

Malaki ang garden nila tito pero halos mapuno na iyon ng visitors, more than fifty ang tables na prinepare at lahat occupied.

Nakaupo kami sa isa sa mga lamesa sa harap nang may lumapit sa’min na matandang babae, may nakasunod sakanyang dalaga at maliit na batang lalaki sa likod, siguro isa sila sa family ng mga farmer dito.

“Magandang araw  Brandon, masaya akong makita ka ulit. Matagal na nung huli kang bumisita, anliit mo pa no’n. Nako, naaalala mo ba itong si Janet? Yung kalaro mo noon?” sabi ng ginang, mukha siyang masaya talagang makita si Brandon.

Lumapit naman ang babaeng tinutukoy niyang ‘kalaro’ ni Brandon nung bata pa, yung Janet daw.

Nginitian niya si Brandon, sumukli naman ng ngiti ang katabi ko na agad ikinapula ng pisngi ni Janet.

“H-hi, m-maligayang pasko,” bati ni Janet, nauutal pa.

I mentally rolled my eyes.

Napaghahalataang may gusto siya kay Brandon, bukod kasi pananalita niya ay mahahalata mo ring nag ayos talaga siya para sa salo salo na ito.

Malayo pa lang kasi ay nakikita ko na ang kalahati ng dibdib niya dahil sa napakababang neck line ng suot.

Gusto ko nang hilain si Brandon palayo sakanila pero ayoko namang isipin nila na matapobre at masama ang ugali ko.

Well, kay Brandon ko lang naman nalalabas ang ‘masamang’ ugali ko, kasi naman, mukhang immune na siya sa’kin.

May mga pagkakataon pa ngang sinusubukan ko siyang pikunin pero sa dulo ako ang mas napipikon.

Napakagaling niya kasi!

Ngumiti nalang ako para itago ang iritasyon ko. Nagtuloy tuloy ang pag uusap nila at di nalang ako nakinig, baka lalo lang masira ang pasko ko.

Tumayo ako para lapitan si mommy, may kausap siyang matandang lalaki na mukhang nasa mid sixties, nakangiti ang matanda at magalang na nakikipag usap.

Tumango ako bilang pagbati bago umupo sa tabi ni mommy.

“This is my daughter, Gaia, same age ng apo niyo tay,” pagpapakilala ni mommy sa’kin, ngumiti naman ako sa matanda.

“Gaia, sweetie, this is Tatay Esteban, he’s a farmer from the corn field.”

“Hello po, maligayang pasko,” nakangiting bati ko.

Magaan ang pakiramdam ko sa mga lolo, siguro dahil naspoiled ako ng Lolo Gaspar ko, ang papa ni daddy.

Kung gano kastrikta si Lola Lucresia ay ganon naman ang bait ni Lolo sa’min.

Natatandaan ko pa, madalas niya ‘kong bigyan ng tsokolate nung bata ako tuwing pumupunta kami sa mansyon nila, hindi pumapayag si lola na kumain ako non dahil maaga daw masisira ang ngipin ko at baka lumaking pangit, kaya kapag walang nakatingin ay inaabutan niya ‘ko ng maliliit na flatops.

Nakakalungkot nga lang na namatay siya nung elementary ako, grabe ang iniyak ko no’n kasi mamimiss ko siya.

“Maligayang pasko din ineng, napakaganda mo namang bata, mukhang posibleng magkagusto sayo ang apo ko. Gwapo yon baka matipuhan mo, mana sa’kin,” tumawa ng malakas si Lolo Esteban.

Napangiwi naman ako kaya mas lalo silang tumawa ni mommy, sa dulo ay nakitawa na din ako, nakakahawa kasi ang tawa nila.

Madami pa kaming napag usapan na puro nagpatawa sa’kin ng malakas.

Masarap kausap si Lolo Esteban, mahilig siyang magbuhat ng bangko na tipong matatawa ka nalang talaga.

Akala ko magiging boring ang pasko ko, hindi pala.

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon