Chapter 30

33 2 0
                                    

Kinabukasan, tanghali na ‘ko nagising at mag isang kumakain sa hapag ng aking brunch. Wala naman daw si Brandon, maagang umalis.

Nang tanongin ko si yaya puring kung san nagpunta sabi niya ‘di ko alam ma’am’.

Hmm.. something smells fishy..

Mamaya pumunta siya dun sa bahay nila Janet ah! Kala niya nalilimutan ko na yung kinakausap niya nung pasko. Aba matalas ang memorya ko ‘no!

Pero mukha namang hindi dahil mas maganda naman ako don kaya baka di niya ‘ko ipagpalit dun..

Naisip ko lang, ba’t para sa’tin dapat mas maganda ang ipapalit sa’tin ng mga boyfriend na’tin? Na kapag pangit hindi justifyable, hindi makatotohan.

Why is the society made that way? Na ang ranking ng tao ay nakadepende sa panlabas na anyo nito.

Na kapag maganda ka ay hindi ka kapalit palit, pero kapag ang pangit pinagpalit, maiintindihan natin, kasi pangit eh.. may mas maganda.. may mas better..

Kapag ang pangit at maganda nagsama, tingin natin may nagayuma.. at alam na agad natin kung sino.

Kahit pagdating sa magnanakaw, kapag gwapo di yan totoo, malabong mapagbintangan, pero ang pangit, ayon.. mukhang magnanakaw.

Why can’t we help but to judge people base on appearance, to criticize base on what we see?

Nainterrupt ang pagmumuni muni ko ng dumating si Brandon may dalang malaking supot ng fresh mangoes, yey!!!

Sabi na di ako niyan pinagpapali-

“Dumaan ako kila Janet, binigyan niya ‘ko ng mangga, harvest season na kasi kaya madami sakanila, do you want love?”

HA! NAGBAGO NA ANG ISIP KO! DAIG NG MAKATI ANG MAGANDA!

“Letse!” sigaw ko sabay walk out.

Nagdadabog akong pumasok sa kwarto, maaga daw siyang umalis diba? Aba’t! tanghali na! Ba’t antagal niya?! Anong ginawa nila?!

Subukan niya lang talaga akong lokohin.. makikita niya!! Ugh!!

Bumukas ang pinto, iniluwa nito ang nakakabwisit at nakakainis na anak ni adan!

“Love, galit ka ba?”

Lumapit siya sa kama, nagtalukbong lang ako, bahala siya jan!

Masama sila ng JANET NIYA!

“Hey.. love, meron ka pa rin ba? Ba’t ang sungit mo?”

Bwisit na ‘to! Wala na, tapos na ang grumpy days ko pero mukhang magtutuloy tuloy dahil sakanila ng mga babae niya!

“mama mo love, magsama kayo ng Janet mo,” pabalang kong sagot.

“are you jelous?” di ko na mapigilan mapaupo. Hinarap ko siya at hinampas ng malakas sa dibdib.

“ah..” daing niya.

“Mama mo jealous, ba’t naman ako magseselos? Mukha ba ‘kong selosa huh? atsaka hindi ako galit! Kahit magsama pa kayo ng janet na yan, DI AKO MAGAGALET! PUNYETA! Ilibing ko kayo sa puno ng mangga, makita mo..”

Banas na banas na ‘ko habang siya tumatawa pa.

Anong nakakatawa?! Natutuwa ba siya na nag aaway kami? Gusto niya ba ‘tong nangyayari samin? O baka naman plinano nila ‘to ni Janet para maghiwalay na kami at sila na ang magsama?

“Ba’t ka tumatawa? Plinano niyo ‘to noh? Para magsama na kayo? Alam mo di niyo na kailangan mag isip pa ng plano, pagsasamahin ko din naman kayo kahit habang buhay pa nga.. sa ilalim nga lang ng hukay!”

Hindi ko na makilala ang sarili ko, di naman ako ganito dati mag isip. Nahawaan lang ata ako ng kademonyohan ni Brandon.

Para siyang yung pinagbabawal na prutas tas ako si eba, natetempt akong gumawa at mag isip ng masama dahil sakanya.

Bad Influence siya!

“No, im sorry.. you’re just cute when you’re jealous,” automatic na nag blush ako don.

Luh? Parang ewan.. kainis.. hihihi..

“and no, hindi ka po mukhang selosa, hindi ko gustong makasama si Janet dahil ikaw lang ang mahal ko, di ako tumatawa dahil gusto kong nag aaway tayo, natutuwa lang ako kasi nararamdaman kong mahal mo ‘ko.. hmm, may nakalimutan pa ba ‘ko?..” umakto siyang nag iisip, “ahh, and no, ayokong malibing sa puno ng mangga.”

Parang ewan.. kala niya naman ililibing ko talaga siya eh love na love ko siya..

Atsaka sure naman akong di ako ipagpapalit ni Brandon, kasi alam kong ‘love love’ niya ‘ko.

“Kaya halika na love, baba na tayo, wag ka na magalit sa’kin.. Atsaka I bought you patillas, diba favorite mo yon.”

Ang lumanay niyang magsalita, nakakadala. Kapag ganyan ang tono niya, mapapa'oo' ka nalang talaga sa lahat ng sasabihin niya.

“Hmp! Oo na, pero yung pastillas lang kakainin ko.. ayoko nung mangga."

Ayoko ng mangga kasi galing yun kay Janet, kahit takam na takam ako don ay pipilitan kong pigilan ang sarili ko!

Pero at some point wala namang kasalanan yung mangga, kaya baka okay lang kahit palagpasin ko na siya!

Pero hindi!

Tactics yun ni Janet para makuha ang loob ni Brandon, kaya ayokong kainin ang mga maduduming paraan niya!

ARGHH!! Kasalanan ‘to ni Janet!

Nakasimangot akong tumayo.

“Love, it doesn’t came from Janet, his father was the one who harvest it, and we own the farm. So, technically Janet have no any connection from the mangoes, you can eat it.”

Bakit ngayon niya lang yan sinabi!

Nasa dinning room kami, nagbabalat siya ng mangga habang nakaupo naman ako sa tapat niya, pinapanuod siya habang maya’t maya ang dukot sa mga na slice niya na.

Bawat pagpeel niya ay sumasabay din ang pagfeflex ng biceps niya.

Hay.. Ansarap talaga.. ng mangga.

Hush The WailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon